Chapter 70

62.5K 968 83
                                        

CHAPTER SEVENTY
IN GOD's TIME

★HOPE RYKER LEE★

NAKAHIGA pa rin si Elisse sa hospital bed, habang nakaupo naman ako sa gilid niya, feeling utterly helpless. Wala nang tao sa kuwarto dahil sinadya nila kaming iwanan para makapag-usap, lalo nang malaman nila Mom na hindi ko pala alam ang tungkol sa pagbubuntis ni Elisse. None of us had. We only found out now, now that our baby was already gone.

One month. She'd been carrying our child for a month, pero wala akong kalam-alam. Kung hindi pa nawala, hindi pa namin malalaman. And that's what cuts the deepest. Na ang unang sandali ko bilang ama ay ipagluksa ang anak kong hindi ko man lang naprotektahan. Bago ko malaman na nand'yan siya, 'yong pagkawala niya ang sumalubong sa 'kin. T*ngina. Walang kasing sakit. Parang love story na hindi pa man nagsisimula... natapos agad.

The weight of that realization felt like a punch to the chest, a pain that burrowed deep, leaving me feeling hollow and drained. Tiningnan ko si Elisse, mugto ang mga mata niya dahil kagagaling sa pag-iyak. Inabot ko ang isa niyang kamay at bahagya 'yon pinisil, hoping to offer even a shred of comfort, though I felt as lost as she did.

This was the first time I'd ever seen her like this—stripped of the strength and bravery she wore every day. At naiintindihan ko ang nararamdaman niya. The pain in her eyes mirrored the ache in my own chest, an ache that wouldn't let up.

We had lost something so precious before we'd even had the chance to hold it, to dream together about the future that could have been. It felt like a cruel twist of fate, having to mourn a life we'd only just discovered, a life that was already gone.

"Kailan mo pa nalaman na buntis ka?" malumanay kong tanong sa kaniya.

Yumuko siya nang bahagya at nagpakawala ng hangin bago nagkwento kung kailan niya nalaman at kung kailan niya pinlanong sabihin dapat sa 'kin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Noong first anniversary namin. At habang kinukuwento niya 'yon, halatang nagpipigil na naman siya ng emosyon.

Hindi ko rin naiwasang sisihin ang sarili ko dahil kung hindi ko siya inalok ng divorce no'ng oras na 'yon, siguradong nagawa niyang sabihin sa 'kin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nagawa ko sana siyang bantayan at protektahan sa lahat ng oras. Hindi sana 'to nangyari. Mabubuhay siguro ang anak namin at maisisilang niya sa mundo. Magagawa ko sanang iparanas sa kaniya lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kaniya. Pero huli na. Now, all I have is the empty space where those dreams should have been, a painful reminder of the life that almost was, but never could be.

Ilang sandali pa, may kumatok sa pinto ng kwarto, kasunod ang pagbukas 'non. Pumasok si Mom at Dad. Dahil may mahabang upuan sa gilid ng kuwarto, doon sila pumuwesto, pero nasa amin ang tingin nila. Una nilang ibinalita sa 'min na nahuli na raw si Mr. Garcia, maging ang dalawang lalaking nasa lumang warehouse na tauhan nito ay hawak na ng batas.

"Si Ella at Edward?" tanong ko. Alam kong 'yon din ang isa sa gustong malaman ni Elisse ngayon.

"They're safe. Natagpuan sila sa bahay ni Mr. Garcia. Doon sila itinago." Si Mom.

Naramdaman ko ang pagpapakawala ni Elisse ng hangin, para siyang nakahinga nang maluwag nang malamang ligtas na ang dalawa.

Saglit na katahimikan pa ang namagitan sa amin bago nagsalita si Dad. "Ipagpasa-Diyos n'yo na lang. Hindi lang sa inyo masakit ang nangyari. Pati rin sa 'min. Pero isipin n'yo na lang na may dahilan kaya 'yon nangyari. P'wedeng... baka hindi pa panahon... o baka hindi pa para sa inyo 'yon. Kasi kung para sa inyo... hindi 'yon mawawala."

Tumigil siya saglit at sinulyapan si Mom bago ibinalik sa amin ang tingin. "Baka kailangan n'yo munang ayusin ang samahan n'yong dalawa bilang mag-asawa. Kailangan n'yo muna sigurong mas patatagin pa at patibayin ang pagmamahalan n'yo."

Pareho kaming napayuko ni Elisse, magkahawak pa rin kami ng kamay at nakikinig lang sa mga sinasabi ni Dad.

"Sometimes, life's challenges are opportunities to strengthen the foundation of your relationships and yourself. Imbes na magtanong kayo kung bakit nagkaganito at kung bakit sa inyo nangyari ang ganitong bagay, try to focus on healing together. Take time to communicate openly, support one another, and rebuild trust and closeness. Consider this time as a moment to solidify the love you share, to ensure that you're ready—both as individuals and as partners—for whatever the future may hold."

He paused, letting his words sink in before continuing. "Tandaan n'yo, hindi lahat ng pagkawala ay nangangahulugang pagwawakas. Minsan, 'yon ang pasimula. Kaya patatagin n'yo ang isa't-isa. Isipin n'yo na lang na kaya nawala ang anghel n'yo, dahil hindi pa siya para sa inyo. Para siya sa Diyos. At kaya N'ya kinuha dahil may ibibigay S'yang mas higit pa sa gusto n'yo. Something beyond what you'd imagined."

Dad's words were gentle but hit deeply, speaking to both the pain and the hope hidden in this loss. It was like he could see the ache we both felt, but he reminded us that there was still a future to build together, stronger and more connected than before.

"Malay n'yo lima pala ang kapalit." Napalingon kami nang magsalita si Love Andrei, nakasilip siya sa pinto. He stepped inside, with Faith following close behind, then Summer and Sugarpop right after.

"That's right." Si Summer. "Kaya 'wag na kayong malungkot. Isasama na lang namin kayo lagi sa prayers namin na sana sa susunod na magbuntis si Ate Elisse, lima na. Then you'll be making up for this loss in a big way."

"Lima?" Sugarpop blinked, turning her wide, innocent eyes on Summer. "Limang Hope? E, 'di ang sakit 'non sa ulo? Kawawa naman si Ate Elisse..."

Anak nang!

Natatawang nakipag-high five si Summer kay Sugarpop. "Iba talaga kapag alagang Summer." She patted Poppy's shoulder proudly, as if they'd just scored some grand victory in roasting me.

Lahat sila ay nagpigil ng tawa dahil sa naging komento ni Sugarpop. Maging ako na nagmo-moment, hindi napigilang mapangiti. Pero buti na lang naisip 'yon ni Popsicle. Kahit papa'no, at kahit saglit, naging magaan ang pakiramdam ng paligid namin.

~

Salamat sa mga nagmahal kay Hopia. Malapit na itong matapos, alam kong mami-miss n'yo siya, pero huwag kayong mag-alala naroon naman siya (sila) sa story ni Love Andrei, nanggugulo. HAHAHAHA.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon