Chapter 4

413 19 6
                                    

Rod's Pov:

Sinundan ko si Imee na pumasok sa loob pero ang sakit parin ng pagkaka suntok nya sa sikmura ko talaga.

Nakita kong naka tayo lang ito sa bungad at ang mga anak nya ay naglilibot at hindi napapansin ang picture namin ni Imee sa may wall.

Tumingin naman sa akin ito ng nanlilisik ang mata.

"Tanggalin mo yun !" Mahina nito na sabi pero galit at tinuro ang picture namin.

Gusto ko sana ito asarin pero baka di na ko makakain kapag isang beses pa nya ko suntukin.

Dali dali naman akong pumunta sa may wall at tinanggal ang picture na hindi naman ganun kalakihan.

Bago ko pa lang ito ipapasok sa stock room ay bigla nang lumapit ang kambal sa akin.

"What is that Tito ?" Taka na tanong ni Meera.

Nakita ko ang kaba na mukha ni Imee.

Nilagay ko ito sa likod ko agad at ngumiti sa dalwa.

"Ah ano lang panget na picture sabi ng mommy, ayaw nya makita" sagot ko sa mga ito.

"Let us see !!!" Pilit naman ng dalwa.

Kinukuha nila ito at pilit na tinitignan at pilit ko naman itong nilalayo sa kanila.

It was our wedding pic kaya hindi talaga sila pwede pagbigyan na makita ito.

"Meero ! Meera ! Stop it !" Seryoso na sigaw ni Imee kaya tumigil ang dalwa at tumingin sa mommy nila.

"But mommy we just want to see" sagot naman ni Meero.

"Panget yun, yung lalaki dun sa picture mukhang beast ... You want him to show up in your dreams ?" Panakot naman ni Imee at ako naman ang sumama ang tingin sa kanya pero tinaasan nya ako ng kilay.

Kunwari ko naman itong inirapan at tumakas sa dalwang kambal para itago ito sa may stock room.

Pagkatabi ko nito ay lumabas na ko at nakita na nakaupo na ang kambal sa kalapit ng mommy nya. Mukhang napagalitan na naman.

"Sinong excited mag swimming ?" Tanong ko naman sa kanila.

Tumingin naman sila sa akin at nagsi taasan ang kamay.

Lumapit naman ako at naupo sa tapat nila. Pumunta sa akin si Meero at naupo sa tabi ko.

Masaya ako na may anak si Imee, kung titignan mo nga ay parang anak ko din sila dahil ang lalaki ay parang ako. Nakakalungkot din na hindi ako ang ama ng mga ito.

I know for a fact na hindi ako, dahil gumagamit ito ng pills noon at hindi pa kasi pwede kami magka anak sapagkat congresswoman din ito noon dito sa Ilocos at walang naka kaalam na kasal ito sa akin.

"Tito I'm hungry" sabi ni Meero at nakatingin sa akin.

Napaisip naman ako dahil walang pagkain dito at sa bayan pa mismo ang bilihan.

"Sabi mo kalapit bayan lang, we spent 2 and a half hours going here. At wag mong sasabihin sa akin na wala kang pagkain dito" mataray na singit na sabi ni Imee.

Kaba naman akong napangiti dito ...

"Rodrigo !!!!" Malakas na sigaw nya sa akin.

"Ah ano let's go sa bayan. Let's buy food" akit ko na lang sa kanila.

Hindi pa nakakasagot si Imee ay binuhat ko na si Meero at inakay ko na si Meera palabas.

Paglabas namin ay kasunod naman namin ito at kinuha na si Meera sa akin.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon