Nag-aasikaso na kami ng mga pagkain na pananggabihan. Maraming niluto dahil kasama ring kakain ang mga kaibigan ni sir Mattheo at ang girlfriend niya.
"Ate Raya!" Napalingon sa akin si ate Raya na dala-dala ang calderetang ulam.
"Mamaya na Syntha ihatid ko lang ito" aniya at lumabas na ng kusina para idala ang ulam sa mahabang mesa. Hiwalay kasi ang kusina sa kinakainan ng mga amo namin.
Napakamot na lamang ako ng ulo, nandito lang ako sa kusina wala na rin naman masyadong gagawin.
"Excuse me!" Napalingon ako sa nagsalita, si Jessica iyon kasama si Regine.
"Po? Ma'am?" Takang tanong ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay at lumapit pa sa gawi ko.
"You know what someone said na may lumalandi raw sa boyfriend ko and alam mo ba kung anong ginagawa ko sa mga babaeng lumalandi sa honey ko, kinakalbo ko ang buhok" suplada niyang saad at inismidan pa ako. Bigla akong kinabahan, baka nagsumbong na si Regine.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Ayaw kong ipahalata na kinakabahan ako at wala akong alam hangga't maaari.
"Tskk stupid, pwede itigil mo iyang pagmamaang-maangan mo hindi bagay sayo, malandi!" Napatagilid ang aking mukha sa malakas na sampal niya. Nalasahan ko ang kalawang doon at tiyak kong dumugo na ang labi ko.
"Malandi ka! Mang-aagaw, palibhasa wala ako dito sa mansyon ay nagawa mo ng ahasin ang boyfriend ko!" Sigaw niya sa akin, napayuko na lamang ako. Wala akong laban, siguro nga mang-aagaw ako.
"Don't you dare again to seduce my boyfriend b*tch mark my word" madiing saad niya at dinuro ang nuo ko, pagkatapos ay umalis na rin sa harapan ko.
"Yan kasi masyado kang malandi Syntha, sana naman kasi ginalingan mo ang pagtago habang naghahalikan kayo ni sir Mattheo" nang-aasar na ani ni Regine sa akin, nakaalis na rin si Jessica.
"A-ano bang problema mo Regine!? Bakit mo ito ginagawa sa akin?" gusto ko ng umiyak pero hanggat maaari ay pinipigilan ko dahil nasa harapan ko siya. Lumapit siya sa akin ng husto pagkatapos ay dinuro ang nuo ko.
"Problema ko? Ikaw ang problema ko Syntha, nakakainis ka nakakairita iyang pagmumukha mo. Kahit na saktan ka ng pisikal at emosyonal nagagawa mo pa ring ngumiti. Dapat lang yan sayo, madadagdagan pa iyan nararanasan mo ngayon malandi ka kasi, ahh b*bo ka rin pala" matigas na saad niya sa akin at umalis sa harapan ko.
Kusa ng bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napaupo na rin ako sa semento, sobrang sakit ang sakit sakit ng dibdib ko.
Umalis sa kusina si Syntha na umiiyak . Gusto niyang mapag-isa yung siya lang at walang kasama. Pumunta siya sa garden, buti nalang ay may mga ilaw.
"Nay, Tay, p-pagod na po ako gusto ko ng umuwi pero hindi pa pwede k-kailangan ko pa ng pera" iyak niyang ani sa kawalan at tumingin sa kalangitan, ramdam niya ang mga luhang lumalandas sa kanyang mukha.
"A-anong ginawa kong k-kasalanan para parusahan ng ganito para maipit sa isang sitwasyon?"
"Wala akong ginawang mali, masama ba ang magmahal? Bwesit pagod na pagod na akong tanungin ang sarili ko gabi gabi! Gusto ko lang naman magtrabaho dito para kila Itay at Inay!" Napasigaw na siya sa sakit at bigat ng dibdib.
"Pagod na ako! S-sinong nandyan sa akin para damayan ako? Sino? Wala diba! Kasi mahirap lang ako, mahina ako at bobo ako!" Hagulgol niyang muli dahil sa hinanakit na nararamdaman. Sinuntok niya na rin ang dibdib dahil nagsimula na itong sumikip. Nayakap niya na lamang ang sarili habang umiiyak at dinama ang simoy ng hangin.
Ilang sandali pa ay naisipan niyang bumalik na sa loob at para magamot ang labing may sugat. Bumalik siya sa kusina at naabutan niya ang ibang mga katulong na parang kinakabahan.
BINABASA MO ANG
THE YOUNG MAID AND MR. RUTHLESS
Romance[COMPLETED] This story is about the life and lovelife of the young maid named Syntha. She lived in the province but needed to come to Manila to work for her beloved father who has a hepatitis that needs to be treated but they do not have enough mone...