Chapter 30

269 22 10
                                    

Rod's Pov:

"Anak need umuwi ni daddy sa manila" amo ko naman kay Meera at may lagnat parin pero kapit na kapit ang kalong sa akin.

"Nak bitaw na kay Daddy, hanap na sya sa manila" sabi naman ni Imee at pilit itong kinukuha.

"Daddy !!!! Aahhhh ..." Nagwawala naman nito na sigaw at lalo lang hinigpitan ang kapit sa akin.

"Daddy ... Don't go !!!!" Iyak parin nito.

"Okay okay baby. Hindi na aalis si Daddy, stop na. Lalo tataas lagnat mo" amo ko naman dito at kita ko ang galit na mukha ni Imee.

"Rod ... You need to go back, hinahanap ka na sa manila. Kaya namin dito nga ! Mamaya titigil din yan ng iyak" inis na sabi naman ni Imee.

"Love umiiyak nga eh ... Hindi na ko aalis, bukas na lang at wala na kong pakialam malaman man nila na nandito ako. Mas mahalaga ang anak ko kesa sa sasabihin ng ibang tao" galit ko naman na sabi.

Alam kong pina pauwi lang ako nito dahil natatakot ito na malaman na nandito ako sa kanila at gawan ng issue.

Pero para sa akin handa akong ipakilala sila buntis man o hindi si Leni. Wala na akong paki kung sino sino ang gawan ako ng kung ano anong paninira makuha lang ang pwesto ko.

Lumabas ako ng kwarto kasama si Meera at pinapatahan ito ng iyak.

Nakakainis si Imee, lagi na lang ang iniisip kung paano malaman ng tao ang relasyon namin at ang mga bata.

Mas inuuna pa ang sasabihin ng iba kesa samin. Sinasabi ko naman sa kanya na mag tiwala sa akin at kaya ko silang protektahan pero hindi parin marunong mag tiwala.

"Baby sleep na para madali kang gumaling. Para mawala ang fever na, ang aga mo nagising eh" amo ko naman dito.

"No ... I don't like daddy, when I wake up you are not here na" humihikbi naman nito na sabi.

"No baby, I'll stay until you get better, so sleep na anak" mahinahon ko naman na sagot.

Maya maya ay nakatulog naman na ito at pumasok ako ng kwarto at nakaupo lang naman si Imee at hindi ako pinapansin.

Ibababa ko naman si Meera pero alam nito kaya umiingit at nakakalong lang sa akin.

Bigla naman may tumawag kaya inabot ko ang phone ko at ini loud speaker lang ito.

"Sir online meeting po in 10 mins" paalala naman ni Kei at nag oo na lang ako.

"Love pa set up naman ng laptop ko" sabi ko naman dito.

Inirapan ako nito at pumunta sa table para ayusin ang online meeting ko.

Habang nasa online ay naka off ang camera ko dahil kalong kalong ko si Meera.

Habang nagsa salita ay nagising naman ito at buti ay hindi nag salita at pumikit lang ulit.

"Yes ... Submit to my assistant every detail to review" utos ko naman sa mga ito at tinapos na ang meeting.

Pagkatapos ng online ay si Imee naman ang nag exit at inayos ang laptop ko sa lamesa.

"Mommy where's Meero" tanong naman ni Meera habang nakakalong parin sa akin.

"With tita mom and tito dad anak" sagot naman ni Imee.

"You want mommy to carry you na ? Daddy has another meeting anak tapos review pa nya ng mga papers, come on anak. Sakin ka muna" amo naman nito.

"You are going to ask daddy to leave, I don't like mommy" Sagot naman nito.

"Hindi na anak, daddy is staying na nga oh, dun sya nagwo work sa table ni mommy" amo ulit nito.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon