TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXXVIII
No'ng gabing 'yon nakiramay si Beltran at Magsaysay. Dumating sila roon para na rin sa pangkaragdagang tulong sa pamilyang namatayan. Alam din nila ang katotohanan sa kaso ni Ligaya.
Nagpapahangin lang sila sa labas at nagbabantay na rin.
"Grabe Ser, hindi ko aakalain na ang pagkamatay niya ang magiging dahilan para malaman natin ang katotohanan..." Napailing pa si Magsaysay at napapahawak sa kaniyang baba.
Tinitingnan ni Beltran ngayon ang paligid. Tahimik siya pero katunayan ay mabigat ang kaniyang dibdib. Madilim ang gabi, wala pa ring ilaw ang langit. Naririnig nila ang mga kuliglig sa kalagitnaan ng katahimikan.
"Hindi pa natin alam ang totoo, Magsaysay," imik ni Beltran. "Hindi pa natin nabibigyan ng hustisya ang namatayan at ang namatay."
"Ano po'ng ibig niyong sabihin, Ser?"
"Malaya pa rin ang mga tao na may gawa no'n sa kaniya. Buhay. Masaya." Taimtim na nakikinig si Magsaysay kay Beltran. "Hangga't nangyayari 'yon, walang katotohanan. Walang hustisya."
"Uusad pa ba 'yong kaso?"
"Sana. Kailangan ng testigo para mas tumibay pa ang mga ebidensya."
"Ano po'ng gagawin niyo kay Ma'am?" tinutukoy nito si Naj. "Masyado po siyang invested sa kaso na 'to. Baka... lamunin ulit siya ng..."
Hindi na natuloy ni Magsaysay ang sasabihin. "Nagbago na siya, Aljun," sambit niya sa pangalan ni Magsaysay. "Hindi na siya tulad ng dati. Matibay na ang loob niya ngayon at pursigido na rin. Masaya ako para sa kaniya."
"Babalikan niyo po ba si Ma'am Naj?"
Hindi na sumagot si Roinal Beltran. Hindi siya nakapaghanda sa tanong na iyon pero ayaw niyang magsalita ng tapos.
Dati niyang asawa si Naj, at nagkahiwalay ang dalawa simula no'ng mamatay ang kaisa-isa nilang anak dahil sa suicide.
Nabibigay naman nila lahat sa anak pero pareho silang busy sa trabaho. Walang oras para sa kanilang unica hija. Kulang na lang siguro ay magpa-appointment ang anak nila sa kanila dahil sa sobrang ka-busy-han.
Marami itong kaibigan, masayahin itong bata, pero hindi nila alam na kinakain na pala ito ng depresyon at pressure sa klase. No'ng pumasok ito sa university, ay napapadalas ang pag-ka-club nito. Noong una ay hinayaan lamang nila, ngunit bigla-bigla ng nagbago ang pananamit nito hanggang sa nalaman ng dalawa na gumagamit ang kanilang anak.
Walang nakaalam no'n maliban sa kanilang mag-asawa. Pina-rehab nila ito, nang matapos at bumalik sa kanila ay akala nila ayos na ang lahat ngunit lagi na lamang itong nagkukulong sa kwarto. Natakot na magawa muli ang gano'ng klaseng kamalian.
Nagising na lang sila isang araw na nakalutang na sa pool nila ang anak. Hindi na lumalangoy, hindi umuusad, nakalutang lang at sinadyang magpakalunod at hindi na huminga.
Dahil din sa pagkawala ng kanilang anak ay namatay ang pagsasama nila bilang mag-asawa.
No'ng una ay inaalo naman nila ang isa't-isa, dinadamayan. Pero kalaunan, nagising na lang din siya na annulled na sila.
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Roman pour AdolescentsLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...