CHAPTER XV

0 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XV

Nakatulala si Ligaya buong araw sa klase. Hindi siya nag-pa-participate, hindi siya umiimik, ni wala siyang kinakausap maging si Nathaniel na busy din. Nasa paaralan nga siya pero lumilipad naman ang utak niya sa hospital kung saan nakaratay pa rin ang kaniyang kapatid, at sa iisipin kung nakahanap na ba ng pera ang kaniyang ama. Inisip niya ang kaniyang mga ipon, ang mga gamit na kailangan niyang bilhin para sa school, siguro gagamitin niya na lang muna ang pera para niyon ng madagdagan naman ang ipambabayad nila sa ospital.

Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin nakakalabas si Sinta. Mayroon na namang dagdag sa kanilang hospital bills. Mahigpit din kasing sinabi ng doktor na hindi pa advisable bumalik si Sinta sa bahay lalo na't sobrang hina ng katawan nito.

"Woi!" siko ni Nathaniel sa kaniya. Inabot nito ang ice cream na kaniyang binili. Nasa court ulit sila para manood ng volleyball rehearsals. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan eh."

"H-ha? Ah... O-oo naman... A-ayos lang ako..."

Napakunot ang noo ni Nathaniel. Pakiramdam niya ay may pinagdadaanan si Ligaya. "May problema ka eh," sabi niya.

Tiningnan naman ni Ligaya si Nathaniel at ngumiti na para bang wala siyang dinadalang problema. "Pa'no mo naman nasabi 'yan ha?"

"Kasi 'yang mukha mo, tumutulis na kakatulala mo diyan."

"Sus, inaantok lang ako. Alam mo naman, kailangang kumayod."

"Gumagawa ka pa rin ba ng assignments?" sinsero niyang tanong sa kaibigan. Tumango naman si Ligaya saka kumain ng ice cream.

"Huwag mong pinapagod ng husto ang sarili mo. Hindi 'yon makabubuti sa kalusugan mo."

"Salamat..."

Natahimik silang dalawa at pinanood ang walang tapong pag-s'spike ng mga balibolista. "Gusto ko sumali sa mga ganito..." saad ni Nathaniel.

"Ba't 'di mo subukan?"

"Ay naku, baka mapatili lang ako 'no, at malaman ng parents ko na masamang pader ako..."

"Ano'ng masamang pader?"

"Bad-dingding." Natawa na lang silang dalawa pareho. "Pero mas maganda pakinggan ang a budding flower."

"Sira talaga ulo mo, kahit kailan..."

"But in fairness, I'm getting more confident na rin, thanks to you. Siguro next step ko ay aminin ko na sa kanila kung ano talaga ako. After all, we won't get what we really want if we don't stand and speak up for it, hindi ba?"

Nginitian ni Ligaya si Nathaniel, "Look at you Emman Nathaniel Escudero... All grown up!" Proud na proud ang mga mata ni Ligaya para sa kaibigan, kahit nakakubli dito ang kalungkutan dahil sa kaniyang pinagdadaanan ay sinisikap niyang huwag itong ipakita kay Nathaniel dahil ayaw niya na rin makaabala pa. 

Siguro, may mga tao talagang sobrang galing magtago ng problema na kahit sa mga mata nila, hindi mo mababasa kung gaano kabigat ang kanilang dinadala, at gano'n si Ligaya, gano'n na gano'n siya.

Tahimik na nag-aaral si Ligaya sa bahay nila nang mag-isa. Halos walang oras na hindi siya humihinga ng malalim para lang gumaan ang pakiramdam niya. Isang katok mula sa labas ang nagpukaw ng kaniyang atensyon kaya kaagad siyang tumayo at binuksan ang kanilang pinto.

"Aling Tasha..." May pagkabigla ang boses ni Ligaya dahil si Aling Tasha ay mula sa bayan pa at tiyak importante ang sadya nito para dumayo ito sa kanila ng nag-iisa. "N-napadalaw po kayo?"

"Hija! Magandang umaga sa'yo 'no... Hindi ako napadalaw sa'yo, dahil nandito ako para singilin ang tatay mo sa utang niya sa akin..."

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Aling Tasha. "Ilang petsa na ring nakaimbak ang utang niyang iyon sa'kin at hindi pa siya nakakapagbayad! Aba hindi p'wedeng utang ng utang, dapat may bayad bayad din!"

"Ah eh, kasi ho Aling Tasha... W-wala pa ho kasi kaming pera ngayon... Na-ospital po kasi ang kapatid kong si Sinta at nandoon po si Papa... H-hindi naman po niya tatakbuhan ang utang niya sa inyo, utang po namin..."

"Hija!" Namaypay ang ale. "Alam kong hindi tatakbo ang Papa mo, pero ang pera kailangan ko 'yon. Hindi naman ibig sabihin ay ako ang laging magpapasensya sa inyo ng tatay mo..."

Napalunok si Ligaya. Hindi niya alam kung ano pa ba'ng dahilan na sasabihin niya eh wala naman na talaga silang pera pambayad ng utang ng ama niya kay Tasha.

Napansin naman ni Tasha ang relong suot ni Ligaya. "Hmm... Maganda ang relong suot mo..."

Tinakpan ito ni Ligaya at saka tiningnan si Tasha. "Bigay po ito ng yumao kong ina."

Ngumiti si Tasha pero kaagad din naman iyong napawi. "How sweet. Bueno! 'Yan na lamang ang ibigay mo sa'kin."

"Ho?"

"Tama ang narinig mo, hija. Hindi ko na kailangan na ulitin pa ang sarili ko. Iyang relo mo ang paunang bayad sa utang sa'kin ng ama mo... Ano naman ang inaasahan mong kunin ko? Itong bahay ninyong nabubulok na? Maganda rin sana ang lupa pero hindi ikaw ang dapat kong kausapin doon. Kaya magmadali ka ng hubarin 'yang relo mo..."

"Pero Aling Tasha..."

"Hija, simpleng bagay lamang ang hinihingi ko sa'yo ha. Para maintindihan mo, iyan ang paunang bayad ng tatay mo sa singkwenta mil niyang utang sa'kin... Singkwenta mil!" Nag-gesture pa si Tasha sa kamay niya. "Dahil wala kayong cash! Nagmamagandang-loob na nga lang ako... Tsk-tsk, hindi mo naman siguro gusto na sa korte pa natin ayusin ito, hindi ba?"

Napalunok si Ligaya. Alagang-alaga sa kaniya ang relong ito dahil mayroon itong halaga sa kaniya, regalo ito sa kaniya ng ina at ito na lang ang tanging alaala niya rito pero ayaw naman niyang madagdaga pa ang problema nila kaya kahit labag man sa loob niya ay binigay niya ang relo sa ale. Sobrang bigat ng pakiramdam ngayon ni Ligaya at nang umalis ang ale ay hindi na nga niya napigilang maluha.

Mag-isa lang si Ligaya sa classroom. Lunchtime ngayon at hindi na rin siya nag-abala pang pumunta sa cafeteria dahil may baon naman siya. Tapos na siyang kumain at pinag-iisipan na niya kung ano ba ang mga hakbang na dapat niyang gawin para kay Sinta.

Payapa lamang siyang nag-pa-plano nang bigla siyang ginulo ng grupo ni Chloe.

"Wait? Do you smell what I'm smelling?" hirit kaagad ni Ria. "Eww, amoy... sardinas!" Tumawa pa siya ng husto. "No wonder why you stink, stupid! Kasi 'yong mga kinakain mo, basura."

"Look at her, sardinas na naman siguro ang kinakain. You probably never even tasted real food. So cheap!" sulsol naman ni Ariana.

"You know what, you better not bring your trashy foods to the cafeteria. Kasi baka, magdala ka lang ng bacteria roon! Ganiyan ka na ba kahirap at hindi mo kayang palitan ang ulam mo isang beses man lang?! Pathetic!"

They pick on Ligaya's shoulder. Pinagtatawanan nila ito pero nakayuko lang si Ligaya dahil ayaw niya ng gulo. Naniniwala siyang mapapagod din ang mga ito kaka-aksaya ng mga oras nila sa kaniya. Naniniwala si Ligaya na hinding-hindi niya papatulan ang mga nam-bu-bully sa kaniya hangga't hindi naman siya pinipisikal ng mga ito. Hangga't kaya niya naman tiisin ang sinasabi ng mga ito, tatanggapin niya 'yon, basta wala siyang ginagawang masama sa mga ito.

FRAGMENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon