CHAPTER 4

7.9K 100 1
                                    

Pagkatapos ng tagpong iyon kanina ay nandito ako sa aming silid pangkatulong. Gusto ko na munang magpahinga para maibsan ang sikip ng aking dibdib. Napaupo ako sa aking maliit na kama at kinuha ang di kaliitang litrato namin nila Inay at Itay. Kuha ito noong ako'y nasa elementarya pa lamang. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng aking luha, hinaplos ko ang kanilang mukha, miss na miss ko na sila. Gusto ko man silang tawagan pero wala naman akong selpon pero si Inay ay merong maliit na selpon iyon bang keypad lang.
Gusto niya pa nga sanang ipadala sa akin pero tinanggihan ko mas kakailanganin niya iyon.

Habang tinitingnan ang litrato naming tatlo ay bumukas ang pinto, iniluwa roon si manang Fe.

"M-manang Fe, kayo po pala" saad ko at umalis sa pagkakaupo, itinago ko sa likod ko ang litrato.

"Anong ginawa mo Syntha? Hindi ba't binilinan na kitang mag-ingat ka lalo na sa mga anak nila Donya Erana" Malungkot na ani ni Manang Fe sa akin, lumapit ito sa akin na ikinayuko ng ulo ko. Ramdam kong namumula na ang aking mata at gusto ng umiyak.

"S-sorry p-po Manang Fe, humingi naman po ako ng tawad sa pagkabuhos ko ng tubig sa anak ng Donya" naiiyak na sagot ko.

"Hayy.. iyon na nga ijia sa Dinami dami ng mabuhusan mo ang panganay niya pa na anak" may pag-aalala sa tono ng boses ni manang.

"Halika ka na Syntha, kailangan kong sumama sa akin" dugtong nito at hinawakan ang braso ko. Napatingala naman ako at nagulumihanan naman akong napatingin sa kanya at iiling iling.

"S-saan po ako pupunta?" Naguguluhang tanong ko.

"Basta sumama ka na lamang sa akin, ayaw ko man itong gawin sayo pero wala akong magagawa utos ito ni Señorito Mattheo" ani niya at hinila ako palabas ng aming silid. Hawak hawak ko pa rin ang litrato namin nila Inay at Itay.

Pagkalabas namin ni Manang Fe sumalubong sa amin ang ibang mga katulong na malungkot na nakatingin sa akin, ayy maliban na lang kay Regine na nakangisi pa. Alam ko naman na simula ng dumating ako dito ay may sama na ito ng loob sa akin.

"Syn, anong nangyari? Sorry wala akong magawa para tulungan ka." Wika ni Ate Raya sa akin, malungkot naman akong tiningnan ni Ate Mikay. Ngumiti na lamang ako sa kanila upang sagot na ayos lang ako.

Idinala ako ni Manang Fe sa isang silid na hindi ko alam, hawak niya pa rin ang braso ko. Nang makarating sa pinto ng silid ay huminto kami.

"Hintayin mo na natin si Sir Mattheo dito, nasa kanya ang susi" Ani ni manang at binitawan ang braso ko.
Napayuko na lamang ako at mahinang humikbi.

Isang malakas na tunog na sapatos ang dahilan para mapatingala ako. May luha pa ang aking mata kaya agaran ko ring pinunasan. Isang gwapong lalaki ang pumunta sa aming harapan ni manang Fe, nakasuot ng long sleeve na puti at isang fitted black pants. Madilim itong nakatingin sa akin at ngumisi ng nakakakilabot.
Pagkamuhi ang dumantay sa aking boong katawan, kahit gaano ka pa kagwapo at kakisig na lalaki kakamunghian kita. Napakababaw ng dahilan mo para magbigay ng parusa. Kung nandito lamang si Itay baka kanina ka niya pa hinabol ng itak.

"Here's that key Manang Fe, you can now open that door" Ibinigay niya kay Manang Fe ang susi na agaran namang kinuha ng matanda.

Ganon ang ginawa ni manang, habang ang lalaki ay madilim na nakatitig lamang sa akin. Napayuko na lamang ako dahil nagbabadya na naman ang mga luha ko.

"I know you're crying now, stop doing that in front of me. Dapat ginawa mo na iyan noong wala pa ako dito" Malamig na bulong nito sa aking tainga. Lumapit kasi ito sa akin.

"I know masyadong mababaw ang dahilan ko para pahirapan ka but sorry dahil ganoon akong tao. Isang pagkakamali lang pinaparusahan ko" dugtong pa nito at hinalikan ang dulo ng tainga ko. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan dahil ginawa niya.

Umalis ito sa pagkakalapit sa akin at pumunta sa gawi ni Manang Fe, nakabukas na rin ang pintuan.

"Ito na ang susi Señorito Mattheo" sabay bigay sa susi sa palad ng lalaki.

"Thanks manang, kapag sinabi kong huwag bubuksan ang pinto huwag niyong bubuksan. Nakakaintindihan ba tayo?" Saad nito. Inilagay niya na ang susi sa bulsa ng pants, tumingin ito sa akin na ikinaiwas ko naman kanina ko pa kasi siya tinitignan.

THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon