Chapter 19

282 17 5
                                    

Imee's Pov:

"Ano ate ? Pakiulit ?" Reaksyon ni Irene nang sabihin ko sa kanya na mabait si Leni sa kambal.

"Mabait nga sya, sabi sakin ni Rod nung una daw ay akala ni Leni na maiinis sya sa kambal pero nung nakita daw ay nag melt na lang daw yung heart ni Leni sa mga bata" sabi ko naman ulit.

"Kaya pala ready sa laruan ? Kahit hindi nya pa alam kung maiinis sya o hindi sa kambal" mataray naman nito na sagot.

"That means she's telling the truth or she's just pretending na mabait sa mga bata because of Rod" sagot ko naman.

"Pretend lang iyon ate, para lang siguro hindi sa kanya ma bwisit si kuya" sagot namn ni Irene na may pagka inis.

"Ano man Irene, ang mahalaga hindi sya nagpakita ng masama sa kambal" sagot ko naman.

"Ate she will try to get the attention of kambal. Double win nga naman, nakuha na nya loob ng kambal mo tapos nakuha pa nya loob ni Kuya" maarte naman nito na sagot.

Napatawa na lang naman ako dahil parang umo oa na ang usapan namin.

"Sige ate, tawa ka lang jan, baka isang araw hanapin na nila ang Tita Leni nila at hindi na ikaw" panakot pa sa akin nito.

"Alam mo ikaw Irene, ang panget panget mo ka bonding sa usapan, lagi kang nega" reklamo ko naman sa kanya.

"Ate ... Parang nga ..." Natatawang biro naman nito kaya napatawa na lang din sya.

Pagkatapos namin mag usap ni Irene ay binalikan ko naman ang kambal na nagla laro parin ng bigay ni Leni sa kanila.

Habang tinitignan sila ay hindi ko maiwasan isipin ang sinabi ni Irene.

What if ginagawa lang talaga iyon ni Leni para makuha ang loob ng anak ko nang sa ganun ay madali para sa kanya na makuha si Rod ulit ?

Nawala ako sa pagkaka tulala ko sa kanila ng tinawag ako ng mga ito.

"Mommy look oh, I've been wanting this doll" sabi naman ni Meera.

"Me too mommy I want this transformer" sabi naman ni Meero.

Peke naman ako na ngumiti sa mga ito at lumapit na ko sa kanila.

"It's past 8 na anak, sleep na tayo" sabi ko naman sa mga ito.

Nang nakahiga kami ay nakayakap sa akin si Meera.

"Mommy, tita Leni she's nice" sabi naman sa akin ni Meera.

"She put cream on my forehead mommy" dagdag pa nito.

Nginitian ko lang naman ito dahil wala akong ibang words na masabi sa kanila.

"But daddy is not looking at her the way he looks at mommy" sabi naman ni Meero.

Natuwa naman ako ng marinig ko iyon mula kay Meero, may assurance parin ako na ako talaga ang mahal ni Rod at hindi na talaga si Leni.

"Meero because daddy loves mommy" sabi naman ni Meera.

"Okay okay, tulog na" nasabi ko na lang sa kanila dahil mapupunta na naman sa pagta talo malamang sila.

...

Kinabukasan ay nasa office lang ako ng pumasok ulit si Cathy.

"Gov invitation po" sabi naman nito sa akin.

"San galing ?" Tanong ko naman.

"Gov first visit po ni President in Hong Kong, kasama po kayo" sabi naman nito sa akin.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon