Chapter 26

247 21 9
                                    

Imee's Pov:

Nagising ako ng konti na lang naman ang lagnat ko at nawala na rin ang cold and cough kahit paano.

Naglakad ako pababa at parang walang tao.

"Imee ... Okay ka na ba ?" Tanong naman ni manang.

Tumango naman ako at ngumiti pero hinipo parin ang noo ko.

"May konti ka pang lagnat" sabi naman nito.

"Kaya ko na ho manang, asan po ang mga bata ? Si Rod ? At si Irene ?" Tanong ko naman.

"Ah si Irene, sinundo ni Greg magsi simba, si Rod naman nasa may garden, ayun pinagla laro ang mga bata sa slides at swings" sagot naman nito.

Tumango lang naman ako at nagsabi na pupuntahan ko muna sila bago ako kumain ng almusal.

Pag silip ko ay nagi slide naman si Meero at si Meera naman ay nakatayo habang pinupuyudan ni Rod.

"Hey little man ! Dahan dahan. Lagot tayo sa mommy mo kapag nagasgasan ka" rinig ko naman sigaw ni Rod habang pilit inaayusan si Meera.

"Daddy so tagal ! I want to play" reklamo naman ni Meera.

"Eto na nga, wag ka kasing malikot anak" reklamo din naman ng ama nya.

"San ba kayo pinag lihi ng mommy nyo ? Pano kayo naalagaan nun sa 4 na taon na sya lang at si Irene" sabi naman nito.

"Daddy because they are superwoman. When mommy is not home, we are with tita mom and then tita mom where like "naku asan ba ang mommy nyo di pa umuuwi pagod na pagod na ko" rinig ko naman pang gagaya ni Meera kay Irene.

Kita ko naman ang tawa ni Rod at pinaglaro na ito kahit gulo gulo ang pagkaka puyod nya kay Meera.

Lumapit naman ako kay Rod at sinalubong naman ako nito ng yakap at halik sa noo.

"Ang aga aga pinagla laro mo ang dalwa jan" kunwari ko naman pagalit dito.

"Love hangga't di mainit, okay lang yan. Okay ka na ba ?" Sagot at tanong naman nito.

Tumango naman ako dito pero hinipo parin ang noo ko kung mainit pa katulad ng ginawa ni manang kanina.

"May konti ka pang lagnat. Baka nahihilo ka pa, dapat pinatawag mo na lang ako" sabi naman nito pero inirapan ko lang dahil umo oa na naman.

Nang makita ako ng kambal ay lumapit naman sila sa amin.

"Mukha kang loka loka sa puyod mo anak, akin na ayusin natin" sabi ko naman kay Meera.

"Eh daddy mommy eh, he can't do it" sumbong naman nito.

"Anak hindi marunong si daddy, pero next time papaturo ako kay mommy" sagot naman ni Rod dito.

...

Habang kumakain ay maya't maya naman may tumatawag kay Rod at nakita kong si Leni ito pero hindi nya pinapansin.

"Sagutin mo na at baka humandusay pa yan" sabi ko naman dito at napatingin ito sa akin na parang natatawa.

"Hayaan mo sya, sinabi ko sa kanya kahapon na sya lang maga attend dun" sagot naman nito.

"Bakit kasi umuwi ka pa, ang dami naman dito oh na mag luluto para sa akin at magpa painom ng gamot" sabi ko naman.

"Love mas importante ka kesa sa pag sama sa event ni Leni" sagot naman nito

Hindi naman ako nagsalita at pinagpa tuloy lang ang pagkain ko.

"Mamaya may event ako, speaker ako ng 2 event 3pm daw at 6pm. Aalis ako after lunch love" paalam naman nito sa akin.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon