TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER I
Maliit lamang ang bahay na tinitirhan ni Ligaya at halos walang kasangkapan.
Umihip ang hangin na nagdadala ng amoy kahoy at pawis.
Si Manuel, ama ni Ligaya, isang amang pinag-iinitan ng araw at hirap. Nagtatrabaho siya sa isang maliit na repair shop, at ngayon ay nag-aayos sa mga maliliit na kagamitan.
Tumutulo ang pawis sa kaniyang noo. Tunog ng martilyong tumatama sa kahoy, ang tumatalbog sa loob ng makipot na espasyong kaniyang kinaabalahan. Saglit siyang huminto at pinunasan ang kaniyang pawis sa noo gamit ang isang magaspang na kamay at napatingin sa kupas na litrato sa dingding, isang alaala ng isang buhay na biglang naputol. Isang mahinang ngiti ang sumilay sa labi niya, isang mapait na alaala ng isang babaeng laging naging lakas niya, ang kanyang sandalan, na ngayon ay habambuhay na silang nilisan.
Bumukas ang pinto, at si Ligaya, kaniyang nakatatandang anak ay pumasok. Suot ni Ligaya ang kanyang kupas na uniporme ng hayskul na pinaresan ng kaniyang luma at sira-sirang sapatos. Malawak na ngiti ang sumilay sa mukha ni Ligaya, sinusubukang itago ang lungkot na nakikita sa kaniyang mga mata.
"Papa, nandito na po ako," sabi niya, ang kaniyang boses ay parang malambing na musika.
Tumingin si Manuel sa kaniya, at lumawak ang ngiti nito, "Oh, anak, magpalit ka na ng damit, para hindi ka magkasakit."
Umiling si Ligaya, ang ngiti niya ay mas lumawak pa. "Naku. Si Papa maman. Huwag ka pong mag-alala, ayos lang po ako. Magluluto na po ako ng kanin, hehe."
Tumawa si Manuel, ang ngiti niya ay lumambot. "Tamang-tama, may dala nga pala akong ulam mula sa bayan kanina. Kakain tayo ng masarap ngayon, anak."
Nagningning ang mga mata ni Ligaya, isang kislap ng pag-asa ang pansamantalang nagpalayas sa mga anino ng pag-aalala. "Talaga po, Papa? Naku, siguradong matutuwa po nito si Sinta."
Nawala ang ngiti ni Manuel, ang tingin niya ay bumaba sa sahig. Nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Ligaya at pinilit niyang ngumiti. "Malapit ka nang magtapos, anak. Sobrang proud ako sa'yo... kahit wala na ang Mama mo, alam kong ipinagmamalaki ka niya sa langit. Pareho kaming proud sa inyo ni Sinta, Ligaya."
"Salamat po, Papa. Pangako ko rin na pagsisikapan ko po, para sa atin."
Kinuha ni Manuel ang isang selyadong sobre mula sa kanyang lumang bag. "Galing ito sa isang kaibigan ko... ayaw daw ng anak niya, kaya sana magamit mo, anak. Kailangan din talaga natin ito."
Kinuha ni Ligaya ang sobre, ang mga daliri niya ay naglalakbay sa mga gilid nito. Nakita niya ang isang scholarship application form. Graduating student na si Ligaya sa high school at nais ng kaniyang ama na pumasok siya sa unibersidad. Gayunpaman, ang gusto ni Ligaya ay makahanap na ng trabaho para tustusan ang kanilang pangangailangan, mabayaran ang kanilang natitirang utang, at higit sa lahat ay mabigyang lunas ang malubhang karamdaman ng kaniyang nakababatang kapatid na si Sinta.
Napatingin si Ligaya sa ama, "Pero Papa, okay lang po kung hindi na ako mag-aaral. Gusto ko pong tulungan kayo. Gusto ko pong mapagamot na rin si Sinta..."
Umiling si Manuel, ang boses niya ay matatag pero malambing. "Hindi, anak... mag-aaral ka. Mas matutulungan mo ang pamilya natin kapag nakapagtapos ka. Kung buhay lang din ang Mama mo, alam kong ito ang gusto niya... Mahalaga ang edukasyon, anak. Kayamanan 'yan na hindi mananakaw sa'yo ninuman."
