Chapter 13

414 19 5
                                    

Rod's Pov:

Pag alis ni Imee ay pabalik na sana ako sa table ng biglang pumasok si Leni.

"Co-parenting pero parang nawala ang lipstick konti ng kabit mo" seryoso nito na sabi.

Hindi naman ako nag salita dahil hahaba pa ang usapan.

Yes she knows, pero hindi nya alam ang relasyon namin ni Imee. Ang alam lang din nya ay dinadala lang ni Imee ang mga bata sa akin.

Noong una ay kinumbinsi pa ako nito na mag dna muna bago akuin ang mga bata pero ng pinakita ko ang pictures ng kambal ay hindi na ito nagtaka dahil kamukha ko din naman talaga at sakto sa edad mula ng maghiwalay kami ni Imee kaya hindi na nya pinilit.

Umupo ito sa may tapat ko at patuloy lang ako sa pagba basa ng papel.

"Kasal ka pa sa akin Rod, ano ba ? Ganyan mo ba ko ipapahiya na pati ang ex wife mo dadalhin mo pa dito ng wala naman kahit anong related sa trabaho nyo ?" Seryoso ulit nitong sabi.

"Wala naman nakakaalam na dati ko syang asawa, at ikaw lang ang nag iisip ng kung ano ano. Kita mo naman diba ? Dala nya ang mga anak ko" sagot ko naman sa kanya.

"Kaya pala nakasakay na ang mga bata at mukhang huli sya ng bumalik sa sasakyan nila. Ano lambingan muna ?" Mataray nito na sabi.

"Leni pwede ba ? We are just pretending in public, hiwalay na tayo. Wala ka nang pakialam kung ano man relasyon ang meron kami o kahit pa ng ibang tao" sagot ko ulit.

"Hindi pa tayo hiwalay Rod, kasal ka pa sa akin. Ako ang tumatayo na first lady mo at sa mata ng mga tao ako ang asawa mo" sagot din naman nya.

"Kung hindi lang gulo at ayaw lang kitang bumagsak, kayang kaya kong ipahiya si Imee" dagdag pa nito.

Tumingin na ako dito ng masama at tumayo.

"Try to touch Imee and my kids, ako mismo ang makakalaban mo" galit ko naman na sabi dito.

Nag iba naman ito ng reaction at tumayo ito at yumakap sa akin.

"Sorry Rod, nagse selos lang ako. Wag mo akong hiwalayan. Hindi ko kaya. Payag naman ako na malapit ka para sa mga bata diba ?" makaawa naman nito.

Tinanggal ko ang yakap nya sa akin at umupo ulit.

Nakatayo lang naman ito at umiiyak.

"Go home Leni, wala ka naman gagawin dito" sabi ko ulit sa kanya.

Naaawa ako sa kanya, kahit papaano ay minahal ko din naman ito at sya ang nagsilbing kakampi ko sa lahat ng panahon na iniwan ako ni Imee noon.

Alam kong mahal na mahal ako ni Leni, pero hindi ko naman pwedeng piliin sya ng dahil lang doon. Lalo itong masasaktan.

Nakiusap ito na wag muna kami maghiwalay legally and in public dahil hindi alam ng pamilya nya na we have complicated relationship at nagpa panggap na lang kami na okay. Isa pa ay she's under depression and anxiety dahil sa recently na pictures na pinadala sa akin privately na nakikipag relasyon ito sa iba. Kaya hindi ito ang tamang panahon para hiwalayan ito because I still care for her kahit paano. Maganda din itong paraan para hindi mahalata ng mga tao ang mga anak ko at si Imee dahil kung malaman ito ay si Imee ang mapupuruhan ng mga issue at damay na din ang mga anak namin ngayon.

Hindi pa din masyadong open ang mga tao para makinig ang mga ito kila Imee.

"Rod alam mo na mahal kita, at hindi ko kayang lokohin ka at ipalit sa iba kung ayun ang dahilan ng pakikipag hiwalay mo sa akin, bakit ka ba naniniwala sa ilang pictures lang na kuha ? They are just trying to tear us apart kaya pinag mukha nila na niloloko kita" dagdag depensa naman nito.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon