Umalis na ang binatang lalaki, kami na lang ang naiwan ni Manang Fe dito. Napahikbi naman ako dahil alam ko na ang gagawin sa akin.
"Pumasok Kana Syntha, pasensya na pero hindi kita maaaring tulungan" malungkot na saad ng matanda sa akin at hinawakan ang braso ko at iniharap sa madilim na kwarto.
Mas lalo akong napahikbi ng makapasok sa loob, sobrang dilim ng kwarto. Napalingon ako kay Manang na nasa bandana ng pintuan at hawak hawakan ng pinto. Akmang isasara niya na ito ng mabilis akong pumunta sa gawi niya.
"M-manang a-ayaw ko po rito, takot p-po ako sa dilim manang Fe may trauma po ako sa dilim" hagulgul ko sa kanya. Lumuhod na rin ako sa harapan niya baka sakaling maawa siya sa akin.
"Pasensya na ijia pero ayaw kung matanggal sa trabaho, mag anak ring naghihintay sa akin" sagot nito sabay hawak sa aking mukha, pinunasan niya ang luha sa aking mukha.
"Huwag kang mag-alala b-baka bukas makakalabas ka na rin" parang hindi pa ito sigurado sa winika. Pagkatapos noon ay malakas niyang isinarado ang pinto na siyang dahilan para mawalan na ng sinag sa buong kwarto. Napasandal naman ako sa pinto at malakas na humikbi.
Malamig sa kwarto at wala man lang akong makitang kahit isang butas para sa liwanag. Nagsimula na ring manginig ang aking mga kamay, sumisikip na rin ang aking dibdib.
Kahit na umiiyak ay pinilit kong tumayo, mahigpit rin ang hawak ko sa litrato namin nila Inay. Kahit walang makitang liwanag at natatakot sa anumang mangyari sa akin ay mas pinatatag ko loob upang makahanap ng daan palabas.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ng kaluskos, hindi ko alam kung saan banda iyon dahil sa madilim nga. Nagsimula na namang rumagasa ang luha ko. Muli ay narinig ko ang kaluskos kaya napaupo ako sa sahig.
"K-kung ano ka man, m-maawa ka sa akin n-natatakot na a-ako" malakas na ani kong may kasamang hikbi.
"Ahhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko ng parang may gumagalaw na naman sa isang sulok ng kwarto.
"I-nay, I-itay ayaw ko na po dito, s-sumisikip na ang d-dibdib ko" hirap kong wika sa hangin bago ako mawalan ng malay.
Sa kabilang banda, nakaupo sa isang swivel chair ang binatang lalaki habang nilalaro laro ang ballpen sa kanyang kamay.
"Damn you kuya Mattheo!" galit na bungad ng magandang dalaga sa lalaki. Hindi napaghahalataang galit ito dahil sa taglay nitong ganda. Ngumisi lamang ang lalaki pagkatapos ay tumayo.
"What's bring you here my dear sister?hmm?" Inosenteng tanong sa kapatid. Naglakad ito at pumunta sa book shelf na hindi kalakihan.
"Ahh hah, nagtanong ka pa talaga kuya? Alam kong alam mo kung bakit ako nandito" matigas na ani ng dalaga at hinampas ang mesa ng kuya.
Tiim bagang tumingin ang lalaki sa kapatid dahil sa ginawa nitong paghampas. Madilim niya itong tiningnan at napakuyom ng kamao.
"Why do you need to do that? she's innocent and probably it's accident na mabuhusan ka niya ng tubig" saad ng dalaga.
"And why do you care?" Malamig na tanong ng lalaki at bumalik sa pagkakaupo.
"Because I don't want you to hurt that woman. Alam kong hindi niya sinasadya ang lahat, I know she's here for work at hindi para saktan at paglaruan mo lang kuya" Mahabang paliwanag ng kapatid sa kanya na mas lalo niyang ikinagalit.
"Get out of my office now Yumi, bago pa kita masaktan" malamig na saad nito sa kapatid at tumayo, kinuha ang cellphone na nasa gilid.
"But kuya, I'm begging you palabasin mo na siya sa punishment-"
"I said f*cking get out of my office Mayumi!"halos mapatalon naman sa gulat ang dalaga dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito sa kanya kasabay noon ang pagkatapon ng cellphone ng lalaki.
"F-fine kuya, I-m sorry dahil pinakialaman na naman kita" walang nagawa ang dalaga kundi ang lisanin ang silid.
Samantala ang binata ay napaupo ulit sa kanyang upuan. Niluwagan ang necktie nito pagkatapos ay lumabas na rin ng silid.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...