Apat na pu't Isa

315 26 3
                                        




Snow



" Anak ayos ka lang ba? bakit parang wala ka sa sarili mo?" Tanong sa akin ni Ama.


Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon, Wari koy bumalik ako sa nakaraan. Ngunit papaano?


" Anak saan ka pupunta?!" Hindi ko na pinansin pa si Ama.


Dali akong tumayo at lumabas ng aking silid at nagtungo sa aming silid ni Ravin.


Wala? Lahat nang mga gamit namin doon ay wala nilibot ko pa ang katabing silid nagbabakasakaling nandoon si Ravin.


" Anak! ano bang nangyayari sayo?" Hingal akong humarap kay ama.


" Nasaan po si Ravin ama? bakit wala siya sa aming silid?"


Nakita ko naman ang pagkunot nang noo ni ama.


" Sino ang iyong tinutukoy anak? "

" Si Ravin! ang asawa ko!"


" Ano bang sinasabi mo anak wala ka pang asawa.."


" Pero- "


" May sakit kaba anak? ano ang iyong nararamdaman? nauntog ba ang iyong ulo? magsabi ka sa akin!" Alalang tanong ni ama.


Matagal kong pinagmasdan ang wangis ng kaniyang mukha. Naalala ko namatay sa malubhang sakit si ama noon.


Hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinagmasdan ito kung siya ba talaga ang nasa aking harapan.


" A- ama totoo ba ito? oh isa lamang itong panaginip? Totoo ka?"


Parang ayoko nang magising kung isa man itong panaginip.


" Ano bang sinasabi mo anak? syempre ako ito.."


Hindi. Hindi ito totoo dahil matagal nang patay si Ama.


" Magpadala kayo ng manggagamot dito ngayon din para masuri ang aking anak, wari koy may sakit siya.." Utos ni Ama sa isang kawal.


" Masusunod po kamahalan.." Agad itong umalis at naiwan kami ni Ama.


" Kailangan kong makita si Ravin.." Dali akong tumakbo palabas ng silid upang magtungo sa kaniyang tinitirahan. Sigurado akong nandodoon siya.


" Snow anak! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Ama sa akin pero hindi na ako lumingon pa.


Kailangan kong makita si Ravin, kailangan kong masigurong buhay siya.










Pangatlong Persona




Nagmamadaling umalis si Snow patungo sa tahanan ni Ravin wala na siyang ibang naiisip pa kundi ang minamahal niyang asawa.




Gamit ang kanilang karwahe ay naglakbay si Snow patungo kay Ravin. At habang nasa byahe hindi matanggal sa kaniya ang pagaalala dahil na din sa iniisip niya na napanaginipan nitong humihingi ng tulong ang kaniyang asawa na ang lahat lamang na nakikita nito ay isa lamang malaking ilusyon.


Hindi naman siya nagdalawang isip dahil naaalala niya ang lahat ng nangyari sa kanila noong nawala si Ravin. Ang pagtanggal sa kaniya bilang Reyna at ang tahakang pagpaparusa sa kaniya ni Madeline at pagaakusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa.



Nang makarating si Snow sa tahanan nito ay wala siyang atubiling pumasok dito at ang agad na nakita nito ay ang mga magulang ni Ravin na animoy nagsisimula pa lamang sa hapagkainan.



Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon