Imee's Pov:
Nang makarating ako sa office ay nakita ko na ang tatlo na nakaupo sa loob.
"Ang aga nyo ?" Tanong ko naman sa tatlo.
"Kwento na !" Sabi naman ni Loren.
"Ano nangyari sa reunion ? Balita ko hinatid ng president ang usec ?" Tanong naman ni Pia.
"Paano nyo nalaman ?" Tanong ko naman.
"Girl ang pinsan ko nandun, kasama pala sya sa reunion. Naikwento nya dahil andun si president at hinatid daw ang new usec dahil lasing" sabi naman ni Pia.
Pinapaki ramdaman ko naman kung alam nila na transgender yun pero parang wala din silang alam.
"Pinayagan mo na si Pres ang maghatid ?" Tanong pa sa akin ni Cynthia.
"Ako ba niloloko nyo ? O gustong gusto nya lang ako makitang nagse selos ?" Tanong ko naman sa kanila.
Tumingin naman sila sa akin at nagtaka ng konti sabay tawa.
"So selos ka nga first lady ?" Tanong sakin ni Loren.
Inirapan ko lang naman sila at umupo sa harapan nila sabay taas ng kilay.
"Mare ... Sinasabi nga namin sayo eh, at malandi daw yun, kaya nga daw naghiwalay eh, parang hindi hiwalay lang pero hiwalay daw talaga" sabi naman ni Pia.
"Gaano ka accurate yang mga chini chismis nyo sa akin ?" Tanong ko naman with taas kilay.
"Mga 80% mare" sagot naman ni Loren.
"Pinapakita namin sayo ang proof diba ?" Sabi naman ni Cynthia.
"Okay eto ang chismis sa akin ng asawa ko" bungad ko naman sa kanila.
Lumapit naman sila lalo sa akin na parang kinikilig pa sa chismis.
"Naka kakilig yung pagka kasabi mo na eto ang chismis ng asawa mo" sabi pa ni Loren.
Nakangiting irap naman ako.
"Kinikilig din sya" sabi naman ni Cynthia.
"Ayoko na nga mag chismis !" Kunwari ko naman na inis.
"Grabe ka naman Imee, kami nga ang dami namin chismis sayo about kay usec eh" reklamo naman ni Pia.
"Magsi tigil kasi ng pang aasar !" Sagot ko naman na ikinatawa nila.
"So eto na nga ... Nag video call ako nung gabi tapos malandi nga humawak pa sa braso ng asawa ko dun sa table na inuupuan nila" bungad ko naman na chismis.
"Harap harapan mare ? Alam naman nya na kausap ka ?" Gulat naman na tanong ni Loren.
"Napahawak sya kasi parang muntik na sya madanggi ng dala, pero yung hawak talaga payapos na eh kaya pinatay ko na yung tawag" sabi ko naman.
"Ay selos, sabagay ang layo mo eh kung malapit ka lang baka nasungitan mo" sabi naman ni Cynthia.
"Anong nasungitan ? Hindi makaka arte yung girl na yun" sagot naman ni Pia.
"Anyways ... So pinauwi ko na ang asawa ko dahil mga 9 na di pa nagme message na nakauwi na sya. So video call ulit sa sasakyan, nandun sa kalapit ang usec" continue naman ng kwento ko.
"Oh em !" Oa na reaction naman ni Loren.
"Lasing kasi, so hinatid ni Rod sa hotel pero psg ang naghatid pataas sa mismong room nya" dagdag ko naman na kwento.
BINABASA MO ANG
I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESS
FanfictionRodrigo having a complicated marriage with his 2nd wife Leni. while .... Imee is his ex wife and contented living a private life. Their love for each other rekindled after they meet again in an event after 4 years of no contacts. Will their love for...