Chapter 7

339 21 4
                                    

Imee's Pov:

Nagising ako ng maaga ngayon, lintik na yan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko sa swimming pool kahapon.

Buti at hindi sa akin nakayakap si Meera kaya nakabangon ako at maagang nakapag ayos.

Paglabas ko ay nagluluto na si Rod at madaming sandwich at ibang snacks sa lamesa.

"Goodmorning love, aga natin ah" bati naman nito sa akin.

Hindi ko naman ito pinansin at isa isang tinignan ang mga nasa lamesa.

"We are going to the beach, sinigurado kong madami tayo pagkain" sabi naman nito at inilagay ang pinirito nya sa lamesa sabay halik sa pisngi ko.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Parang kiss lang, ang damot mo naman, pinag bigyan kita ng kaka more mo kahapon ah" reklamo nito.

Sisipain ko sana ito ng lumayo na ito agad.

"Ngayon ko lang nararamdaman ang sakit ng katawan ko !" Reklamo ko naman dito.

"Love massage kita mamaya, all over" alok naman sa akin nito.

"Wag na at baka mabugbog lang kita, all over din" pagta taray ko.

Tumawa naman ito ng akala mo joke ang sinabi ko.

Maya maya habang tinutulungan ito mag ayos ng pagkain ay lumabas na si Meera.

"Mommy" wala sa mood nito na tawag.

Kinalong ko naman ito at tinignan.

"What's the matter anak ?" Tanong ko naman dito pero hindi ako pinansin at niyakap lang ako.

"Bad mood ?" Tanong sakin ni Rod.

Tumango lang naman ako sa kanya.

Lumapit naman si Rod at hinalikan ito sa may noo.

"Why not in the mood ? Magbe beach pa naman tayo" sabi naman nito dito.

Tumingin lang sa kanya si Meera at nagpakalong.

Kinalong ito ni Rod at hinimas himas ang likod.

"Baka may bad dreams, nagising kasi ng madaling araw eh tapos saka lang natulog ulit" sabi ko naman dito.

Tumango lang naman ito sa akin. Mamaya ay si Meero naman ang lumabas at kabaliktaran ni Meera.

"Daddy Rod we are going to the beach today ?" Excited nito na tanong.

"Yes baby, we just finish preparing na nga eh" sagot naman ni Rod habang kalong parin si Meera.

Habang nakain ay nakakalong parin si Meera kay Rod at pinapakain ito.

"Meera you are so oa" sabi naman nito kay Meera.

"Anak stop it, she didn't sleep well kasi anak" explain ko naman kay Meero.

"Why she didn't sleep well mommy ?" Tanong naman nito.

"Napagod, I told you kasi do not play too much eh, eto kasing daddy Rod nyo" reklamo ko naman.

"B-bakit ako ?" Taka naman nito na tanong.

Inirapan ko lang naman ito.

"Daddy Rod I don't like na" sabi naman ni Meera at hindi parin bumaba sa daddy Rod nya.

Maya maya ay inakit naman ni Meero ito maglaro sa malaki ni Meera na doll house at salamat naman at nasa mood na ito na maglaro.

Pagka alis nila ay kami naman ang kumain dalwa ni Rod.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon