Imee's Pov:
Pagkatulog nang mga bata ay nakaupo lang naman ako sa may living room at pinapanuod ang video ng kasal namin habang tumutulo ang mga luha ko ng tahimik.
It was really a beautiful wedding. Hindi kami nag away ng malala, hindi ko naramdaman ni isang beses na naging rebound lang ako sa unang babaeng minahal nya. He took care of me like I'm only his queen.
Kahit humihiling sya sa akin ng anak noon ay hindi ako nito hiniwalayan at naging patience parin sya hanggang sa maging handa ako.
For 8 years of being married with him kahit na hindi public ang pagsa sama namin ay naging maayos parin ito.
Until Leni came back ...
She came back and everything about me and Rodrigo, it was all gone and ruined. I don't know if she planned to break us, pero it is not really just her fault kung nasira kami ni Rod ... kasi hindi naman masisira kung hindi hinayaan na masira. And Rod let her broke us.
Sa kakaiyak habang nanunuod ng mga lumang videos namin ay hindi ko namalayan na paupo na pala si Irene sa tabi ko. Inabutan nya ko ng tissue at nakatingin lang sa akin na parang pati sya ay nasasaktan na din.
"Kaya pa ba ? Kung hindi na mag withdraw ka na lang tapos uwi tayo ulit sa Europe ate" seryoso na sabi nito sa akin.
"He told me that he still love me, sabi nya kahit daw nung malayo ako at bumalik na ngayon ay mahal pa rin daw nya ako" mahina ko naman na sabi.
"Maybe ate, I can see through him how he looks at you. Ganyan na ganyan oh, yung katulad sa videos nyo" sagot naman nito.
Tumingin lang ako sa kanya.
"Alam mo ate, dahil maayos ka naman nanganak na, sasabihin ko na sayo. He tried, he really tried to fix your relationship. Sinubukan ka nyang kunin ulit but mommy didn't let him" dagdag nito ulit.
Tumingin lang naman ako ulit sa videos namin.
"Ate you didn't let him explain. Pero sabi mo nga you heard him said na mahal nya si Leni at hindi ka pa nya kayang iwan" mahina naman na nito na sabi.
"Masakit yun Irene, kasi diba kung mahal ka dapat wala ka nang mahal na iba, wala ka nang kahati, wala ka nang babalikan at wala na sa isip mo na hindi ka pa nya kayang iwan" sagot ko dito.
Niyakap naman ako nito at inihilig ang ulo ko sa shoulder nya.
"Ading, that day daw ay ni regret daw nya yun" maikli ko naman na sabi.
"Alam mo ate why ?" Tanong naman nito at umiling lang ako.
"Because that day, sumuko at nawala ka sa kanya. Nung nawala ka sa buhay nya ay hindi ka nya nakita kay Leni. At dun nya pa lang siguro na realize na mas mahal ka pala talaga nya at hindi na si Leni" sagot naman nito.
Umayos naman ako ng upo at tumingin dito.
"Parang naka side ka sa kanya" nakasimangot ko naman na tanong.
Tumawa naman ito ng mahina.
"Hindi ate, I'm just enlightening you. Gusto ko lang na malaman mo na hindi ganun kasama ang ginawa ni Kuya pero hindi din tama. Sinasabi ko lang na he really loves you. My friend told me na kaibigan ang ate nya si Leni at nagkakalabuan si Kuya at Leni for few years na daw pero ayaw ni Leni makipag hiwalay" paliwanag nya.
"So I know na mahal ka ni Kuya at totoo na ilang beses nya sinubukan kay mommy na puntahan ka at ilang beses nya tinanggihan pirmahan ang annulment nyo" seryosong dagdag na sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESS
FanfictionRodrigo having a complicated marriage with his 2nd wife Leni. while .... Imee is his ex wife and contented living a private life. Their love for each other rekindled after they meet again in an event after 4 years of no contacts. Will their love for...