Prologue

1.3K 24 4
                                    

Imee's Pov:

4 yrs ago ...

"Rod ! Ayoko na ! Baka hindi mo talaga ako mahal, baka pinilit na lang natin. Baka sya talaga ang gusto mo at hindi ako. Bumalik na sya diba ? Ayan na oh ? Nasa likudan mo lang. Malaya kang piliin sya"

I am his number one supporter and our friendship is already over decades.

Simula ng makipaghiwalay ito kay Leni ay mas naging close pa kami at napunta iyon sa di inaasahan na pagma mahalan.

We never had a solid bf/gf relationship. Basta it was a quick marriage but beautiful memories to keep.

Today is our 8 year wedding anniversary, at di ko inaasahan ang gift nya para sa akin.

I'm about to suprise him and I fly from Ilocos to Davao just to celebrate our 8 years of beautiful marriage but just for me I guess.

I'm holding a small heart cake and a heart balloon while tiptoing inside of the house.

Habang dahan dahan pumasok sa bahay ay nagtaka naman ako dahil sarado ang office nito at wala din ito sa kwarto.

Bumaba ako at narinig ko na parang may nag uusap sa may kabilang entertainment room.

Nang pumunta ako doon ay nakita ko itong nakikipag usap sa hindi ko mamukaan na babae.

"Understand, ayoko syang saktan at ayoko din syang hiwalayan. Imee love me so much" rinig ko na sabi nito.

"But you love me Rodrigo, hindi ba ? You just said that kanina. Ayokong maging kabit" rinig ko naman na sagot ng babae na nabosesan ko na.

S-si Leni. His first and only ex gf. Yung taong hinabol habol nya ng ilang taon bago pa ito mapunta sa akin.

"Hindi kita gagawin na kabit at mahal kita Leni but all I'm saying is I can't hurt Imee now" rinig ko ulit na sabi ni Rod.

Dahil hindi ko na mapigilan ang pumapatak na luha ko sa mga naririnig ko ay bigla ko na lang nabitawan ang lobo at cake na dala ko at dahilan ito para mapalingon sila sa akin.

"I-imee ..." Mahinang tawag ni Rod sa akin sabay tayo.

Kahit parang nanghi hina ay dali dali akong lumabas ng bahay.

Palabas na ko ng gate ng mahabol na nya ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinaharap ako nito sa kanya sabay hawak sa magkabila kong pisngi.

Nakayuko lang naman ako kahit na pilit nya akong pinapatingin sa kanya.

"Imee mali yung nasa isip mo o narinig mo" paliwanag naman nito.

"It's okay Rod" tanging nasagot ko na lang dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon.

"Imee listen, me and her just talking. At walang balikan na nangyari" paliwanag naman nito.

Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko na nasa likudan na si Leni.

"You think maniniwala ako ? Narinig ko na sinabi mong mahal mo sya and that's enough reason para palayain ka" pilit na mahinahon ko naman na sabi at nakita ko ang konting ngiti na gumuhit sa labi ni Leni.

"I-imee" mahina naman nitong sagot lang.

"Rod ! Ayoko na ! Baka hindi mo talaga ako mahal, baka pinilit na lang natin. Baka sya talaga ang gusto mo at hindi ako. Bumalik na sya diba ? Ayan na oh ? Nasa likudan mo lang. Malaya kang piliin sya" umiiyak ko nang sabi at diretcho lang na tumingin sa kanya.

Hindi naman ito nagsalita at doon ay alam ko na ang magiging sagot.

Bumitaw ako sa pagkakahawak nya at tinitigan sya mata sa mata.

"Happy 8th anniversary" galit kong sabi at sumakay na sa kotse.

Bago ko ito paandarin ay tumingin pa ako sa kanila.

At kitang kita ko kung paano hinawakan ni Leni ang kamay ni Rodrigo.

Si Rodrigo naman ay nakatingin lang mula sa sasakyan ko pero hindi na nag abala na habulin ako o tanggalin man lang ang pagkakahawak ng kamay ni Leni sa kanya.

Hindi ko naman na ito tinignan ulit at diretcho ng pinatakbo ang sasakyan.

...

Tumuloy na ako sa airport para umuwi agad sa manila at diretcho na umuwi na din sa Ilocos.

Malalim naman na din ang gabi ng makauwi ako sa bahay ng mommy ko.

Wala naman akong ibang masabi ng makita ko si Mama at napaluhod na lang na umiyak dito.

After kong i explain sa kanya ang nangyari ay nag utos na ito agad for annulment at hindi na ako pinapabalik sa bahay namin.

"P-paano ang anak namin Ma ?" Tanging nasabi ko lang naman kay mama.

Hindi alam ni Rod na buntis ako. This is my wedding anniversary gift sana pero hindi ko na nasabi.

Iniisip ko pa lang na lalaki ang anak ko ng walang kilala na ama ay naiiyak na ko.

"Imee, hide it from Rodrigo. Pumunta ka muna ng Europe at doon manganak, ayoko na magulo ang buhay nyo ng anak mo dahil lang sa Ama nyan na hindi marunong makuntento" seryoso na sabi ni mama sa akin.

Kinabukasan ay hinanda na ni mama lahat ng kailangan ko kahit ang legal na pakikipag hiwalay ay inayos na nito at pinapirma na ako. Dumaan ang 3 araw ng pinalipad na kami ng magiging anak namin ni Rodrigo papunta sa Europe. Doon ay tanging ang kapatid kong si Irene lamang ang makakasama ko.

Pagka dating ko ng Europe ay inaabangan ko lang naman si Irene para salubungin ako.

Habang nakatingin sa paligid ay hinawakan ko lang naman ang tiyan ko.







"New life for us ... I will take care of you and love you unconditionally anak kahit wala ang daddy mo. Magiging okay tayo"

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon