"Are you okay miss?" Titig na titig na tanong ng lalaki kay Syntha, hindi naman nakakibo si Syntha.
"Hey miss are you okay?" Ulit na tanong pa ng lalaki para mabalik sa tamang wisyo ang utak ni syntha at lumayo dito nabitawan naman ng lalaki ang braso niya.
"Ahh a-ayos lang po ako, p-pasenya na po nabunggo ko kayo" hinging paumanhin ni Syntha sa lalaki.
"No it's okay, are you looking for something? Mukhang palinga linga ka kasi eh" saad ng lalaki na nakatitig pa rin ang gwapong mukha sa kanya dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
"Ahh h-hinahanap ko lang po ang kasama ko" mahinang sagot ni Syntha sakto lang para marinig ng lalaki.
"Oh I see, by the way I'm Wilbert" nakangiting ani ng lalaki at inilahad sa harapan ni Syntha ang kamay, tinitigan niya ng ilang segundo ang kamay ng lalaki
"A-ako si Syntha" kukunin niya na sana ang kamay ng lalaki ng may marinig na nagsalita sa likod niya
"Syntha!" ani ng nasa likod niya hindi niya na kailangang lingunin ang nagsalita dahil kilala niya na ito.
Ilang sandali lang ay nasa tabi niya na ang lalaking tumawag sa kanya, kinuha nito ang kamay niya at pinagsaklop na iaabot sana sa kamay ni Wilbert. Napatingin naman siya sa kamay nilang dalawa ni Mattheo na magkasaklop na ngayon pagkatapos ay inaangat ang ulo para makita ang gwapong mukha ng amo.
"Hey Theo do you know her?" tanong ni Wilbert dito naramdaman ni Syntha na humigpit ang hawak sa kanyang kamay niya pero hindi iyon masakit, nagulat pa siya ng hinila ang kabilang braso niya dahilan para mapalapit naman siya kay Wilbert.
Nginisian lang siya ng lalaki at kinuhang muli si Syntha kay Wilbert kaya napa subsub na siya sa dibdib ni Mattheo, naguguluhan naman ang babae sa pinanggagawa sa kanya ng dalawang lalaking ito
"Of course, tatawagin ko ba siya kung hindi ko kilala" malamig na ani ni Mattheo sa kaharap na lalaki bago tingnan sa mukha ang babaeng nakatitig rin pala sa kanya.
"Paano mo nasabing kilala mo siya, nangunguha ka ng hindi sa'yo" naiinis na ani ni Wilbert dito dahilan para mas lalong mapangisi si Mattheo, tahimik naman si Syntha na nakikinig lang sa dalawa hindi niya alam pero may kakaibang namamagitang alitan sa dalawa base sa titigan nila, para na nilang patayin ang isa't isa gamit ang mga mata.
"Gusto mong malaman, she's my girlfriend" simpleng saad ni Mattheo dahilan para magulat at mapalaki ang mata ni Syntha, nakita iyon ni Wilbert na ikinatawa niya ng nakakaloko.
"Really, why did your girlfriend react like that?" Nakangising ani ng lalaki, napatingin naman si Syntha dito tumawa naman ng pagak si Mattheo, nandoon pa rin sa dalawang lalaki ang tensyon ng bawat isa.
"Ayaw mong maniwala, fine" anang wika ni Mattheo at sinunggaban ng halik si Syntha na ikinasinghap ng dalaga. Gulat naman ang makikita sa mukha ni Wilbert.
Ilang segundo pa ay tumigil na si Mattheo sa paghalik kay Syntha habang ang babae ay napayuko at itinago ang mukha sa katawan ng lalaki dahil sa hiya at itago ang namumulang pisngi, sino ba naman ang hindi mahihiya kung hinalikan ka sa harap ng isang lalaki.
"So back off to my Woman, Man!" Malamig na saad ni Mattheo kay Wilbert, napangiti naman si Wilbert sa sinabi ng lalaki.
"Tskk hindi ako mang-aagaw Mattheo, pero why not I can try to get her with you" nang-aasar na ani ni Wilbert dito dahilan para dumilim ang paningin ni Mattheo sa galit.
"Don't you dare f*cker!" Madiing saad ni Matteo dito, napahalakhak lang si Wilbert.
"Let's see!" Kibit balikat nitong ani at tinalikuran na ang dalawa. Hindi pa man ito nakakalayo sa pwesto nila Mattheo at Syntha ay humarap ito sa kanila, napataas naman ng kilay si Mattheo.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...