Ang Wakas

289 25 4
                                        




" Hindi!"




Nang maikumpas ni Scarlett ang kaniyang patpat ay hindi tinamaan ang dalawa sapagkat inilihis ni Tres ang kamay nito.

Napatumba si Tres at Scarlett.


" Patawarin mo ako Scarlett.." Mahinang bigkas ni Tres habang nasa ibabaw siya ni Scarlett.

Dahang tumingin si Scarlett sa ibabang dibdib nito dahil nakita niya ang kamay ni tres na may binaon siya rito. Isang patalim.


Unti unti nang nararamdaman ni Scarlett ang kirot ng pagkatusok nito sa kaniya at nagdulot ito nang paglabas ng dugo sa kaniyang bibig.



" T-tres.." Hirap na wika ni Scarlett dito.

Nahihirapan na itong huminga.

" P-patawad..."

Ayaw man gawin ni Tres ang patayin si Scarlett ay kailangan dahil wala na itong kontrol sa kaniyang sarili. Ito lang ang nakikita niyang paraan para pigilan si Scarlett.


Nagulat naman sina Ravin at Snow sa kanilang nasaksihan.


Habang malapit ng malagutan ng hininga si Scarlett ay tumingin ito kay Ravin na yakap yakap si Snow.



Hindi na nito kaya pang magsalita at sa huli niyang hinanga ay ang kaniyang nakita ay ang kaniyang pinakamamahal. Mulat itong binawian ng buhay.



" Wala na siya.." Mahinang wika ni Tres habang may luhang dumadaloy sa kaniyang pisnge.


" Mahal mo siya Tres.." Wika ni Ravin dahil napansin nito kung paano niya titigan si Scarlett, ganon din niya tingnan si Snow kaya alam niya.


Ngumiti nang mapait si Tres kay Ravin.


" Maraming salamat sa tulong mo Tres, kung hindi dahil sayo hindi kami makakatakas sa kapangyarihan ni Scarlett..."


" Mabuti kang tao.." Dagdag pa ni Ravin.

" Ginagawa ko lang ang tama kamahalan.." Wika ni Tres na may paggalang kay Ravin.


Magsasalita pa sana si Ravin nang biglang lumindol ang paligid. Naalarma ito at daling hinawakan si Snow.

" Tres anong nangyayari?!"

" Bumabalik na sa dati ang lahat kamahalan... lahat ng nangyari dito ay mawawala na dahil namatay na si Scarlett..."

Tumingin si Tres sa dalawa.

" Anong ibig mong sabihin?"

" Ibabalik kita sa panahong aalis ka pa lamang at hindi pa nangyayari ang pagtambang sa iyo ng mga bandido nang sa ganon ay maiwasan mo ang trahedya na mangyayari sayo.."

" Sandali? Huwag mong sabihin isa ka ding?-"

Ngumiti si Tres dito.

Dahil sa ngiting iyon ay naintindihan na din ni Ravin ang ibig sabihin ng ngiting iyon.

" Kaya pala.." Wika ni Ravin.

Itinutok ni Tres ang kaniyang palad kay Ravin at Snow. Unti unti nasaksihan ni Ravin at Snow ang mahikang nanggagaling sa kamay nito.


" Hanggang sa muli nating pagkikita kamahalan.." Huling wika ni Tres at pagkatapos non ay nagliwanag na ang buong paligid.




---




Royal HighnessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon