Epilogue (part two)

2.5K 103 1K
                                    

Epilogue (part two)

“Paano kung mag-away tayo, Ziljian?” tanong ni Shara. “Mas malala, na tipong hindi na tayo magkaintindihang dalawa?”

“Pilit pa rin kitang iintindihin.” I cupped her face. “Kahit pa sobrang labo na, na nagagawa mo na ‘kong saktan. Wala ‘kong pakialam. Gagawin ko ang lahat para lang magkaayos tayo…”

Hindi ko iniisip na mangyayari iyon. Gagawin ko naman ang lahat para hindi kami mag-away ni Shara. Hindi ko gagawin ang mga bagay na alam kong ayaw niya.

Hindi ko na kailangang tanungin mismo sa kanya kung ano ang mga bagay na hindi niya gusto. Kaya ko naman makiramdam. Kaya ko siyang intindihin. Kayang-kaya ko siyang tanggapin sa lahat.

Wala rin akong balak na saktan ang babaeng mapapangasawa ko. Alam kong mabilis; may proseso pa dapat kaming pagdaraanan. Na dapat ay maging girlfriend ko muna si Shara bago kami magpakasal.

Sa halip na magsimula ako sa pagbibigay ng bulaklak; singsing agad ang ibinigay ko sa kanya.

Bakit kailangan ko pa na patagalin? Kung sigurado na ako na si Shara ang babaeng pakakasalan ko. Siyang lang ang ihaharap ko sa altar.

Hindi ko na makita pa ang sarili ko na ibang babae ang uuwian ko. Kahit pa bumalik si Amalia; si Shara lang ang palaging pipiliin ko.

“Viah? Ziljian?” Narinig namin ang boses ni Ate Marie kaya mabilis akong tumigil sa paghalik sa leeg ni Shara. “Nandito na si Sir Weiz, kararating niya lang…”

Ngayon na namin balak sabihin kay Weiz ang tungkol sa pagpapakasal namin. Alam kong kinakabahan ang fiancée ko. Pilit kong pinakalma si Shara kahit na hindi rin ako mapakali.

Baka kung ano pa ang isipin sa akin ni Weiz. Pinatuloy niya ako sa bahay niya, pero wala sa usapan namin ang patulan ko ang kapatid niya. Nagtiwala pa naman siya sa akin kaya baka siya pa ang unang tumutol sa pagpapakasal namin ni Shara.

Tulad nga ng inaasahan namin ni Shara; nagulat si Weiz nang malaman ang plano namin na magpakasal. Mauunahan pa namin sila ni Franzine. Ngayong taon ko na rin balak pakasalan si Shara. Hindi ko na patatagalin pa.

“Alam ko na ang posibleng mangyari no’ng una pa lang na pinatira kita rito sa bahay,” biglang sabi ni Weiz.

Naiwan si Shara sa loob ng bahay. Nasa labas naman kami ni Weiz dahil gusto niya akong kausapin. Siguradong nagdududa siya kung seryoso ba talaga ako sa kapatid niya.

“Mangyari ang ano?”

Nilingon niya ako. “Na baka mahulog sa ‘yo ang kapatid ko. Ikaw lang ang palaging nakakasama niya.”

“Mahal ko ang kapatid mo,” seryoso kong sambit. “Kung hindi ka papayag sa kasal namin, ipaglalaban ko siya.”

“Sino ba ang nagsabi na tututol ako sa kasal n’yo?” Mahina niyang tinapik ang balikat ko. “Sa tingin mo ba na magagawa kong iwanan sa tabi mo ang kapatid ko kung wala akong tiwala sa ‘yo?”

Hindi ko maalis ang tingin kay Weiz. Akala ko talaga ay tututol siya sa kasal namin. Hindi niya lang masabi iyon kanina dahil ayaw niyang masaktan ang kapatid niya.

“Kung hindi papayag sina Mom at Dad sa plano n’yo na magpakasal,” pagpapatuloy niya. “Ipaglalaban ko kayong dalawa…”

Suportado si Weiz sa amin ni Shara. Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay niya sa akin. Hindi ko pababayaan ang kapatid niya.

Nagpaplano na rin kami ni Shara sa kasal namin. Nalaman na ni Mama ang tungkol sa pagpapakasal ko. Naikukuwento ko kasi sa kanya si Shara. Alam niya na may nakakasama akong babae.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon