" Sigurado bang ayos ka lamang anak?"
Muling tanong sa akin ni Ama.
Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang sumagi sa isip ko ang boses na iyon, hindi ko mawari kung kanino itong boses.
" Ayos lamang ako Ama... " Wika ko na lamang para hindi na magalala pa si ama sa akin.
Tumango na lang si Ama at tumingin sa pamilya ng Ministro na nasa harap namin.
" Tayo nang magtungo sa bulwagan nang pagusapan na natin ang nalalapit nilang pagiisang dibdib.." Wika ni Ama.
Nagtungo nga kaming lahat sa bulwagan at kumakain habang pinaguusapan ang pagiisang dibdib namin nang anak nang ministro.
" Itong panganay kong anak ay nasasabik nang maikasal sa prinsesa kamahalan hehehe, dahil dati pa daw niyang hinahangaan ang mahal na prinsesa.." Wika ni Ministro Juarez.
" Ganon ba? hahaha, hindi ko siya masisisi dahil itong anak ko ang pinakamaganda sa lahat hahaha.." Pagmamayabang naman ni Ama.
Pareho silang tumatawa ngayon.
" Hijo maari ba akong magtanong sa iyo?"
Hindi ko sila pinagtuunan nang pansin sa halip ay nakatutok ako sa aking kinakain.
" Ano po iyon kamahalan? " Rinig kong balik na tanong nung anak ng Ministro na hindi ko na matandaan ang pangalan.
" Nagkaroon kana ba nang nobya noon?" Muling tanong ni Ama.
Ilang minuto bago ito makasagot.
" Ahm, hehehe... Opo kamahalan." Rinig kong sagot nito.
" Agad ko pong hiniwalayan ang nobya ko nang malaman kong ipagkakasundo ako ng aking ama sa prinsesa..."
Nagulat ang lahat sa sinabi nang anak ng Ministro.
" Ano kaba naman bakit kailangan mo pang sabihin ang bagay na iyan sa kamahalan hehe.." Rinig kong bulong nang Ama nito sa kaniya.
" Mukhang hindi nararapat sa akin ang lalaking iyan Ama..."
Napatingin lahat sa akin dahil sa sinabi kong iyon.
" Mahal na prinsesa hindi ganon ang ibig sabihin ng aking anak- "
" Ano kaba naman anak, sinabi na ni Rafael na hiwalay na sila hindi ba? mabuti iyon at walang hadlang sa inyong kasalan..." Biglang wika naman ni Ama.
" Ama ngunit- "
" Tapos na ang diskusyon na ito Snow.."
Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil doon.
Tiningnan ko nang masama ang lalaking nasa harap ko. Umpisa pa lang ay ayaw ko na sa kaniya, may mali akong nararamdaman sa kaniya. Tingin ko hindi ito gagawa nang mabuti.
Nang matapos ang paguusap na iyon ay agad akong nagkulong sa aking silid para na din magpahinga.
Hindi pa din mawalay sa aking isipan ang boses na iyon. Sino ka?
***
Kinabukasan ay pumasok na ako aa paaralan.
" Kamahalan wari koy parang hindi maayos ang naging tulog niyo, nanlalalim kasi ang mga mata niyo.." Wika ni Laura isa sa mga kaibigan ko.
" Tama si Laura kamahalan, hindi kaba nakatulog nang maayos? " Wika naman ni Sera na kaibigan ko din.
Nandito kami ngayon sa garden nang paaralan para magpahinga saglit.
BINABASA MO ANG
Royal Highness
RomancePag-ibig na nagsimula sa isang pagkamuhi at pagkadisgusto ay mauuwi ba sa isang napakagandang kwento ng pag-ibig? O magiging isa lamang itong isang masalimuot na tagpo? Isang anak ng heneral na ipinagkasundo sa anak ng isang hari. At ang prinsesang...
