✧FAITH ZEICAN LEE✧
BANDANG alas dies ng tanghali noong hinatiran kami ni mommy ng meryenda sa sala. Kasama pa rin namin si Poppy dahil wala pa si Chloe, hindi pa ito nag-u-update sa 'kin kung pabalik na ba siya. Kahit papaano, nagiging komportable na si Poppy sa amin.
Kasalukyan kaming nanonood ng K-drama series sa Netflix sa malaking flatscreen TV nang ilapag ni mom ang tray sa coffee table sa gitna namin. Naroon ang dalawang klase ng pastries na bineyk niya kaninang umaga. Pero 'yong cream puff lang ang pamilyar sa 'kin. Kasunod niya si Ate Emy, na siya namang may bitbit naman ng tray ng drinks namin.
"Mom, ano 'yong isa? Bakit hindi namin 'yan nakita kanina?" Tinuro ni Summer 'yong katabi ng cream puff.
Napangiti si Mom at kumuha ng isa, inabot niya 'yon Summer, sunod ay inabutan niya rin si Poppy. Then she said, "Baklava 'yan."
"Ewan. 'Di ko sure." Si Hope, na natatawang umabot naman ng cream puff.
"Hindi kita tinatanong, Hope. Ang ibig kong sabihin, 'Baklava' ang pangalan ng pastry na 'yan!"
"Hindi ko nga alam, Mom. Malay ko ba riyan kung bakla 'yan. Dapat kasi hindi ka gumagawa ng tinapay na kasama sa LGBTQIABCDELEMENOPI++ Pag-iisipin mo pa kami, ang dami na ngang problema ng bansa." Natatawa niyang binalingan si Poppy. "Ikaw, Sugar-Pops? Ano sa tingin mo? Baklava 'yan?" Ngumuso siya ro'n sa hawak ni Poppy.
"H-Hindi ko alam."
"Oh, kita n'yo na? Pati si Sugar-Pops hindi rin alam kung baklava 'yan!" Humagalpak si Hope. Habang si Love na tatahi-tahimik, napapatawa na rin dahil sa kaletsehan ng kapatid namin.
Napailing na lang si mom, kasunod ang pagbuntong-hininga niya at pagbaling kay Poppy. "Poppy, sweetie girl, 'wag mong pakinggan 'yang Kuya Hopia mo. Noong bata pa kasi 'yan, naunang isaksak sa kan'ya 'yong booster kaysa sa first at second dose."
"Ah. Kaya po pala naiiba s'ya." Lahat kami ay natawa sa mahina, ngunit seryosong sagot ni Poppy kay mom.
As Hope turned to look at her, his eyebrows furrowed, clearly upset. "What do you mean, Sugar-Pops? Ano'ng ibig mong sabihin sa naiiba? Sinasaktan mo 'yong damdamin ko, samantalang ako ang nakapagpangiti sa 'yo kanina dahil sa sayaw ko. Partida, wala pang asin 'yon. Itong pamilya ko, wala naman 'yang ambag sa pagngiti mo!" Kunwaring sumimangot si Hope.
Hindi na sumagot si Poppy. Yumuko na lang siya sa hawak niya at sinimulan na 'yon lantakan para maiwasan si Hope.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
Poppy stayed with us until lunchtime dahil wala pa rin si Chloe. Doon kami kumain sa labas, sa maluwang na mesa na malapit sa swimming pool. At pansin ko na habang lumilipas ang oras, mas lalo siyang nagiging komportable sa mga kapatid ko, lalo na kay Summer. She was no longer silent and would respond to Summer when spoken to. Gano'n din kay mommy. Even Ate Emy was surprised when Poppy thanked her for serving us lunch.
That's one thing I observed about Poppy—she's quite sweet.
"Poppy, marunong ka bang lumangoy? Gusto mong mag-swimming after natin kumain?" Summer turned to her.
"Hindi. Hindi ako marunong."
"Pero gusto mong matuto? Kasi kung gusto mo, p'wede kitang turuan," Summer continues. Pinakikinggan lang namin sila. Magkatabi pa rin sila ni Poppy, habang tabi naman si Mom at Dad. Tabi-tabi naman kami ng mga kambal ko, pero kaharap namin si Poppy.
"Hindi ako p'wedeng magbasa. Wala akong dalang damit."
"That's not even a problem. Marami akong damit. Mukhang may kakasya naman sa 'yo. Ano? G?"
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...