Bumabyahe na sila Syntha kasama si Mayumi papuntang company nito. Hindi nga alam ni Syntha kung bakit siya nito sinama.
"Ma'am Yumi, parang may sumusunod po sa ating mga itim na sasakyan?" Tanong ni Syntha sa babae, sumilip kasi siya kanina sa salamin ng bintana at napansin niya sa side mirror na may dalawang itim na sasakyan pa ang sumusunod sa kanila.
"Ahh just don't mind them ate Syn, mga bodyguards ko lang yan" nakangiting sagot ni Mayumi dito. Napahinga naman ng maluwag si Syntha, akala niya kasi ay iyong mga lalaking humabol sa kanila.
"B-bakit andami ata ng mga bodyguards mo ma'am?" Kuryusidad na tanong ng dalaga at sinilip pang muli ang mga sasakyan na nakasunod sa kanila.
Ibinaba naman ni Mayumi ang hawak hawak na sketch pad niya at bumuntong hininga.
"Mga tauhan sila ni kuya Mattheo, kuya want to secured my safety baka kasi sundan na naman tayo ng mga lalaking humabol sa atin" ani ni Mayumi habang ang mata ay nakatingin sa unahan. Tumango na lamang si Syntha bilang tugon.
Mabait din naman pala talaga si Mattheo lalo na sa kapatid niyang babae,"ani niya sa isip.
Mga ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan. Sumilip si Syntha sa salamin ng bintana at tumambad sa kanya ang napakalaki at napakataas na building, hindi niya maiwasang mamangha sa lahat ng nakikita niya ngayon.
"Let's go na ate baka hinihintay na ako sa loob" aya sa kanya ni Mayumi. Lumabas na rin siya ng sasakyan katulad kay Mayumi.
Mas lalo siyang namangha ng makalabas ng sasakyan, parang sasakit ang leeg niya sa kakatingala.
"Wow! Totoo ba itong nakikita ko? Ang laki ng kompanya mo ma'am Mayumi" manghang saad ni Syntha, tinawanan lang siya ng katabing babae.
"Nakakatuwa ka talaga ate Syn, sana maging ate nalang talaga kita ang saya mong kasama" ngiting saad ni Mayumi sa kanya, nilingon niya iyon at nakitang may malawak na ngiti sa mga labi pagkatapos ay nauna ng naglakad. Naiwan naman siyang tulala dahil sa sinabi ng dalaga pero kalaunan ay ngumiti na rin siya at sumunod dito.
Mas lalong namangha si Syntha ng makapasok sa loob, maraming mga tao ang nasa loob at busy sa lahat ng ginagawa. Napangiti siya dahil sa buong buhay niya ngayon lang siya nakapasok sa ganoong building.
Ilang sandali pa ay sumakay sila sa elevator na dalawa.
"Ano po palang gagawin ko dito?" tanong ni Syntha, hindi niya kasi alam bakit siya nito isinama.
Nilingon siya ni Mayumi at ngumiti. Nagtaka pa siya ng tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Umikot ka nga po saglit ate Syn" utos sa kanya ni Mayumi, naguguluhan naman niyang sinunod ang utos nito.
"Perfect! Hindi ako nagsising ikaw ang napili ko bilang model" masayang saad nito sa kanya na ikinanganga niya. Siya gagawing model?
"Hah? HAHAHAHA ako po ma'am model? Naku naku hindi ako bagay maging model ang pangit ko kaya" natatawang sagot niya kay Mayumi na naka-cross ang kamay sa dibdib.
"No! You're beautiful ate at wala kang magagawa kung ikaw ang napili ko. Don't worry babayaran kita ng 50,000" napalaki ang mata ni Syntha sa narinig. May bayad at 50,000? Eh katumbas lang iyon ng isang buwan niya sa pagiging katulong ah.
"Ano gusto mo o hindi?" Tanong sa kanya ni Mayumi, sunod sunod naman siyang tumango dito bilang sagot. Sayang naman kasi kung hindi niya tatanggapin. Ngumiti naman sa kanya ang dalaga.
Bumukas ang pinto ng elevator at sabay silang lumabas doon. Sumusunod lang sa paglalakad si Syntha kay Mayumi na nauuna sa paglalakad. Ilang sandali ay pumasok si Mayumi sa isang puting pinto, sumunod din siya doon.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romansa[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...