Chapter 32

287 22 10
                                    

Imee's Pov:

Kinabukasan ay masakit ang katawan ko at mag isa na ko sa kwarto. Meron lang akong kalapit na mga chocolates at card.

"Going back to work to meet other leaders. Wish me goodluck love. I love you" - Rod.

Napa ngiti naman ako sa nabasa ko. Sinilip ko naman ang loob ng kumot at naka suot na ko ng damit.

"Ganun ba ko ka pagod para di ko mamalayan na sya na nag suot sa akin ng damit ?" Sa isip isip ko.

Pag labas ko ay sakto naman pa katok ang kambal kasama ang ngiti na ngiting si Irene.

Tumakbo naman ang kambal sa loob at niyakap ako ni Irene.

"Congrats ate !" Sabi naman nito kaya niyakap ko na rin pabalik.

"So ano aasa kami ng baby next month ?" Tanong naman nito.

"Asa ka ! Naka pills ako Irene" pataray ko naman dito.

"So may nangyari kagabi ? Kayo ha !" Pang aasar naman nito.

"Wala okay ? Nag kwentuhan lang kami" pag deny ko naman at biglang may nabasag kaming narinig.

Dali naman kaming tumakbo sa loob at nakita namin nabasag ang vase sa may coffee table.

"Lagot" sabay namin sabi ni Irene.

...

Kinagabihan ay nandito na sa amin ang kambal at umuwi na sila mommy, Irene at Greggy sa Pilipinas.

Maghapon lang naman kaming nasa loob ng kwarto dahil kinulong ko lang talaga ang kambal dito.

Isang vase at isang plate ang nabasag ng dalwa sa kakalikot.

Pinapagalitan ko naman ang dalwa ng biglang pumasok si Rod.

"Oh ? Anong nangyari ?" Tanong naman sa akin ni Rod.

Nakatungo naman ang dalwa at tahimik na umiiyak.

Lumapit naman ang ama at sinuyo na naman ang kambal.

"Say sorry mommy na kung ano man ang ginawa nyo" rinig ko naman na sabi ni Rod.

"Sorry mommy" humihikbi naman na sabi ni Meera.

"Sorry too mommy" humihikbi din na sabi ni Meero.

"Ano bang ginawa nila love ?" Tanong sakin ni Rod.

"Nag basag nung umaga ng vase jan sa may coffee table tapos nung tanghali plate naman tapos ngayon naman gabi pinaliguan ko na, sandali lang akong lumabas ng kwarto para mag order ng pagkain pag balik ko ayan ! Pawis na pawis nag takbuhan naman" galit ko naman na sabi.

"Love bata eh" sabi naman ni Rod.

"Pero kailangan disiplinahin. Wag mo laging kampihan" masungit ko naman na sagot.

At kumuha ng damit pamalit ng kambal.

"Next time don't be makulit na mga anak, mommy is becoming a dragon" bulong naman nito sa kambal pero rinig ko parin.

Binato ko naman ito bigla ng damit at sumakto ito sa mukha nya.

"Dragon pala ha ? Ikaw magpalit sa mga yan" sabi ko naman at umalis ng kwarto para mag handa ng pagkain.

Rinig ko naman ang tawanan nila.

Nang mahanda ang pagkain ay tinawag ko naman ang kambal at bihis na din si Rod.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon