TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XI
Naglalakad si Ligaya pabalik sa library para isauli ang mga librong hiniram niya. Hindi pa man siya nakakarating ay may humarang na sa kaniyang grupo ng kalalakihan na binubuo ng tatlong tao.
Natigil si Ligaya dahil hinarangan siya nito. Nagkataon namang wala masyadong tao dahil abala ang mga estudyante ngayon sa kani-kanilang mga klase.
"Nasaan 'yong video?"
Inirapan lamang ni Ligaya ang tanong ni Liam Fuentes, ang lider ng bully ni Nathaniel. Hindi siya umimik at umiwas kaagad siya kay Liam pero hinablot nito ang kamay niya.
"Ano ba?!" Hindi na niya napigilan at nasigawan niya ito.
"Ibigay mo sa'min 'yong video."
Napasinghal si Ligaya. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil 'pag hindi mo ginawa 'yon, hindi ka namin titigilan hangga't hindi ka napapaalis sa university na 'to." Mariin ang banta ni Liam sa kaniya.
Nagtagisan silang dalawa ng tingin. "Walang video." Pag-amin ni Ligaya. "D-in-elete ko na dahil tinigilan niyo naman na si Nathan."
"Nathan?" Napapaisip pa si Liam habang hinahawakan ang baba niya. "Oh, I see... So you both are close huh?"
"Tss. Ano naman sa'yo?"
"Pumapalag ka?" Mayabang ang tono ng boses ni Liam habang sinusundot niya ang ulo ni Ligaya. Nagtitimpi si Ligaya dahil ayaw niyang magkaroon ng bad record sa college nila. Kumukulo na ang dugo niya at gusto na niyang patulan ang mga ito pero wala siyang magawa.
Matalim niya itong tinitigan at sasampalin na sana siya nito ngunit pinigilan siya ng kaniyang kasama. "Pare huwag, may mga taong makakakita." Paalala nito sa kaniya.
"Tss! Mas'werte ka... Pero hindi magtatagal 'yang s'werte mong 'yan. You put this on yourself dumbass!"
Dumura pa sa harap niya si Liam. Senyales ng pagiging bastos nito. Nakahinga naman ng maluwag si Ligaya. Napalunok siya at nagkuyom ng kamao. Hindi niya alam kung magwawala ba siya sa galit pero nagpupuyos siya sa inis dahil sa mga kilos ng mga lalakeng 'yon. Naturingang nasa college na pero wala pa ring modo.
Tinatapos ni Ligaya ang kaniyang research introduction dahil hindi niya ito nagawa kaagad dulot ng sinasagutan niya ang mga kaklase niyang nagbabayad sa kaniya.
Nasa labas siya ng cafeteria at may table doon na nasisilungan ng puno ng langka. Sinusulat niya ang mga statement niya tungkol sa kaniyang study at saka na niya ito pupunan ng mga supporting evidence. Nilalagyan niya na lamang ito ng note.
Hindi niya kasama si Nathaniel dahil busy ito sa organization kasi siya ang president. Mula nang makilala ni Nathaniel si Ligaya ay nagsisimula na itong tumindig para sa kaniyang sarili. Iyon nga lang, ay lalake ang tingin sa kaniya ng lahat at tanging 'yong bullies niya lang at ang pamilya ni Ligaya ang nakakaalam ng sexual orientation niya.
Muntik nang mapasigaw si Ligaya sa gulat dahil sa librong binagsak ni Chloe sa harapan niya. Tiningnan niya ito dahil hindi niya maintindihan kunyg bakit niya iyon ginawa. "Hindi mo ba nakikita?" Tumingin ito sa libro na hawak-hawak niya.
BINABASA MO ANG
FRAGMENTS
Novela JuvenilLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...