TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXIII
Hindi mapakali si Nathaniel kakahintay kung kailan magigising si Ligaya. Nagulantang siya kanina nang biglang matumba ang kaibigansa harap niya. Mabuti na lang at kaagad na rumisponde ang mga may mabubuting puso roon. Kanina pa siya naghihintay na idilat ni Ligaya ang mga mata niya, mabuti na lang at vacant sila ngayon.
Napaayos naman ng tayo si Nathaniel nang pumasok doon si Prof Aruella Garcia.
"Prof... good morning po..." Nabahiran ng pag-aalala ang pagbating iyon ni Nathaniel. Tinanguan lang naman siya ng professor, at nag-aalala nitong tiningnan si Ligaya.
"Nasaan 'yong nurse?" baling ng tingin niya kay Nathaniel.
"Kasalukuyan pong kumo-contact ng doktor."
"Natawagan na ba ang parents niya?"
"May contact po diyan na kay Tito Manuel ang nakalagay pero no'ng d-in-ial po namin, turns out phone number ni Ligaya." Nagpakawala na lamang ng buntong-hininga si Nathaniel saka siya naupo sa silya. Tumayo rin naman siya kaagad do'n nang ma-realize niya na si Prof. Aruella pala dapat ang pinapaupo niya.
He offered a seat to the professor but she declined. "No, thank you. I just came here to check on her, babalik din ako sa faculty because I have to finish my paperworks. Ano ba'ng nangyari sa kaniya?"
Kinailangan ni Aruella puntahan si Ligaya lalo pa't under ito ng jurisdiction nila, at higit sa lahat ay siya rin ang bago nilang adviser.
"Bigla na lang po siyang nawalan ng malay eh. Halos wala na nga po 'yang kulay kanina, Prof..."
"May nakain ba siya? Something that might've poison her? Or any acts na you think was unusual...?"
"Po?" Hindi masyadong masagap ni Nathaniel ang huling sinabi ni Aruella. "A-ano po'ng ibig niyong sabihin sa unusual...?"
Aruella sighed, naghanap siya ng mauupuan, at nakita niya ang isang bakanteng silya. Hinila niya ito malapit sa silya ni Nathaniel at parehong naupo ang dalawa sa magkaibigang silya.
"Alam mo naman na siguro ang balita tungkol kay Liam, 'di ba? It's very alarming and the reputation of the college, even the university is at stake... Baka lang, g-gumagamit si Ligaya...?"
Nabigla si Nathaniel sa hinala ng propesor. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ng sinabi ng propesor sa kaniya.
"Parang ang labo naman ho yata niyang sinasabi niyo, Prof. Kilala ko po si Ligaya... kahit kailan ay hindi naman 'yan gagawa ng ikasisira niya. Ang hirap na nga po ng buhay nila eh mag-da-drugs pa siya. Isa pa, saan naman ho kukuha ng ipangbibili 'yang kaibigan kong 'yan eh halos hindi na nga kumakain ng meryenda 'yan at nagtitiis pa sa pang-araw-araw niyang ulam na tuyo o 'di kaya sardinas para lang makatipid siya?"
Aruella cleared her mind. She's wrong. Maybe she's just paranoid of what had happened.
"You're right... I'm sorry..." Muli niyang tiningnan ang nakahigang si Ligaya. Payapang-payapa ang mukha nito, mukhang hinding-hindi gagawa ng kahit anong kasamaan. "By the way, wala ka bang pasok?"
"Vacant po kami ng 4 hours," tango ni Nathaniel sa propesor. "Kayo ho, may class po ba kayo?"
"Yeah. Sa BSIT, but I informed them already na ma-le-late ako ng ilang minutes. Kailangan ko ring malaman kung kumusta ang lagay ni Ligaya."
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...