Chapter 42. In Faith's Care

6.5K 226 20
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

MAAGA akong gumising kinabukasan dahil excited ako sa unang umaga na pagsasaluhan namin ni Poppy na kaming dalawa lang. Pero bago ako lumabas sa kuwarto, ginawa ko na muna ang morning routine ko para masigurong okay ang itsura ko.

Paglabas ko sa kuwarto, napansin kong bukas na 'yong pinto ng kuwarto ni Poppy. Humakbang ako palapit at sumilip, only to find the room empty. Napangiti ako. Siguro nasa baba na siya at naggagayak ng almusal namin.

Still smiling, I made my way down the stairs towards the kitchen. As I reached the wide doorway, I saw her setting the table. The morning light filtered through the windows, casting a warm glow on her as she carefully arranged the dishes.

"Good morning, Ma'am Pop—" I halted abruptly when I saw her up close. Sobrang putla niya at para siyang nanghihina, bakas 'yon sa kilos niyang malamya. "Poppy? A-Are you okay?"

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at bahagyang ngumiti at tumango. "Mauna ka nang kumain, Kuya Faith. Hindi kita masasabayan. Aakyat muna 'ko sa kuwart—"

"Poppy!" Agad kong lumapit sa kaniya at inagapan ang pagbagsak niya. Hindi siya tuluyang nawalan ng malay, it's just that, sobrang nanghihina siya. At noong nasalo ko na siya at nasalat ang balat niya, I finally understand why. "Poppy, mainit ka." May lagnat siya. Hindi lang basta lagnat. Mataas na lagnat dahil sobrang init niya. Dahil siguro sa pagkakabasa niya sa ulan no'ng isang gabi.

Without saying anything, binuhat ko siya agad at inakyat sa taas, sa kuwarto niya. I gently put her down on the bed at muling sinalat ang noo niya no'ng maayos na siyang nakahiga. Nabuhay sa 'kin ang pagkataranta dahil sa kalagayan niya, lalo na at dalawa lang kami. Should I take her to the hospital?

"Kuya Faith..." Bahagyang nakadilat ang mga mata niya. "Okay lang ako. K-Kumain ka na sa kusina. Huwag kang mag-alala sa 'kin." Mahina ang boses niya, halos pabulong lang pero naintindihan ko.

I shook my head at nagpaalam ako sa kaniya na pupunta muna sa kuwarto ko. Kinuha ko cell phone ko at agad tinawagan si Mom. Sa ikalawang ring, sumagot siya.

"Faith, anak?"

"Mom, there's a problem." Nanatili muna 'ko sa kuwarto ko habang kausap si Mom.

"Bakit? Ano'ng problema? Pinakakaba mo naman ako, anak," taranta niyang sabi.

"Poppy has a fever, Mom. I don't know what to do. Sobrang init niya."

"Ilan temperature niya?"

"I don't know, Mom. Wala kaming thermometer."

"Sa pagkakatanda ko mayro'n diyan. Nasa first aid kit. Hanapin mo sa..." Nakinig ako kay Mom at agad tinungo 'yong tinuro niyang first aid kit. Nang makuta ko ro'n ang thermometer, agad kong binalikan si Poppy sa kuwarto niya para sukatin ang temperature niya.

"39.4, Mom," I informed her. Hawak ko pa rin sa kabilang kamay ko cell phone ko.

"Masyado siyang mainit. Punasan mo siya, 'nak."

"What?" Napalunok ako at kinabahan.

"Punasan mo siya. Mukha, katawan, braso, hanggang binti. Para bumaba temperature niya. Kung may ice cube kayo r'yan, mas mabuti kung lagyan mo ng kaunti 'yong tubig na gagamitin mong pangbanlaw sa towel."

"K-Katawan? Mom, are you kidding? I—I can't do that. She's a girl." Sinadya kong hinaan ang boses ko para hindi ako marinig ni Poppy. Nakapikit siya, pero baka aware pa siya sa paligid niya.

"Gising ba siya? May malay? Sa tingin mo ba kaya niyang kumilos para punasan sarili niya? Kung kaya niya—"

"She can't, Mom. Nanghihina siya. Muntik na siyang bumagsak kanina sa kusina, nasalo ko lang siya."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon