Ilang segundo rin siguro ang nagdaan ay huminto ang isang kotse sa aming harapan, bumukas ang salamin ng bintana na nasa harap at seryosong mukha ni sir Brent ang nakita naming dalawa.
"Get in!" Ani niya sa amin, tinulak naman ako ni ate Mikay. Pero dahil malikot ang aking isip binuksan ko ang pinto ng back seat at agad ng pumasok at ni-lock ang pinto. Naiwan naman si ate mikay sa labas na hindi alam ang gagawin.
"Sa passenger seat ka nalang maupo ate mikay" ngiting saad ko sa kanya ng buksan ko ang salamin ng binata, nakasimangot naman siya sa sinabi ko.
"Bakit dyan ka umupo?" naiinis na tanong sa akin ni sir Brent.
"Sa dito ko po gustong maupo eh syaka para makatabi mo na siya" ani ko at binigyan ng makahulugan ang huli kong sinabi na ikinagulat niya, napatawa naman ako. Bumuntong hininga na lamang siya sa sinabi ko. Binuksan na rin ni ate Mikay ang pintuan at nahihiyang umupo katabi ang lalaki.
Nilingon ako ni ate mikay na nakasimangot, ngitian ko lang siya at kinindatan.
Habang nasa byahe ay nagkukuwentuhan naman kaming tatlo pero kadalasan ako ang nagkukuwento mukhang wala kasing balak na magkuwento ang dalawang kasama ko.
"May boyfriend ka na ba Syntha?" Nagulat ako sa tanong ni sir Brent, maging si ate Mikay ay nagulat din at napatingin sa kanya pero umiwas din bigla ng tingin ng makita ata ng lalaki na nakatingin siya.
"Ahm w-wala pa po, bakit niyo natanong?" Sagot ko dito.
"I just want to know!" Simpleng sagot niya lamang sa tanong ko.
"How about you Mikaela? Do you have a b-boyfriend?" Pareho naming hindi inaasahan ni ate mikay na tatanungin din siya ng lalaki.
"Ahm a-ahh k-katulad po ni Syntha w-wala po" putol putol na sagot ni ate Mikay sa lalaki, kahit hindi man sabihin ni ate Mikay ay kinakabahan na siya.
"That's good to hear that" narinig kong bulong ni sir Brent, hindi ko alam kung narinig din ba ni ate Mikay.
Nasa tapat na kami ng mall, ito rin ang mall na pinuntahan namin ni ma'am Mayumi kung saan kami hinabol ng mga lalaki. Naiparada na ng maayos ni sir Brent ang sasakyan bumaba na rin kaming tatlo.
Nauunang naglakad si sir Brent habang kami ni ate Mikay ay magkasabay.
"Hindi ko alam pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako dahil lang sa tanong ni sir Brent" simula ni ate Mikay ng makapasok kami sa mall.
"Pero kinilig ka naman kasi tinanong ka" natatawang ani ko sa kanya kaya pasimple niyang hinampas ang balikat ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang sinusundan lang ang lalaki kung saan pupunta. Sumakay siya sa escalator kaya sumakay na rin kami.
Nasa taas ng kami ng tawagin ni ate Mikay si sir Brent.
"Sir Brent! Ano pong gagawin natin dito?" medyo malakas na sigaw niya sakto para marinig ng lalaki at lingunin kami.
"Playing Arcades game" simpleng sagot niya sa tanong ni ate Mikay at hinintay kami sa paglalakad.
"Ahh ganon po ba, mukhang masaya yun ngayon nalang ako ulit makakalaro sa Arcades" excited na ani ni ate Mikay at tumingin sa akin, nginitian ko naman siya dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy niyang laro.
Pumasok kami sa isang pintuan halos lumuwa ang mata ko sa nakikita, ang ganda ng loob maraming mga taong naglalaro. May mga teady bear, bola, baril-barilan at marami pang iba na hindi ko alam ang mga tawag, basta ang masasabi ko lang ay maganda.
"Let's go, saan niyo gustong magsimula sa paglala-"
"Sa basketball" excited na saad ni ate Mikay hindi niya na napatapos ang sasabihin ni sir Brent at hinila na lang ako.
Naiwan naman si sir Brent sa kanyang pwesto kanina.
"Ayy saglit may nakalimutan ako wala pala tayong dalang pera, dito ka lang hihingi lang ako ng pera kay sir Brent" saad ni ate Mikay at iniwan ako dito sa daanan at naglakad pabalik kay sir Brent.
Nakalapit na siya sa kinaroroonan ng lalaki, nakita kong inilahad niya ang kamay sa harapan nito at may sinasabi pero hindi ko alam kung ano. Napansin kong may kinuha si sir Brent sa pants niya pagkatapos ay ibinigay kay ate Mikay. Nagulat ako ng makitang ngumiti si sir Brent, wait ngumiti siya? iyon bang magandang ngiti hindi tulad ng ngiti niya sa akin.
Nakita kong pabalik na sa pwesto ko si ate Mikay na may ngiti rin sa labi.
"May pera na tayo! Ang bait talaga ng baby- este ng crush ko" masayang ani niya sa akin at pinakita ang mga pera, hindi ko alam kung ilan iyon pero puro isang libo.
"Tara na ate Mikay, maglaro na tayo" saad ko sa kanya.
"Tara doon muna tayo sa basketball, tuturuan kita" anang wika niya na tinanguan ko naman. Naglakad na kaming muli buti nalang malapit lang ang basketball na tinutukoy niya at may bakante pa para sa amin.
May lalaking kumausap kay ate Mikay, nakita kong iniabot niya ang isang libong pera. Sunod nun ay nagsimula na kaming maglarong dalawa.
Sobrang saya ko ngayong araw, andami naming sinubukang laruin ni ate Mikay, naglaro kami ng baril-barilan, ng archery, tapos sinubukan din naming kumuha ng mga teady na nakalagay sa machine pero wala kaming nakuha kahit ganon pa man ay masaya ako. Hindi na rin nga nahagilap ng mga mata namin si sir Brent, ewan kong saan na napunta ang lalaking iyon.
"Syn, dito ka lang muna punta lang akong cr naiihi na talaga ako kailangan ko na talagang mailabas" nahihirapang saad ni ate at naka-ekis na rin ang kanyang mga paa. Natawa naman ako sa sinabi niya at tinanguan lamang siya.
"Basta bumalik ka dito hah" ani ko sa kanya, baka mamaya kasi mawala ako at hindi ko siya mahanap.
"Oo babalik ako kailangan lang t-talagang m-malabas" sagot niya at dali daling tumakbo, natawa naman ako sa ginawa niya, kanina pa siguro iyon naiihi hindi pa nagsabi,'ani ko sa aking sarili.
Ilang minuto na rin ang nakalipas nandito pa rin ako sa puwesto ko habang tumitingin sa nga taong masayang naglalaro at namamasyal pero wala pa rin si Ate Mikay. Napakagat na ako ng labi, hindi rin mahagilap ng aking mata si sir Brent.
Naglakad lakad na lang muna ako baka sakaling makasalubong ko ang isa sa kanila. Palinga linga ako sa gilid pero hindi ko sila makita.
"Aray ko!" saad ko ng may mabunggo akong katawan, ng tingnan ko ito ay isang lalaki, gwapong lalaki na titig sa akin nakasandig ako sa kanyang dibdib habang hawak niya ang braso ko para sa suportahan ang aking katawan para hindi matumba.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Dragoste[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...