✧FAITH ZEICAN LEE✧
LUMAPIT ako kay Poppy at inilapag sa harap niya 'yong tinimpla kong gatas. Bahagya niya 'kong nginitian. "Salamat, Ku—" Saglit siyang natigilan at nahihiyang natawa. "Faith pala. Pasensya na, nalilito pa rin ako minsan."
"Okay lang. Masasanay ka rin." Naupo ako sa katapat niyang upuan. Maliit lang ang bilog na wooden coffee table kaya halos magkalapit pa rin kami. May nakasindi pang ilaw sa balcony kaya 'yon ang nagbibigay liwanag sa 'min, idagdag pa ang sinag ng buwan sa taas at mga bituin. "Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na?"
Tumango siya. "Lagi naman akong okay kapag narito 'ko sa inyo. Hindi ko lang inaasahan 'yong pagdating kanina ni Ate Chloe." Dumukwang siya sa 'kin at hindi ko inaasahan ang pag-angat ng isang kamay niya sa pisngi ko, sa parteng sinampal ni Chloe kanina. "Masakit pa ba?" She swept her thumb gently across that spot, and my heart skipped a damn beat. "Medyo namumula pa." Para rin akong nakuryente sa hawak niya at dumaloy ang kuryenteng 'yon deretso sa pagkalalakj ko. Damn it!
I reached for the hand she had on my cheek, gently took it, and lowered it before my heart could stop beating from what she was doing. "Okay na 'ko, Poppy," I told her, smiling softly. "Hindi naman na masakit." Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kaniya sa ibabaw ng mesa.
"Pasensya ka na kay Ate Chloe, ha? Gano'n talaga siya, nananakit siya kapag galit. Pero kahit papa'no naman mabait siya kapag kalmado siya."
Bahagya akong napabuntonghininga. Hindi ko maintindihan si Poppy sa part na parang concern pa rin siya kay Chloe sa kabila ng mga ginawa nito sa kaniya. Sa sobrang kabaitan niya, pakiramdam ko hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob.
"Hindi ko mapapatawad si Chloe sa ginawa niya sa 'yo, Poppy." I shook my head. "Ni hindi ko kayang makipagkaibigan sa kaniya kahit pa sabihing alang-alang sa 'yo dahil kapatid mo siya. Magkakasundo lang kami kung lalayuan ka niya at hindi na kakantiin."
Hindi siya nakakibo, pero nanatili ang tingin niya sa 'kin. Ilang sandali pa, binawi niya ang kamay niya na hawak ako at umayos siya sa pagkakaupo. Inabot niya ang gatas niya at humigop do'n saglit bago niya 'ko muling harapin.
"Ano 'yong... 'yong sinabi mo kanina kay Ate Chloe? Hindi ko kasi naintindihan no'ng nag-english ka," nahihiya niyang sabi.
Binaba ko ang tingin ko sa mesa at saglit nag-isip para balikan 'yong eksena kanina. What did I say to Chloe? Ah.
Muli kong inangat ang tingin ko kay Poppy nang maalala 'yon. "Sabi ko, ayoko siyang pakasalan dahil sa ugali niya. Ayokong magkaroon ng asawa na tulad niya. At ikaw ang pinili kong pakasalan hindi dahil sa obligasyon ko sa kasunduan o dahil sa awa; pinakasalan kita dahil deserve mong mahalin nang totoo at irespeto. At kung hindi nila maibigay sa 'yo ang nararapat na pagmamahal sa sarili n'yong tahanan, kami ang magbibigay no'n sa 'yo."
Sinundan ng mata ko ang isang kamay niya na umangat at sumapo sa tapat ng puso niya. I don't know why she did that. Saglit nanatili ro'n ang hawak niya at nang ibaba niya 'yon, bahagya niya 'kong nginitian. She rose from her chair and approached me.
Without a sound, she positioned herself behind me. I felt her presence even before she leaned in, her arms wrapping around my neck in a gentle embrace. The unexpected contact made my pulse quicken, and I could feel her breath against my ear. Saglit nanatiling gano'n ang posisyon namin, nakayakap siya nang maluwag sa leeg ko. Then, her voice, soft and sincere, broke through the silence.
"Salamat ulit, Faith," she whispered. "Ang saya-saya ko talaga na nakilala kita. Simula no'ng nakilala kita, nagsimula na rin mangyari ang magagandang bagay sa buhay ko. Isa na ro'n 'yong nakilala ko ang buong pamilya mo at 'yong pagmamahal na pinararamdam n'yo sa 'kin. Sana hindi ka magbago. Sana kahit wala akong ipagmamalaki, manatili kang ganito sa 'kin."
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...