✧FAITH ZEICAN LEE✧
FRIDAY ngayon at muli kaming inimbita ni mommyla rito sa kanila. Family dinner, pero wala si Hope at Love dahil pareho silang busy. Si Mom, Dad, Summer at kami lang ni Poppy ang nakapunta.
After ng dinner, niyaya ni Tita Baby si Poppy at Summer sa taas—sa kuwarto niya—dahil may mga ibibigay raw siyang mga damit sa dalawa na ilang beses niya lang naisuot at hindi na pasok sa taste niya. Naiwan naman kami sa dining, at kahit tapos na kaming kumain, walang tumatayo sa 'min. Makalipas ang ilang sandaling katahimikan, binaling sa akin ni Mommyla ang tingin niya.
"So, Faith," she began, her voice gentle yet probing. "How is Poppy settling in? Hindi ba siya naninibago sa buhay may asawa?"
"She's doing well, Mommyla," I replied.
"She's eighteen now and has the right to all her inheritance. Are there any issues or concerns we need to address? Hindi ba't plano ng mga magulang ni Poppy na alisin lahat ng ari-arian sa pangalan niya kapag eighteen na siya?"
I felt a knot form in my stomach. "Wala namang ginagawang hakbang ang parents niya, Mommyla. Hindi ko alam kung ano'ng plano nila. Hindi naman nila magagawa ang gusto nila nang wala si Poppy. Kaya nga tuwing iniimbitahan nila kami sa mansyon, lagi kaming magkasama para mabantayan ko ang kilos nila."
Mommyla nodded, her eyes never leaving mine. "I understand, Faith. We must ensure she feels secure and knows her rights. Have you talked to her about her inheritance and what it entails?"
Umiling ako. "Sa pakiramdam ko, hindi interesado si Poppy sa mga mamanahin niya. Mas gusto niyang ipaubaya 'yon sa pamilya niya kapalit ng katahimikan niya. Kung pag-uusapan naman namin at kukumbinsihin ko siyang ipaglaban ang karapatan niya, I think she needs more time. It's overwhelming for her, and I don't want to rush her into anything. Lalo na at nagsisimula pa lang siyang mag-aral. Kahit ipaliwanag natin sa kaniya ang tungkol do'n, baka hindi niya pa masyadong maintindihan."
"That's wise," Mommyla agreed habang nakangiti sa 'kin. "Pero para sa 'kin, mas mainam kung ngayon pa lang malalaman na ni Poppy ang tungkol sa karapatan niya. Hindi kasi natin alam, baka mamaya niyan tahimik pa lang nagpaplano ang mga magulang niya para kuhanin ang lahat kay Poppy. Hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin."
Saglit akong natahimik at bumuntonghininga dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ayokong i-push si Poppy sa bagay na 'to lalo na at malaki ang takot niya sa parents niya dahil sa naging banta ng mga ito sa kaniya noon pang bata siya dahil lang sa lintik na mamanahin niya. Masaya na si Poppy ngayon at ayoko siyang bigyan ng isipin.
Pero sa kabilang banda, tama rin naman si Mommyla. Kailangan ni Poppy na mamulat na isa siyang Herald at may karapatan siya sa kayamanan ng pamilya niya.
"Wait?" Napalingon kaming lahat kay daddy, nakatitig siya sa mesa, habang tila may malalim na iniisip. 'Tsaka siya nag-angat ng tingin sa 'kin. His expression grew more serious. "There's another matter," he said softly. "If they want to take all the properties in Poppy's name, they can do it without any difficulty, especially Lucio, since Poppy is his daughter. He can disinherit his own child anytime he wants. But why does it have to come to the point where he has to threaten Poppy's life just to get them?"
Hindi ako nakasagot dahil napaisip din ako. Oo nga, 'no?
Daddylo cleared his throat kaya sa kaniya kami nabaling. "Hindi naman si Lucio ang mayaman at naglagay ng mga mana sa pangalan ni Poppy. It was her biological mother. Ang tunay na ina ni Poppy ang mayaman at gumawi ng will, kaya hindi puwedeng basta lang baguhin 'yon ni Lucio kahit pa asawa siya."
Bahagyang napasinghap si Mommyla sa narinig at agad binalingan si Daddylo. "You knew?"
"You don't, honey?" baling din sa kaniya ni Daddylo, kunot ang noo nito.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...