Chapter 5

568 18 5
                                    

Rod's Pov:

Gumising ako ng maaga para ako na ang magluto para sa amin.

Kahit puro bugbog ako kahapon kay Imee parang ang saya saya masaktan galing sa kanya. Ang tagal ko kasi syang inintay umuwi.

Pagkatapos kong magluto ay binuksan ko naman ang kwarto nila at nakita itong nagpo phone na at nakayakap sa kanya si Meera.

Kamukha talaga nya si Meera parang mini me nya at ganun din si Meero parang mini me ko naman kahit hindi ako ang tatay.

Tumingin lang ito sa akin sandali at nagsimula na naman mag type sa phone nya.

"Tulog pa rin, napagod ata kahapon" mahina ko naman sabi dito.

Hindi naman ako nito pinansin kaya nagpapansin ako lalo.

Hindi kita susukuan Imee.

Humiga ako sa kabila kalapit ni Meero. Tinignan naman ako nito ng masama.

"Good morning love" bati ko naman dito ng mahina.

"Ang aga aga Rod ah" seryoso nito na sagot.

Iniyakap ko naman si Meero sa akin.

"Pag nagising yan. Magta tantrums yan" suway sa akin nito.

"Hindi yan love, iniyakap ko pa nga para lalo matulog" mahina ko ulit na sagot.

Hindi na ulit ako nito pinansin.

"Let's enjoy this week love after this campaign na tapos mabu busy na tayo" seryoso ko naman na sabi dito.

Tumingin ito sa akin ulit.

"Mas lalo kang mabu busy kapag president ka na, kaya wag mo sanayin ang mga anak ko" sagot nito sa akin.

"Wala naman akong balak itigil ito, atsaka kapag nanalo ako. Ikaw naman ang first lady ko eh" seryoso ulit na sabi ko sa kanya.

"Rod ano ba ? Itigil na natin tong kalokohan mo" inis naman nito na sagot sa akin.

Inabot ko naman ang kamay nito na nakayakap kay Meera.

"Ayoko nga, hindi kalokohan ito" sagot ko ulit.

Inalis nya ang kamay nya sa pagkaka hawak ko at hindi na ako sinagot.

Maya maya ay nagising na si Meera.

"Goodmorning mommy" sweet na bati nito sa mommy nya.

"Goodmorning mee ko" bati naman nito kay Meera.

Tumingin naman ito banda sa amin ni  Meero.

"You're here daddy goodmorning" sweet naman na bati sa akin.

Nakita ko ang gulat ni Imee ng marinig nya na tawagin ako ng anak nya ng daddy.

"Goodmorning baby, tulog pa itong kaaway mo" biro ko naman dito.

Tumawa naman ito at dumagan sa kapatid nya.

"Meero wake up, hug ka ni daddy oh" sabi naman nito habang ginigising ang kapatid nya.

Hindi naman alam ni Imee kung anong emosyon ang meron sya ngayon.

Para syang naiiyak, naiinis, nagagalit, o natutuwa sa itsura nya.

Gumising naman si Meero at tumingin sa akin.

"Good morning" nakangiti ko na bati sa kanya.

"Goodmorning daddy, goodmorning mommy, goodmorning Meera" sabi naman nito sa amin.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon