Ikatlong persona
Nang ikumpas ni Scarlett ang kaniyang mahiwagang patpat ay nagliwanag ang buong paligid at dinala silang dalawa sa panahong kanilang tunay na kinalalagyan.
" Ngayong nasa akin kana hindi kana muling mapapasakaniya, Dahil nang oras na pumayag ka sa gusto ko... nakakulong kana sa piling ko."
Wika ni Scarlett sa natutulog na si Ravin.
" Wala kang maaalala na kahit na ano tungkol sa prinsesa at lalong lalo na ang pagtingin mo sa kaniya... Tayong dalawa ang magkakasama at ako lang ang mamahalin mo Ravin." Hinaplos pa nito ang mukha ni Ravin at ngumiti.
Ginamitan ng mahika ni Scarlett ang natutulog na si Ravin dahil ang balak nito ay makalimutan lahat ng tungkol sa kanila ng prinsesa at lahat ng nangyari sa kaniya noong naroon pa siya sa palasyo, at lalong lalo na ang pagiging hari nito.
" Maguumpisa tayo nang ako ang mahal mo Kamahalan... at sisiguraduhin kong tayo nang dalawa hanggang sa kamatayan..." Bawat salitang binigkas nito ay tila bang nababaliw na dahil sa sobra nitong pagmamahal ka Ravin.
***
Snow
" Ravin!? "
Napabalikwas ako ng gising sa hindi ko malamang dahilan.
" Kamahalan? anong problema at sumigaw ka? "
Napatingin ako sa may pintuan ng aking kwarto dahil pumasok ang aking tagapaglingkod.
Umayos ako ng upo at tumingin dito.
" Nagkaroon lamang ako ng masamang panaginip..."
" Sandali kamahalan... Bakit po kayo umiiyak?"
Ha?
Dali kong hinawakan ang pisnge ko. Oo nga bakit ako umiiyak?
" H-hindi ko alam..." Bakit parang may kung ano sa puso ko ang masakit. Ano ito?
" Kamahalan may masakit po ba sa inyo? ano pong nararamdaman niyo? " Tarantang tanong ng tagapaglingkod ko at daling lumapit sa kinaroroonan ko.
Bakit ako ganito? hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko.
" Hindi ko alam pero- Bakit parang sumisikip ang dibdib ko? " Hindi ko na lang namalayan na naiiyak na ako.
" Kamahalan, gusto niyo po ba ipagatawag ko ang manggagamot? Mukhang hindi po maayos ang pakiramdam niyo.." Mungkahi nang aking tagapaglinggo.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kung anong nawala sa akin.
" Hindi na... Ayos lamang ako.."
" Baka ho dahil ito sa darating na pagkikita niyo nang mapapang- asawa niyo kamahalan? Dahil batid kong ayaw niyo pang ikasal at lalong ayaw niyong matali sa isang tao na hindi niyo naman mahal.."
Tama siya, ayokong ikasal sa taong hindi ko naman mahal.
" Marahil don siguro ako naiiyak, dahil ipinipilit ni ama ang kaniyang gusto kaysa sa gusto ko.." Lagi na lang siyang nasusunod.
" Iyan din po ang mahirap kapag isa kang prinsesa, maraming limitasyon at maraming bawal..." Napatingin ako dito.
" Tama ka... " Ito ang pinakamahirap na parte sa pagiging isang maharlika.
" Aalis na po ako kamahalan at magpahinga na ulit kayo dahil bukas nang gabi ay makikilala niyo na ang mapapangasawa niyo.." Ngiti pa nito at yumuko sa akin at umalis na nang aking kwarto.
Akoy humiga ulit at nakatingin na ngayon sa kisame, at ilang saglit lamang ay dinatnan na ulit ako nang antok at ipinikit na ang aking mga mata.
***
" Nasasabik ka na ba na makilala ang iyong mapapangasawa anak? " Masayang tanong ni Ama.
Hindi po ama.
Iyan iyong salita na gusto kong sabihin sa kaniya ngayon pero hindi ko kaya.
" Opo Ama.." Binigyan ko siya nang matamis na ngiti.
" Alam ko na mapupunta ka sa taong mamahalin ka at aalagaan ka anak, kaya huwag kang magalala.." Tipid akong ngumiti kay Ama.
Ngayong gabi nga ay makikilala ko na ang taong ipapakasal sa akin nang aking ama, ito ang unang araw na makikilala ko ito at wala akong ideya kung saang pamilya siya galing.
" Kamahalan nandito na ang mga bisita.." Wika nang isa sa mga kawal namin dito sa palasyo.
Nandito kami ngayon sa bulwagan at hinihintay ang mga panauhin ni Ama.
" Nandito na sila.." Wika Ni Ama at nakikita ko na din ang mga ito na papalapit sa direksyon namin.
Tatlo sila sa tingin ko ay iyong babae at lalaki na nasa kanan ay magasawa at iyong nasa kaliwa naman na lalaki ay marahil ito ang kanilang anak.
" Magandang gabi kamahalan.." Bati nang lalaki na medyo magkasing edad lamang nang aking Amang Hari.
" Maganding gabi din sayo Ministro.." Bati naman ni Ama pabalik sa Ministro.
Hindi ko akalain na si Ministro Juarez ang tinutukoy na pamilya ni Ama.
" Magandang gabi kamahalan.." Bati din nang asawa ni Ministro.
Tumango kaming dalawa ni ama at bumati pabalik sa asawa ni Ministro.
" Magandang gabi kamahalan, prinsesa.." Napatingin kami ni Ama sa gawi nang anak nila Ministro.
" Magandang gabi din hijo.." Wika ni ama dito.
' Anak hindi mo ba babatiin ang mahal na prinsesa?'
Sandali? Bakit? Parang-
' Magandang gabi mahal na prinsesa..'
Napailing ako dahil sa diko malamang dahilan ay may biglang sumagi sa isip ko.
" Anak ayos ka lang ba? " Napatingin na sa akin si ama.
Pati na din sina Ministro at ang pamilya nito.
' Snow...'
Ano itong nangyayari sa akin?
___
Short update 🤣 sorry na agad ha haha, wala na akong maisip sa lagay kong ito.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
RomancePag-ibig na nagsimula sa isang pagkamuhi at pagkadisgusto ay mauuwi ba sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig? O magiging isa lamang itong isang masalimuot na tagpo? Isang anak ng heneral na ipinagkasundo sa anak ng isang hari. At ang prinsesang...