Nag-alinlangan si Ligaya, ang puso niya ay mabigat sa magkakasalungat na damdamin. "Papa-"
Pinutol siya ni Manuel, ang mga mata niya ay puno ng matatag na determinasyon. "Huwag kang mag-alala... gagawin ko ang lahat para sa'yo, anak. Hangga't nabubuhay ako, hayaan mong ako ang kumayod para sa inyong dalawa ni Sinta. Hindi mo kailangang mag-alala sa isang bagay na hindi mo naman responsibilidad."
Mangiyak-ngiyak ang mata ni Ligaya. Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang ama at inalo naman siya nito. Sa kahirapan ng kanilang buhay, at sa bigat ng kanilang dinadalang problema, ay tanging ang kaniyang ama at kapatid na lamang ang nagbibigay sa kaniya ng lakas.
Walang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ngayon ni Ligaya sa kadahilanang isang parangal ang kaniyang maisusukli sa kaniyang ama.
Mangilid-ngilid na rin ang luha sa kaniyang mga mata dulot ng labis na kasiyahan.
Nakatayo si Ligaya sa stage, naka-martsa siya kasama ang kaniyang mahinang kapatid at ang kaniyang proud na ama. Hindi lang nagmartsa si Ligaya dahil siya ay magtatapos na sa hayskul kundi sa rason din na siya ay pangalawa sa may pinakamataas na marka ng paaralan.
Puno ang auditorium ng estudyante at mga faculty na pinapalakpakan ang kaniyang tagumpay. Karamihan sa kanila ay alam ang pinagdaanan ni Ligaya. Halata sa kani-kanilang mga mata ang galak na si Ligaya ngayon ay nasa harapan nilang lahat na masaya.
Isang kuha ng larawan nila ang nagsilbing alaala sa araw na ito. Bagay na ipinagpapasalamat ng buong pamilya.
Ilang araw ang lumipas, nagsikap si Ligaya na mag-aral ng maigi para sa kaniyang paparating na exam sa kolehiyo. Hindi pa niya na-su-suri ang scholarship na iniabot sa kaniya ng ama ngunit sigurado naman siyang susunggaban niya ang pagkakataong iyon.
Hindi kalayuan sa bahay nila Ligaya, ay may isang puno ng kahoy na katabi niya sa kaniyang pag-aaral. Naging sandalan iyon ng kanilang pamilya, at doon sila madalas kumakain no'ng hindi pa pumanaw ang kanilang ina.
Habang nagsusulat si Ligaya sa kaniyang kuwaderno ng importanteng tatandaan sa pagsusulit, ay nahagip ng kaniyang mga mata ang relong bigay sa kaniya ng ina.
Isa itong silver wristwatch at hindi gano'n ka-mahal ang presyo, ngunit napaka-expensive kung titingnan.
Napangiti si Ligaya. Hinawakan niya ito ng ayos upang tingnan kung ano'ng oras na.
"Tulungan mo po ako sa exam, Ma ha," kausap ni Ligaya sa relo, inaalala ang kaniyang ina. Bahagya siyang ngumiti at tumingin sa kalangitan, "Gagawin ko po ang lahat para matupad ko ang mga pangarap natin..."
Dumating ang araw na hinihintay ni Ligaya. Kinakabahan siya pero hindi niya na lamang ito pinansin pa. Ngayon ay suot-suot niya ang natatangi niyang panlakad kung saan hindi siya magmumukhang basahan.
Maayos at presentable ang kaniyang porma at nakalugay din ang kaniyang makikintab na buhok.
Dala-dala niya ang brown envelope na may lamang lapis at ballpen. Naglalakad lamang siya sa hallway nang bigla siyang binangga ng grupo ng mga babaeng naglalakad.
Nilagpasan lamang siya ng mga ito na parang hangin at hindi man lang siya nilingon pa. Nabigla si Ligaya sa kinilos nilang iyon pero hindi niya na lamang ito inalintana. Wala naman din siyang mapapala kung makikipag-away siya sa unang araw niya rito sa unibersidad na nais niyang pasukan.
I-k-in-alma niya na lamang ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim. At ngumiti. Hindi niya gustong sirain ang araw na ito para sa kaniya.
Bachelor of Arts in English Language, Major in English Language Studies as Discipline.
Iyan ang kurso ni Ligaya sapagkat nais niyang maging isang abogado pagdating ng panahon.
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Genç KurguLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...