✧FAITH ZEICAN LEE✧
KANINA pa ako hindi mapakali at pasulyap-sulyap sa phone ko. Hinihintay ko ang message ni Summer kung nagtagumpay siyang hiramin si Poppy sa mga magulang nito. She didn't want any of us—Love, Hope, or myself—to accompany her because she was worried it might make it even harder for Poppy to be allowed out. Ang laging biro pa naman niya kay Hope ay dakilang may balat sa wetpu. Si Tita Baby naman kasi ay wala na sa bansa kaya hindi niya ito kasama. Noong isang araw pa sila umalis ni Chloe papuntang Singapore.
Halos kinse minutos pa lamang ang lumipas simula nang magsabi sa akin si Summer na naroon na siya sa mansyon nila Poppy, pero 'yong kinse minutos na 'yon, pakiramdam ko ay fifteen years na. Bakit hindi pa siya nagpaparamdam? Puntahan ko na kaya sila?
"Sir Faith?" Nag-angat ako ng tingin kay Colleen nang pumasok siya sa opisina ko. "Here are the documents you requested from the marketing team." Inabot niya sa 'kin 'yong mga dokumentong nakaipit sa itim na clipboard.
"Thank you, Colleen."
"You're welcome." Just as she was leaving my office and I was about to go through the documents, my cell phone rang. It was Summer, video calling me. Nataranta pa ako sa pagsagot, may halo rin pag-aalala dahil baka bad news ang ibungad niya sa 'kin. But when the camera opened, instead of Summer's face, I saw Poppy's happy face.
"Kuya Faith! Hiiii!"
Wala sa loob kong ngumiti dahil bad news ang inasahan ko, but Poppy's happy face suddenly lifted my spirits. I couldn't help it. Her smile is infectious kaya nahawa na ako.
"Hi, Poppy." Napansin ko ang background niya, nasa loob siya ng sasakyan. 'Yon ang sasakyan ni daddy na gamit ni Summer sa pagsundo sa kaniya. "Buti pinayagan ka ng parents mo na sumama kay Summer?"
"Naku, Kuya Faith!" Nang marinig ko ang boses ni Summer ay agad ibinaling ni Poppy sa kaniya ang camera. Pero nanatiling nasa daan ang tingin ni Summer. "Alam mo bang hindi na naman dapat sana nila papayagan na lumabas si Poppy? Pero alam mo kung ano'ng ginawa ko? Dinirekta ko si Mrs. Jody. Sabi ko, 'Bakit po parang ayaw n'yong ine-expose si Poppy? May itinatago po ba kayo? Mukhang hindi naman po kayo gan'yan kahigpit kay Ate Chloe. At saka magiging pamilya naman na po tayo.' Tapos hayun, natahimik si madam at biglang pumayag. And here's the good news Kuya kong mabait! Hulaan mo kung gaano ko katagal hiniram si Poppy?" she asked, grinning.
"Uh. Two days?"
"No-ooh."
"One week?"
"Nah."
"Two weeks?"
"Duh! One month, Kuya Faith!" Sabay halakhak niya. "At alam mo kung ano'ng idinahilan ko? Sabi ko, 'Wala naman po sigurong masama kung sa amin muna mag-stay si Poppy habang wala ang ate n'ya, hindi ba? Kawawa naman po si Poppy kung wala s'yang ka-bonding sa mansyon n'yo, lalo na at alam kong sobrang busy rin kayo sa mga businesses n'yo. At alam ko naman po kako na wala naman pinagkakaabalahan si Poppy rito.' Noong una medyo umangal si Mrs. Jody. Pero noong hiningan ko sila ng dahilan kung bakit hindi nila mapapayagan si Poppy na sa atin mag-stay nang one month, hayun, tameme. Kaya si Mr. Herald na mismo ang nagsabi na sige raw, payag na raw sila. Galing ko, 'di ba?" Muli siyang humalakhak.
"Oo, magaling ka. Ikaw ang pinakamagaling sa ating magkakapatid. Basta secret lang natin 'yan, ha? 'Wag mo sasabihin kay Love Andrei at siguradong aapila 'yon sa hukuman," I joked. At nang hindi na siya kumibo ay muli nang iniharap ni Poppy sa kaniya ang camera.
"Kuya Faith, pauwi na kami sa inyo ngayon. Ano'ng gusto mong pasalubong? May pera pa naman ako. P'wede kitang bilhan ng gusto mo, basta 'wag 'yong mamahalin, ha?" She grinned, and I was momentarily stunned, my heart skipping a beat, because it was the first time I had seen her do that. It was absolutely adorable.
"Kahit wala, Poppy, okay lang. Makarating lang kayong safe sa bahay, ayos na 'ko." Damn. Kailan pa ako natutong bumanat ng ganito? At saan ko ito natutuhan?
"Sige, Kuya Faith. Ako na lang magdedesisyon para naman hindi nakakahiya kina Tita Keycee at sa daddy mo na wala akong dala." Muli siyang ngumiti. "Sige, Kuya Faith, ba-bye na muna. Excited na ulit akong makapunta sa inyo at mag-aral araw-araw."
Hanggang sa i-end niya ang video call ay nakangiti pa rin akong parang tanga. Parang gusto ko na rin umuwi. 'Langya, nakakahiya naman kung mag-undertime ako.
Sh*t.
Huwag na nga.
Hintayin ko na lang out ko.
Pero minsan lang naman, eh? Mas madalas naman akong over time.
Teka? Baka asarin lang ako ni Hopia kapag nalaman niyang maaga akong umuwi dahil kay Poppy.
Sh*t.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...