Apat na pu

533 30 3
                                        





" Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag kang lalapit sa kahit na sinong binibini?" Matabang na wika ni Scarlett.



" E-eh mahal hindi naman talaga ako lumalapit eh- sila iyon! tanongin mo itong si Roberta!" Agad na siniko ni Ravin ang katabi niyang si Roberta.


Bumaling naman ng tingin dito si Scarlett at naghihintay ng sagot.


" O-oo Scarlett totoo ang sinasabi nitong kaibigan ko hehehe, alam mo naman na lapitin ito eh hehehe.." Nangiwi pang wika ni Roberta dito.



" Ito na ang huli kong paalala sayo Ravin, kapag inulit mo pa ito malalagot kana sa akin." Wika ni Scarlett.


Pagkatapos naman sabihin iyon ni Scarlett ay agad siyang niyakap ni Ravin sa tagilirin nito at agad na hinalikan sa pisnge nito.



" Opo mahal ko hehehe, hindi ko na uulitin.." Ngiti pa ni Ravin dito.


" Mabuti kung ganon.." Wika ni Scarlett at saka hinaplos ang pisnge ni Ravin.


Pareho na silang nakangiti ngayon.



" Pero nakakabahala pa din ang nangyari kanina kaibigan.." Bigla namang nagsalita si Roberta habang magkayakap ang dalawa.




" Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong naman ni Ravin samantalang si Scarlett ay tahimik lamang na nakikinig.


" Bakit umiyak ang mahal na prinsesa kanina habang kausap ka? ako'y nagtataka.." Napaisip pa nitong wika.


Agad namang tumingin si Ravin kay Scarlett.



" Bago ka magalit, wala akong kinalaman kung bakit umiyak ang prinsesa ha? Bigla na nga lang sumulpot iyon eh, hindi namin namalayan ni Roberta .." Agad na depensa sa sarili ni Ravin.



' Isa ka talagang malaking hadlang sa amin kamahalan' Wika ni Scarlett sa kaniyang isipan.


" Mahal?" Tawag pansin ni Ravin dito.


" Naniniwala ako sa sinasabi mo, pero simula ngayon iwasan mong makaharap ang prinsesa oh kung sino mang galing sa palasyo naiinitindihan mo?" May pagbabawal na tono nang boses ni Scarlett.



" Subalit hindi maiiwasan iyon mahal-"


" BASTA GAWIN MO NA LANG!"


Nagulat naman ang dalawa sa pagsigaw nito lalo si Ravin.


" S-sige masusunod.." Utal na wika ni Ravin.


Kita sa mukha ni Scarlett ang panggagalaiti.





***



Snow



" Snow.."

" Mahal ko..."

" Gumising ka..."

" AHH! " Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip.


" Bakit ko siya napanaginipan?"

" Ang boses niya... ang kaniyang mukha, Tila pamilyar sa akin.."


" Kamahalan!? Ayos lamang po ba kayo? bakit kayo sumigaw.." Bigla naman pumasok sa akin silid ang isa sa aking tagapaglingkod na si Lusita.

" Wala ito.."

Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon