✧FAITH ZEICAN LEE✧
"GOOD morning, Kuya Faith." Napalingon ako kay Poppy nang bumaba siya sa kusina. Kagigising niya, pero halatang nakapaghilamos na siya dahil basa ang gilid ng buhok niya sa mukha. "Bakit ang aga mong nagising? At bakit nagluluto ka na r'yan?"
Tama. Maaga talaga 'kong nagising kaya ako na rin ang nag-prepare ng breakfast namin. Ang totoo, patapos na 'ko.
"Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya maaga 'kong nagising," I told her, smiling slightly. "Maupo ka na. Kakain na tayo."
Sinunod niya 'ko, naupo siya pero nakatingin pa rin sa direksyon ko. "Bakit hindi ka masyadong nakatulog? Natakot ka pa rin ba?"
"Oo," palusot ko na lang. Humakbang ako palapit sa kaniya, dala ang dalawang plato. Tig-isa kami. Sa bawat plato may tig-tatlong pancake, isang sunny side up at strawberries.
Nang ilapag ko ang kaniya sa harap niya, agad namilog mga mata niya sa tuwa. "Wow. Ikaw gumawa nito, Kuya Faith?" she asked, her eyes widened in surprise.
The vibrant red strawberries a beautiful contrast to the golden pancakes and eggs. I sliced them meticulously, arranging them in a heart shape on each plate.
"Oo." Naglagay pa 'ko ng dalawang baso sa mesa at 'yong carton ng fresh orange juice bago 'ko naupo sa harap niya. "Do you like it?" I asked, a proud smile spreading across my face.
Mabilis siyang tumango. "Oo, Kuya Faith. Mukhang masarap!" she said, her voice tinged with amazement. Binalik niya ang tingin sa plato niya at nagsimula nang kumain.
Pero nanatili mga mata ko sa kaniya. "Poppy," I called softly. Kahit ngumunguya napilitan siyang mag-angat ng tingin sa 'kin. "Puwede bang huwag mo na 'ko tawaging Kuya? Faith na lang. Kasi, 'di ba, ikakasal na rin naman tayo. Hindi na magandang pakinggan 'yong Kuya." Naiilang kasi talaga 'ko kapag tinatawag niya 'kong Kuya. Wala lang akong magawa dahil do'n siya nasanay.
Kumunot ang noo niya. "Kailan tayo ikakasal?"
Hindi pa namin 'to napag-usapan, pero mukhang kailangan ko na rin banggitin sa kaniya. "Kapag nag-eighteen ka na, Poppy. Sa ngayon, hindi pa puwede dahil wala ka pa sa tamang edad. Uh. Ang totoo, no'ng nasa motel pa lang tayo, napag-usapan na namin ni Mommyla 'yong tungkol sa kasal. Ang suggestion niya, sa mismong araw ng birthday mo raw tayo magpapakasal."
Bahagyang umawang ang bibig niya sa gulat. "Sa susunod na buwan na?"
"Yes, Poppy."
Saglit siyang natahimik at bumakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Pa'no kung hindi ako payagan nila Mommy at Daddy na magpakasal sa 'yo?"
"Pero gusto mo ba talagang magpakasal sa 'kin?"
Walang alinlangan siyang tumango. "Oo. Gusto ko."
"Kung gano'n, kalimutan mo na muna sila. Wala kang dapat ipag-alala. Hindi nila tayo mapipigilan dahil magpapakasal tayo nang hindi nila alam."
Her eyebrows furrowed in confusion. "Ha?"
I let out a sigh bago ko sinimulang magpaliwanag sa kaniya. Sinabi ko ang napag-usapan namin ni Mommyla no'ng nasa motel pa kami. 'Yong plano.
"Kapag kasal na tayo, 'tsaka tayo babalik sa bahay. Puntahan ka man ng pamilya mo sa amin, hindi ka na nila puwedeng kunin dahil asawa na kita. Hindi kami papayag na iuwi ka pa nila sa mansyon," I added after my explanation.
"Pa'no kung magalit sila sa family mo dahil sa pagpapakasal natin? Kasi, 'di ba, alam nila na kayo ni Ate Chloe ang dapat na ikakasal?"
"Huwag mong alalahanin 'yon. Si Mommyla na ang bahalang makipag-usap sa parents mo. Isa pa, alam naman na natin na ikaw talaga ang ipinagkasundo sa 'kin ni Lolo Don A. Hindi si Chloe. Sila lang ang may gusto na si Chloe ang pakasalan ko. Pero kaming lahat, pati pamilya ko, ikaw ang gusto namin. Gagawin lang natin kung ano 'yong original na plano noon pa. Ngayon, kung magagalit sila, edi magalit sila. Wala naman na silang magagawa kung kasal na tayo."
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...