TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXVII
Parang kailan lang ay ang saya ni Ligaya, ngunit halos magunaw ang kaniyang mundo ngayon sa katotohanang sumampal sa kaniya.
Nanginginig na hinawakan ni Ligaya ang pregnancy test habang nasa banyo siya. Galing siya sa guidance counselor ng university para sa isang counseling session at doon ay ikinumpisal niya ang lahat ng nangyari sa kaniya ngunit wala siyang pinangalanan sa kung sinuman ang nagpahirap sa kaniya.
Ilang beses siyang kinumbinse ng guidance counselor pero sapat na ang nalalaman nito. Dahil sa sinabi niyang madalas siyang nahihilo, at mga bagay na nararanasan ng isang taong nag-bu-buntis ay nararanasan niya rin, hinawakan nito ang kamay niya at kinumbinsi siya na mag-PT.
Palihim siya nitong sinamahan sa university nurse hanggang sa in-assist nga siya nito. Pinaliwanag niya ang nangyayari sa kaniya ngunit hindi niya sinabi kung ano ang kaniyang pinagdaanan.
"Hindi ba't sinabi mo na sa akin noon hija, na malabong magkaroon ng bata ang tiyan mo, dahil sa wala ka namang nobyo...?"
Lumatay ang kaba sa buong sistema ni Ligaya. Hindi siya mapakali. Natatakot siya. Napalunok siya bago sumagot.
"K-kailangan ko lang hong malaman..."
Nasa private consultation room silang dalawa.
"Ano ba'ng nararamdaman mo ngayon?"
"Wala ho," direkta niyang sagot, "p-pero nitong nakaraan, para hong lagi akong pagod. Naduduwal. N-nahihilo... N-napapansin ko rin hong bumabaliktad ang sikmura ko sa mga kinakain ko... Saka... h-hindi pa ho ako dinadatnan..."
Takot na takot ang boses ni Ligaya. Ang mga tingin naman ng nurse ay puno ng pang-unawa at pakikiramay. Ngunit hindi niya maikakailang naguguluhan siya. Gayunpaman, may tungkulin din siyang kailangan na gampanan.
"Huwag muna tayong mag-jump into conclusions..." Pinagsaklop niya ang kaniyang bayad. "I recommend, we conduct a pregnancy test to confirm. Would you be comfortable with that?"
Ligaya nods, trembling. The university nurse guides her through the process of taking a urine pregnancy test and explained each step patiently.
"Alam mo ba kung pa'no 'to gamitin?" Hindi sumagot si Ligaya. Humugot naman ang nurse ng isang paghinga. Tumango siya at halata rin sa kaniyang mukha ang panghihinayang, dahil bata pa si Ligaya. Pero wala naman siyang karapatan pagsalitaan ito dahil hindi naman niya alam kung ano ang kaniyang kuwento. Kaya ang mabuti niyang gawin ay ang tulungan ito at abisuhan na may pag-iintindi at kahinahunan. "You'll need to collect a urine sample in a clean container and then dip the test strip into the urine for the specified time. Pagkatapos no'n, we wait for the results to appear."
Masigasig na sinunod ni Ligaya ang instructions ng nurse, nanginginig ang kaniyang mga kamay sa takot at nerbyos. Tahimik silang naghintay sa resulta hanggang sa dumating ang tagpo na ikinakatakot ni Ligaya.
Nang mag-angat ng tingin ang nurse ay mapanglaw ang kaniyang mga tingin. Maaari na ngang hindi magpaliwanag ang nurse kay Ligaya kung ano ang resulta dahil mababasa na ito sa ekspresyon niya pa lamang.
Umiiling si Ligaya, hindi matanggap ang pangyayaring ito sa kaniyang buhay.
"Positive ang test hija. Buntis ka."
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Novela JuvenilLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...