TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER IX
Sa gitna ng malamlam na liwanag ng bahay nila Ligaya, ay maingat na binibilang niya ang kaniyang ipon para sa pagpapakabit nila ng kuryente. Nakangiti siya habang binibilang niya ang mga perang coins at bills. Sa isipan niya'y sa wakas, matutupad na ang kaniyang pangarap na ilaw para sa kanilang bahay!
Bigla naman pumasok si Manuel na nasasadlak ang balikat sa kapaguran. Kagagaling niya lang sa bago niyang trabaho bilang isang kargador sa palengke kaya ang sakit din ng kaniyang mga buto.
"Ligaya anak..." Nagmano kaagad si Ligaya sa kaniya at tinigil muna ang pagbibilang. "Si Sinta?" Hinanap niya ang bunsong anak.
"Tulog na po Papa." Bumalik si Ligaya sa kaniyang mga ipon at nilagay ito sa isang lumang pitaka.
"Ano 'yang ginagawa mo?"
"Binibilang ko po 'yong ipon ko Pa. Magpapasama po sana ako sa inyo sa bayan sa susunod na linggo at nakapagdesisyon na po ako na ang ipon na ito ay para sa ilaw ng bahay natin."
Mula sa isang ngiti ay sumimangot ang mukha ni Manuel. Tumabi siya kay Ligaya. "Anak... Para na lang 'yan sa pag-aaral mo..." kumbinse niya rito.
"Pa... para rin naman po 'to sa'kin. Saka, huwag po kayong mag-alala sa pag-aaral ko. Hindi ko naman po pinapabayaan ang grades ko dahil may scholarship pong nakasalalay." Saad niya sa ama.
Naghun turighininga si Manuel. "Pinaghirapan mo ang pera na 'yan. Para na lang sana 'yan sa'yo, anak."
"Pa... Lahat po ng ginagawa ko, kagaya ninyo ay hindi para sa sarili lang. Pamilya tayo 'di ba? Kaya, magtulungan dapat tayo. At sobrang saya ko po, na may sapat na akong naipon para sa kuryente natin. No'ng high school ko pa po 'to pinagplanuhan e." Kumpisal niya sa ama.
"P'wede mo naman 'yang ibili ng mga gagamitin mo sa paaralan 'nak..."
"Huwag na po kayong mag-alala sa gagamitin ko sa university Pa. Alam niyo ho, gumagawa ho ako ng mga assignments at projects ng mga kaklase ko para rin makakita ng pera. Alam mo naman ang ibang mga mayayaman, inaasa na lamang sa tingin nilang alila ang mga assignments nila. Saka isa pa po Pa, hindi lang ako ang makikinabang sa ilaw natin kundi tayo pong lahat. Kapag nakapagpakabit na po tayo ng kuryente, hindi na po natin kailangan magbayad sa kanila aleng Paciana para sa pag-cha-charge..."
Tinitigan ni Manuel ang anak.
"Hay... Ano na lang ang gagawin ko kung wala kayo ni Sinta..." kaniyang nasabi.
Mahigpit na niyakap ni Manuel ang anak. "Pasensya ka na at hindi ko pa mairaos ang buhay natin anak ha..."
"Papa, tiyaga lang po tayo. Alam ko naman na balang araw, matutupad ang mga pangarap natin. Gano'n naman po 'yon 'di ba? Para magtagumpay, ay kailangan ang determinasyon at consistency, lalong-lalo na ang sakripisyo."
Ikinandong ni Ligaya ang kaniyang ulo sa bisig ng ama. Mula pagkabata nila ay kita na niya ang mga sakripisyo nito para sa kanila. Higit sa lahat ay ang kahirapan na dinaranas nila. Nagsusumikap si Ligaya upang kahit papaano, ay unti-unti nilang maitaguyod ang kanilang pinapangarap na kaginhawaan sa buhay.
Lumipas ang isang linggo at dumating ang elektrisista sa kanilang bahay. Matapos ikabit ng mga ito ang mga kable (wiring) ay pinitik ng isa sa kanila ang switch at umilaw ang paligid. Nagkaroon na ng liwanag sa kanilang bahay at abot tainga ang ngiti ngayon ni Ligaya, maging ng kaniyang ama at kapatid na pumalakpak pa sa tuwa.
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...