Nasa ganoong posisyon silang lahat ng makarinig ng putok ng baril sa kung saan. Naging alisto ang lahat at hindi na kina Mayumi at Syntha nakatutok ang mga baril ng tauhan ni Lance. Nagpalinga-linga pa silang lahat at hinanap kong nasaan nanggaling.
"Kayo! Tingnan niyo doon!" Maoturidad na utos ni Lance sa dalawa niyang tauhan, tumango naman iyon at pumunta sa gawing kanan nila kung saan may pintuan.
"Kayong dalawa bantayan niyo ang dalawang babae na iyan, huwag niyong aalisin ang baril sa kanila" utos muli ni Lance sa lalaking may bunit ang mukha at sinenyasan ang tatlo pang tauhan na sumunod sa kanya. Sa kaliwang pintuan naman sila pumunta.
Ganon pa rin si Syntha, nakatayo habang hawak ang baril at nakatutok na sa isang lalaking may hawak din ng baril at nakatutok sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Syntha dahil sa takot.
Samantala si Mayumi na naman na nakasalampak sa semento ay dahan-dahang tumayo. Nanginginig pa ang mga binti niya dahil sa sakit ng buong katawan na katulad kay Syntha ay nilatigo rin ang likod. May mga dugo na rin ang buo niyang katawan.
Nang makatayo ay nagtama ang mga mata nila ni Syntha. Sinenyasan niya si Syntha pero hindi naman maintindihan ng babae.
Huminga siya ng malalim at pumikit bago ibaling ang tingin sa isang lalaking malapit sa kanya na alisto sa ginagawa niya.
"Huwag kang gumawa ng bagay na ikakapahamak mo, kung ayaw mong iputok ko to sa ulo mo" anang wika ng lalaki at halatang kinakabahan iyon, binigyan niya iyon ng masamang tingin at ngumiti.
"W-wala naman akong ginagawa ah, masyado kang takot!" sagot ni Mayumi dito. Lumapit siya dito dahilan para umatras iyon habang hindi inaalis ang baril sa kanya.
Si Syntha nama'y sa isang lalaki may bunit nakatutok ang baril. Hindi niya alam pero naiilang siya sa paraan ng titig na iyon. Malakas ang tibok ng kanyang puso at hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya ligtas siya.
"H-hayaan mo nalang kaming dalawa ni M-mayumi, w-wala naman kaming g-ginawang masama sa inyo!" gusto niyang kumbinsihin ang lalaking naka-itim na may bunit sa mukha.
"B-bakit kayo p-pumapatay ng mga inosenteng tao, w-wala ba kayong pamilya? P-paano niyo nagagawang matulog sa gabi h-habang may mga p-pamilyang nagluluksa dahil sa mga pinatay niyo!" Naiiyak niyang saad sa lalaki. Nalaman niya kasi na hindi lang sila ang bihag ni Lance at may iba pa, pero ang ibang iyon ay wala ng buhay.
Tahimik lang ang lalaki at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nagulat siya ng ibaba nito ang baril na nakatutok sa kanya.
"H-huwag kang lalapit sa akin, dyan ka lang" napaatras siya ng naglakad iyon palapit sa kanya.
"Syntha baby" napalaki siya ng mata ng marinig iyon sa lalaki, mahina lang pagkakasabi pero alam niyang galing iyon sa lalaki. Nakalapit na ng tuluyan sa kanya ang lalaki.
"T-theo!" Mahina niyang usal. Tuloy tuloy ang luha niya. Parang natanggalan siya ng tinik sa lalamunan.
"Shh calm down okay, can you trust me this time?" Tanong sa kanya ng lalaki. Nagdadalawang isip pa siya pero siguro nga ngayon niya kailangang magtiwala sa lalaki lalo pa't nasa gitna ng kamatayan ang kanilang buhay. Tumango siya dito bilang sagot.
"Okay good choice baby, now can you give me that gun" mahinang utos sa kanya ng lalaki. Naiiyak naman siyang tumango dito at sinunod ang utos ng lalaki.
Iniabot niya iyon doon at kinuha naman ng lalaki.
Kinuha ng lalaki ang braso niya dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. Ngayon siguradong si Mattheo na nga iyon dahil nasinghot niya na ang pabango nito. Buti nalang ay hindi sila napapansin nila Mayumi dahil busy din ito sa pag-uusap sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...