One year and four months later
The clinic's waiting room buzzed with quiet chatter, pero parang ako lang yata ang hindi mapakali. My leg kept bouncing, and I couldn't help it. Ikalawang check-up na ito ni Elisse mula nang malaman naming buntis uli siya, and my excitement was through the roof. Lalo na at ang tagal bago uli siya mabuntis.
Ilang beses naming sinubukan noon. Matapos kaming ikasal, pinlano naming mag-aanak na kami uli, pero naging mailap sa amin ang kapalaran. Sa tuwing ma-de-delay ang period niya, inaakala naming buntis siya. Pero sa bawat pregnancy test, negative ang lumalabas.
Tandang-tanda ko pa nga ang pang-aasar sa 'kin ni Love Andrei no'ng sinabi niyang; "Bulok na 'yang itlog mo kaya hindi ka na makabuo."
Gago talaga 'yon.
Pero siyempre, hindi sumuko si Longlong at si Moymoy. Lumaban kami para patunayang walang bulok sa amin. Hanggang sa... ito na. Makalipas ang isang taon at dalawang buwan, dalawang pulang guhit na ang lumabas sa pregnancy test ni Elisse. Habang tumatalon ako noon at tuma-tumbling sa tuwa, si Elisse naman umiiyak. Tears of joy dahil ang tagal namin 'yon hinintay.
Kaya ngayong ikalawang checkup niya, mas tense pa ako sa kaniya. Naghalo sa 'kin ang nerbyos at excitement.
Nang balingan ko ang asawa ko, chill lang siyang nanonood ng reels sa cell phone niya. Paano niya nagagawang maging ganito kapanatag? Samantalang ako, nanlalamig mga palad ko gayong hindi naman ako ang isasalang sa ultrasound.
Okay, Hope, chill.
Pero ang hirap-lalo na't eto na, tinawag na kami ni Dra. Santos.
I practically jumped out of my seat, guiding Elisse as she settled onto the exam table. Dra. Santos greeted us with a warm smile, but I could tell she was focused, especially habang inaaral niya ang screen nang magsimula ang ultrasound.
Nang makita kong nagsalubong ang kilay ni doktora at bahagyang tumagilid ang ulo habang nakatitig sa screen, lalo akong kinabahan.
"Hmm..." Dra. Santos muttered.
Hindi ako nakatiis. Sumilip ako sa screen, feeling my own brows knit together as I tried to understand.
"What is it, Doc? May problema ba sa anak ko?" tanong ko. Kakaiba kasi ang pagsalubong ng mga kilay niya. Nakaka-tense dahil... pa'no kung sabihin niyang wala na ang anak namin? Masyadong masakit ang unang pagkakakunan ni Elisse at para akong na-trauma. 'Yon ang dahilan kaya sa tuwing pupunta kami rito sa clinic, hindi ko maiwasang kabahan.
Napalunok si Elisse, her eyes anxious. "Is something wrong, Doc?"
Bumaling si Dra. Santos sa asawa ko at sa 'kin, napangiti siya at umiling, kasunod ang pagturo niya sa screen. "Not wrong... just unexpected. There's... more than one heartbeat."
Parang tumigil ang mundo ko. Napatulala ako, tahimik at pakurap-kurap. More than... one? So, dalawang babies? Twins!
Nang balingan ko ang asawa ko, namumulagat ang mga mata niya, halatang hindi rin makapaniwala sa sinabi ng OB-GYNE niya.
"More than... o-one?" She looked like she was already calculating how hard it would be to push out two babies.
Pero bago pa man uli makapag-react ang isa sa amin ni Elisse, natawa nang bahagya si Doktora, her eyes dancing. "Actually, there are... five heartbeats. Congratulations, you're having quintuplets!"
Lalong namulagat ang mga mata ng asawa ko, habang ako naman ay muling natulala bago nag-sink in sa 'kin ang huling sinabi ni Doktora.
Five heartbeats?
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
