Chapter 43. Faith - The Scaredy-cat

565 38 11
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

TWO days nilagnat si Poppy kaya dalawang araw ko rin siyang bantay-sarado. Sa loob ng dalawang araw, ako ang nagsilbi sa kaniya. Doon din ako natutulog sa kuwarto niya, naglalatag ako ng comforter sa ibaba. Nakakatukso man ang sinabi niya sa 'kin no'ng isang araw na puwede akong tumabi sa kaniya, hindi ko pa rin ginawa dahil nakakahiya sa kaniya.

Ngayong ikatlong araw, okay na siya. Maghapon ko siyang inobserbahan at pansin kong bumalik na ang dati niyang sigla at maayos na rin siyang nakakakilos sa sarili niya. Ilang beses din siya nagpasalamat sa 'kin dahil sabi niya, noon daw kapag nagkakasakit siya, wala raw nag-aasikaso sa kaniya. Kaya sobrang pasasalamat niya na hindi ko siya iniwan.

Ako sana ang magluluto ng dinner namin ngayon, pero dahil okay na siya, nag-insist siyang siya na lang dahil nahihiya na raw siya sa 'kin sa dalawang araw na ako ang nag-asikaso sa pagkain namin, kabilang na rin ang breakfast at lunch namin kanina. Sinabi kong tutulungan ko siya pero ayaw niya rin, magpahinga na lang daw muna 'ko at siya ang magsisilbi sa 'kin ngayon.

Dahil hindi ko siya mapilit, pumunta muna 'ko sa sala at nag-text kay mommy. Kinumusta ko sila. Ilang sandali pa, imbes na si Mom ang mag-reply sa 'kin, si Hope. Malamang na kay mommy niya rin nakuha 'yong bago kong number.

Hope: "Faithfully! I miss you! Balita ko nagtanan ka raw? 'Langya ka, 'di ka man lang nagpaalam!"

Me: "Gagu. May nagtatanan bang nagpapaalam? Edi hindi n'yo kami pinayagan!"

Hope: "Iuwi mo na rito si Sugarpops. Makasarili ka! Sinosolo mo! Gusto mo sa 'yo lang! Namimiss na namin siya! 'Pag 'di kamo siya umuwi, ipiprito ko na si Chicken. HAHAHA!"

Me: "Subukan mo lang, dadagukan kita pag uwi ko. Mahal na mahal ni Poppy 'yan."

Hope: "Sana all mahal! Haha. Ikaw, mahal ka ba? Boom! Sakit!"

Me: "Ikumusta mo na lang ako kila Mom. Wala 'kong time makipagbardagulan sa 'yo."

Hope: "Balita ko nilagnat si Sugarpops, kumusta na siya? 'Yan na nga ba sinasabi ko. Kulang siya sa happy virus, kaya iuwi mo na rito. Ako lang hinahanap ng kaluluwa niya kaya siya nilagnat."

Imbes na reply-an pa siya, I just ignored him. Binalikan ko si Poppy sa kusina para alamin kung ano na'ng ginagawa niya. I found her still bustling around the stove.

"Poppy," I called out, my voice cutting through the sizzle of the cooking.

She turned abruptly, clearly startled by my voice. Her hand brushed against the hot pan, and she let out a sharp "Ahh!" as the spoon she was holding clattered to the floor.

Nataranta 'ko kaya agad ko siyang nilapitan. "Patingin," I said, gently but firmly taking her hand in mine. The skin was already turning red. Panic and worry surged through me, and I quickly led her to the sink, turning on the cold water and carefully placing her hand under the stream.

Pero habang ginagawa ko 'yon, hindi ko namalayang nakatingala pala siya sa 'kin at nakatitig sa mukha ko. Nang magbaba ako ng tingin sa kaniya, our eyes met. Her cheeks flushed a deep red, and she quickly looked away, clearly embarrassed.

Palihim akong napangiti as I gently squeezed her hand under the water, hoping to convey my care and concern without words.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

After Poppy and I had dinner, ako na nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Ganunpaman, hindi pa rin siya umalis sa kitchen at sinamahan ako.

"Kuya Faith, dahil magaling na 'ko at medyo nakabawi ka na rin naman ng lakas sa two days natin dito, baka puwede na tayo magpuyat?"

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon