CHAPTER VI

1 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER VI

Mag-isang kumakain si Ligaya ngayon sa classroom nila. Hindi na siya pumunta ng canteen dahil may baon naman siyang ulam. Wala rin ganoong tao sa room kaya doon na lamang siya kumain, at komportable rin naman siya doon.

Habang kumakain siya ay sinasabay niya ang pagbabasa ng mga kailangan niyang matutunan para sa klase.

Hindi niya alam na pinagmamasdan siya ni Professor Garcia.

Isang striktang guro ang propesor ngunit, naaalala niya ang kaniyang sarili kay Ligaya. Hindi niya alam pero, nakararamdam siya ng koneksyon dito. Siguro dahil na rin sa nakikita niya kay Ligaya na hindi kinakailangan ang kaibigan para lang masabi niya sa sariling sapat siya.

Kaya ni Ligaya tumayo sa kaniyang sariling mga paa. Alam niyang mayroon itong ibubuga.

Bago pa man siya makita ng sinuman sa kaniyang saglit na pagmamasid kay Ligaya ay umalis na siya. Nang tuluyan siyang mawala ay saka naman lumingon si Ligaya sa bintana. 

Uminom si Ligaya ng tubig dahil tapos na siyang kumain. Ang water bottle na dala ni Ligaya ay isang plastic bottle ng soft drinks na kinuhanan ng label. Naniniwala naman siyang hindi niya kailangan ang mga mararangyang bagay. Basta’t presentable siyang tingnan at wala namam siyang inaapakang tao ay sapat na ‘yon sa kaniya.

Iniligpit ni Ligaya ang kaniyang kinainan at hindi naman siya burara kung kumain kaya’t walang mga dumi sa chair niya. Kumuha rin siya ng alcohol sa bag at naglagay sa kaniyang mga kamay.

Pagkatapos niyon ay kumuha siya ng notebook, para magsulat ng kaniyang assignment habang maaga pa. Wala pa kasi silang ilaw sa bahay. Hindi pa sapat ang ipon niya.

Ilang sandali pa ay may isang weird na lalakeng pumasok. Nakasuot ito ng salamin, at feminine din kung gumalaw. Para siyang outcast kung maglakad at dahan-dahan siyang umupo sa chair ng front row.

Napakunot ang noo ni Ligaya. Nagtataka siya rito. Tatayo na sana siya para kausapin ito pero awtomatiko siyang napabalik sa kaniyang upuan nang pumasok ang grupo ng tatlong lalake.

Napasinghap si Ligaya nang tadyakan ng isa nito ang paa ng chair nung lalaking naka-salamin.

“Hoy bakla!”

Kumabog ang dibdib ni Ligaya dahil sa gulat niya sa inaakto ng mga ito.

Halata sa mga mukha ng tatlong lalake ang mga kabulastugan. Iniikutan nila ang estudyanteng nakasalamin habang umaalingawngaw sa classroom ang mga tawa nilang walang katuturan.

Nanlalaki ang mga mata ni Nathaniel sa takot. Hindi na niya gusto pa ng gulo pero hindi siya tinitigilan ng mga ito.

“Bakla ka ‘di ba?” panunuya ng isa sa mga lalake, his voice dripping with disdain. “Siguro naman, ayaw mo ng malaman ng Dad mo na bakla ka.”

Nanatiling tahimik si Nathaniel, ang kaniyang tingin ay nakapako sa floor.
Nathaniel remained silent, his gaze fixed on the floor. Nagpatuloy ang mga ito sa kanilang mga panunuya, ang kanilang mga salita ay parang mga punyal na tumatagos sa puso ni Nathaniel.

Totoo naman ang mga sinasabi nila. Bakla maman talaga siya. Pero ayaw niyang lumaban sa kanila, dahil baka malaman ng Daddy niya at magka-eskandalo pa.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon