TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER VIII
May dala-dalang pagkain si Manuel na nakalagay sa isang plastic. Tumutulo na ang pawis mula sa noo niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ang bigat ng kalooban niya sa kadahilanang nagsara ang repair shop na pinagtatrabahuhan niya.
Hindi niya nais na makabagabag ito kay Ligaya pero sinisikap niyang maging masaya. Natanggap niya ang huling suweldo niya na sapat lang din para may ipambayad siya sa utang nila. Pinaghati niya ang pero kaya hindi pa sila nakakabayad ng buo. Kailangan niya rin kasi itong i-budget para sa iba pa nilang gastusin.
Nang makarating siya sa bahay, ay wala roon si Ligaya. Tanging si Sinta lamang ang nakikita niyang nag-aayos ng kaniyang mga gamit doon. Sa tantsa niya ay kagigising pa lamang nito.
"Oh anak." Nagmano si Sinta nang makita ang ama. "Nasaan ang Ate mo?"
"Ah Papa, may bisita po si Ate. Hindi pa po nakakapasok dito ang bisita niya. Pinagpahinga muna niya sa tambayan natin nila Mama noon."
"Sino'ng bisita niya?" Nilagay ni Manuel ang kaniyang dala sa mesa.
"Si Kuya Nathan po."
"Lalake?"
Gulat na gulat naman si Manuel na napatanong niyon. Kinakabahan siya na baka manliligaw ito ng kaniyang anak.
"Opo. Pero huwag po kayong mag-aalaa Papa. Wala po 'yong masamang gagawin kay ate Ligaya. Baka nga si ate pa ang may masamang gawin doon e."
Natawa pa si Sinta pero naguguluhan na si Manuel.
"Ha?"
"Ibig ko pong sabihin, beki po siya. 'Di ba po ang galing? Hehe. May dala nga po siyang mga pagkain e. Pinapasunod nila ako roon pero umuwi muna ako rito sa bahay para po matulog dahil inaantok ako."
Nakahinga naman ng maluwag si Manuel. Napahawak siya sa kaniyang puso. Bilang isang ama ay may pangamba siyang hindi makapagtapos ang anak kapag nadala sa pag-no-nobyo. Ayaw niya namang mangyari 'yon dahil sa hirap ng buhay, ay kailangan may konsiderahin sila. Pero lalake pa rin 'yon, at marami ng balita ngayon na may mga lehitimong anak ang mga bakla.
"Halika puntahan natin sila."
Aalis na sana si Manuel.
"Teka, hindi ka ba po muna magbibihis, Pa?"
Napatingin siya sa kaniyang suot. "Oo nga." Kaya naman nagpalit muna siya ng damit bago sila pumunta roon.
Dumating si Manuel at Sinta sa tambayan kung nasaan si Ligaya at Nathaniel. Habang papalapit sila ay pakaway na nagtatawanan at nag-uusap ang dalawa. Kaagad namang napansin ni Ligaya ang pagdating ng kaniyang ama at kapatid. Tumayo agad ang dalawa at ipinakilala niya si Nathaniel sa ama.
"Papa, si Nathaniel pala. Kaklase ko po siya," sabi ni Ligaya na may ngiti sa labi.
"Hi po." Inabot ni Nathaniel ang kaniyang kamay na siya namang tinanggap ni Manuel. "Kumusta po?"
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Teen FictionLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...