Chapter 45. Welcome Home, Sugarpops!

556 37 12
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

PAGDATING namin sa bahay, nauna kong pinapasok si Poppy sa pinto. Nakasunod naman sa 'min si mommy at daddy. Hila ko ang isang suitcase namin ni Poppy, habang ang isa ay hila ni dad. Buti na lang may suitcase sila mommyla sa vacation house, 'yon ang ipinahiram nila sa 'min para paglagyan ng mga damit namin ni Poppy na pinamili ro'n dahil wala naman kaming kadala-dala no'ng pumunta kami sa vacation house nila.

Poppy still wearing her white dress na suot niya sa kasal namin kaninang umaga. Suot ko pa rin ang cream-colored trouser pants ko at while shirt, pero nilupi ko na ang manggas hanggang siko kanina no'ng nasa sasakyan kami. Hindi na kami nakapagpalit dahil after ng kasal, kumain lang kami sa labas then bumalik na sa vacation house para kunin ang mga gamit naming kagabi pa nakaempake dahil gusto na rin nila mom at dad na ngayong araw kami uuwi sa bahay.

"Nasaan kaya mga kapatid mo?" narinig kong tanong ni mommy mula sa likuran namin.

But then, Hope burst into the living room, his usual grin plastered on his face. "Sugarpops! Welcome home!" he exclaimed; his arms wide open, ready to engulf my wife in one of his infamous bear hugs.

A sudden surge of jealousy washed over me. Without thinking, inunat ko ang isang kamay ko at tinanim ang palad ko sa mukha niya, stopping him mid-hug. Dahilan kaya hindi niya naabot si Poppy.

"Aray ko naman, Faithfully! Yayakap lang kay Popsicle, eh!" reklamo niya nang alisin ko na ang kamay ko sa pagdakot sa mukha niya.

"Personal space, Hope. Personal space," I said, trying to keep my voice light but firm.

'Galing naman niya. Ako nga hindi ko basta-basta nayayakap si Poppy nang walang dahilan, tapos siya sisiw lang ang gagawin niyang pagyakap? Kung bunsulin ko kaya siya?'

"Kung ayaw mong yakapin ko si Sugarpops, handshake na lang," dagdag niya, sabay abot ng kamay niya kay Poppy habang nakangisi. "Welcome home at welcome sa pamilyang pinakamaangas, Sugarpops."

'Aba, lokong 'to! Akala ko ba handshake lang? Bakit hinalikan niya pa ibabaw ng kamay ni Poppy?!'

Poppy giggled nang tampalin ko 'yong nguso ni Hope matapos ang ginawa niya. Poppy's eyes sparkling with amusement. My parents watched the scene unfold, clearly entertained by our sibling rivalry.

"Welcome to the family, Pops." Si Love naman. Nakipagkamay rin siya kay Poppy. Si Summer lang ang wala pa ngayon dahil nagsabi naman siya sa 'min sa group chat na gagabihin siya nang uwi dahil may tinatapos pa silang research ng mga groupmates niya. Ganunpaman, alam niya rin na kinasal na kami ni Poppy ngayon at excited na rin siyang muling makasama si Poppy rito sa bahay.

"Salamat, Kuya Hope. Salamat, Kuya Love," malapad ang ngiting ganti sa kanila ni Poppy.

"Oh, s'ya. Tama na muna 'yan." Si mom. "Pagpahingahin n'yo muna ang bagong kasal at masyadong tagtag sa biyahe."

"Akala ko sa ibang bagay natagtag," natatawang bulong ni Hope kaya nilingon siya ni daddy. Isang tingin lang ni dad umayos agad siya at sumeryoso. Napaka ano kasi nito. Kahit naman mang-asar siya, hindi siya ma-g-gets ni Poppy.

Binalingan kami ni mommy. "Magpahinga na muna kayo, Faith, Poppy. Kapag ready na 'yong dinner, 'tsaka na lang namin kayo ipatatawag." She turned to Poppy. "Lalo ka na si Poppy, buong biyahe, gising ka."

Mom's right. Sa buong apat na oras na biyahe, gising si Poppy. Nakikipagkuwentuhan siya kay mommy. Ako naman, kahit papa'no nakaidlip kahit isang oras. Pero ramdam ko pa rin ang hapo dahil maghapon kaming busy.

"Teka, last na tanong na lang," hirit ni Hope. Kay Poppy siya nakatingin ngayon. "Ano'ng pumasok sa isip mo, Sugarpops, at ang bilis mong pumayag na pakasalan 'tong kapatid ko? Balita ko kasi pumayag ka agad sa idea na pakasal kay Faithfully no'ng gabing umalis ka rito sa 'min. Eh, sobrang boring ng kapatid kong 'to. Napasma ka ba sa ulan no'ng gabing 'yon kaya—"

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon