Chapter 9

450 24 12
                                    

Imee's Pov:

Pagka alis ni Rod ay nakaabang naman na si Irene sa tapat ng pinto.

"Ang sweet sweet naman ng couple na yan" asar naman nito sa akin.

Hindi ko naman ito sinagot dahil alam kong bibiruin lang ako nito.

Nakasunod parin naman sya sa akin habang papataas at papuntang kwarto.

Papasok naman na ko sa kwarto ng hilain ako nito sa kwarto nya at pinaupo sa may kama.

"Kwento" excited naman nya na sabi at umupo na din sa tabi ko.

"Anong ikwe kwento ko ? Eh alam mo naman na lahat" sagot ko naman.

"Ate alam kong nagkabalikan kayo kahit ayaw ni mommy ng ganyan, may pa para sa kambal lang ang co-parenting nyo pero kitang kita ko yung yakapan nyo at lips to lips sa labas noh" sabi naman nito sa akin.

"Sa mata ni mommy you both are just co-parenting pero alam ko na alam mo na higit pa doon ang relasyon nyo ngayon" dagdag nito.

"Wag ka nga maingay, nag promise kami ni Rod kay mommy na para lang sa kambal dahil ayaw nga nya ng relationship namin at kasal pa si Rod" sagot ko naman.

"Wag maingay ? Ate kung lumabas si mommy kanina, kita nya yung ginagawa nyong lambingan noh. Nagkabalikan na kayo ?" pagtataray naman nito na sagot.

Tumango naman ako sa kanya at umirit ito ng malakas kaya tinakpan ko ang bibig nya.

"Oh em ate ? Lagot kayo kay mommy. Hindi mo man lang maintay na ma annuled sya ?" Sabi naman nito pero mukhang excited.

"Irene, hiwalay naman sila eh at pang front lang si Leni para walang makitang butas ang kalaban sa kanya. So I think, wala naman akong sinasagasaan na relasyon" paliwanag ko naman.

"Kahit na ate, still married parin sya. Kaya nga ayaw ni mommy ng ganyan at co-parenting pa lang ang pwede sa inyo" sagot naman nito.

"Hayaan mo na ading, sabi mo kunin ko ang akin at original naman ako" sabi ko naman.

"Ate what I mean is sa legal na paraan, hindi ganyan" depensa naman nya sa sinabi nya.

"Well too late Irene, di ko na gets yung sinabi mo na bawiin ko ang akin. Sana nilinaw mo" sagot ko naman.

Hinampas naman nya ako ng pabiro at nagtawa.

"Akala ko naman magiging okay lang kayo na as in back to friends muna. Talaga palang sineryoso mo ?" Natatawa parin nito na sabi.

Inirapan ko lang naman sya at tatayo na ulit sana ng hilain ulit ako nito paupo.

"Kulang ang kwento" sabi naman nya.

"Ano pa ?" Tanong ko naman.

"Ano nangyari sa bakasyon ? May nangyari ba ?" Tanong naman nito at tinaas taas pa ang kilay nya.

"Wala" sagot ko naman at inirapan ito.

Bigla naman itong sumigaw na parang kinikilig.

"Huy ! Diba sinabi ko wala ? Ano kinikilig kilig mo jan ?" Tanong ko naman.

"Ate hindi mo ko maloloko, yan mga one word mo, pag iwas mo lang yan ng kwento eh" asar naman nito sa akin.

"Kahit ano naman pala ang sabihin ko,  hindi ka maniniwala at alam mo naman lahat Irene, parang awa mo na. Hayaan mo na ako matulog" reklamo ko naman dito.

I AM MY EX HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon