✧FAITH ZEICAN LEE✧
SATURDAY, 7:30 A.M nang pumunta kami ni mommy, daddy at Summer sa mansyon nila Chloe. Naisip kong isama si mommy dahil nag-usap na kami na siya ang magpapaalam kay Mr. at Mrs. Herald para hiramin si Poppy. Dahil kahit papaano ay gusto kong i-consider ang mararamdaman ng fiancé ko. Ayokong saktan ang damdamin ni Chloe, lalo na at nagsisimula na siyang magduda sa akin sa pagbisita ko sa kanila nitong nakaraang linggo.
Sa halip kasi na tatlong beses lang ako noon dumadaan sa kanila, naging araw-araw 'yon simula nang bigyan ko ng pera si Poppy. Walang palya ang naging pagpunta ko sa kanila, at sa tuwing darating ako roon, bukod sa pasalubong na dala ko para kay Chloe ay lagi rin mayroon si Poppy. At kapag naroon na ako, lagi kong kinukumusta si Poppy, kaya pati ang parents nila ay mukhang nakahalata na rin.
Nga pala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na may cell phone na si Poppy. Noong nakaraang araw ay tumawag sa akin si Poppy bandang alas onse ng gabi. Medyo nataranta pa ako dahil akala ko ay may nangyari sa kaniya, or baka emergency. Pero hindi. Tumawag lang siya para magpasalamat sa mga dinadala kong pasalubong sa kaniya sa tuwing pupunta ako sa kanila. Nang tanungin ko siya kung bakit gising pa siya nang gano'ng oras, ang sabi niya, hinintay niya raw talaga ang oras na 'yon dahil kapag gano'ng oras niya lang inilalabas ang phone niya para raw hindi siya mahuli, dahil baka mapagalitan daw siya kapag nalaman ng parents niya na gumagamit siya ng phone.
"Thank you, Jody," masayang sabi ni mommy, nasa tabi na niya si Poppy at nakahawak siya sa braso nito. Para silang mag-best friends. Mabuti na lamang ay pumayag ang parents nila Chloe nang ipagpaalam ito ni Mommy. Although they were a bit puzzled, they didn't hesitate to let Poppy come, especially since Mom mentioned she would be teaching her how to bake. "Sayang naman, Chloe." Bumaling si Mom kay Chloe; nakagayak na ito. "Sana sa susunod makasama ka rin sa amin para maturuan din kitang mag-bake. Mahilig din kasi si Faith sa mga pastries, kaya mas okay kung matututuhan mo 'yon, lalo na kapag mag-asawa na kayo."
"Kaya nga po, Tita Keycee. Hayaan n'yo po at sa susunod maglalaan ako ng oras para d'yan." Ngumiti siya kay mom. Hindi kasi siya makakasama sa amin ngayon dahil may importante siyang business trip na pupuntahan. Pero kung ako ang tatanungin, pabor na hindi muna siya kasama ngayon dahil kailangan namin mainterbyu si Poppy tungkol sa buhay niya rito sa kanila. Kung sasama siya sa amin, hindi namin 'yon magagawa dahil mukhang takot din si Poppy sa kaniya.
Noong una ay hindi ko 'yon iniisip dahil mabuti naman ang pakitungo ni Chloe sa kapatid niya. Lalo na noong unang punta nila sa amin, laging nakadikit si Poppy sa kaniya, at siya naman ay umaakbay rito minsan. Pero nitong nakaraang linggo ng araw-araw kong pagdalaw sa kanila, may mga pagkakataon na napapansin kong isang tingin lang ni Chloe kay Poppy ay bigla itong natatahimik at napapayuko. Gano'n din sa parents nila.
"Poppy?" Papasok na sana kami sa sasakyan ni daddy nang marinig namin ang boses ni Mrs. Herald. Lahat kami ay napabaling sa kaniya, pero kay Poppy lang siya nakatingin. Si Poppy ay akay na ngayon ni Summer dahil sa backseat kami pupuwesto, habang sa harap naman si dad at mom.
"Po, mommy?" mahinang tanong ni Poppy.
Humakbang palapit si Mrs. Herald sa kaniya at hinawakan niya si Poppy sa magkabilang braso para ipihit paharap sa kaniya. Malapad ang ngiti ni Mrs. Herald nang dampitan niya ng halik si Poppy sa ibabaw ng ulo, kasunod ang bilin niyang, "Magpapakabait ka ro'n, ha?"
Pero ang tingin ko ay nanatili sa mga kamay ni Mrs. Herald na nasa magkabilang braso ni Poppy kaya hindi nakaligtas sa akin ang nakita kong paghigpit ng hawak niya kay Poppy.
"Opo, mommy," simpleng sagot ni Poppy bago niya ito bitawan.
Dahil nasa loob na ng sasakyan si mommy at daddy, nagpaalam na rin kami at pumasok na sa loob—sa backseat. Nakagitna sa amin ni Summer si Poppy. As we moved away from the mansion, I heard Poppy exhale deeply, and her body seemed to relax.
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...