Chapter 6. Dinner

8.1K 132 7
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

"Oo. Poppy is my sister, Faith." Nakatingin pa rin sa akin si Chloe. "Sobrang mahiyain n'ya. Hindi s'ya sanay makihalubilo sa mga tao kaya hindi namin s'ya napilit na maki-join noong engagement party natin," she explained.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Oo, halata nga na mahiyain si Poppy noong nakita ko siya noong gabing 'yon. Parang ayaw niya akong kausapin. Narinig ko lang ang boses niya noong sinabi niya ang pangalan niya. Pero hindi ko na rin siya nakausap dahil agad na siyang umalis dala ang food niya.

"Mas gusto n'yang nakakulong lang s'ya sa kuwarto kaysa makipag-socialize," dagdag pa ni Mrs. Herald kasunod ang pagbuntonghininga niya at pagbaling kay Chloe. "Chloe, tawagin mo si Poppy, para maipakilala mo sa fiancé mo. Para makasabay na rin sa ating kumain."

Tumango agad si Chloe. "Yes, Mom." 'Tsaka siya tumayo sa upuan niya matapos niya akong sulyapan para magpaalam. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya sa dining.

Tahimik akong naiwan sa harap ng parents ni Chloe. Si Mrs. Herald ang siyang nagsasalita at nagkukuwento kung gaano kamahiyain si Poppy simula sa pagkabata nito. Lumaki raw ito nang walang kalaro dahil hindi lumalabas sa mansyon.

A few moments later, we heard footsteps, causing Mrs. Herald to stop her story. I automatically stood up from my seat when I saw Chloe, who was now accompanied by her sister, Poppy.

Poppy was clinging to one of Chloe's arms and almost hiding her face behind her. Even their parents stood up from their seats to face the two. Now, they were standing in the wide doorway of the dining room, with Chloe looking at me while Poppy kept her gaze on the floor.

"Poppy?" malumanay na sambit ni Chloe, dahilan para mag-angat ng tingin sa kaniya si Poppy. "Halika. Ipakikilala kita sa fiancé ko." Inakay niya si Poppy palapit sa 'kin, halatang nahihiya ito. Noong nakatayo na silang dalawa sa harap ko, itinuro niya ako kay Poppy. "S'ya si Faith Zeican. S'ya ang mapapangasawa ko."

Ibinaling ni Poppy ang tingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang hiya. Alam ko rin na nakapagpakilala na ako sa kaniya noong nagkita kami sa party, pero hindi ko naiwasang ilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Hi, Poppy. Nice to meet—" Natigilan ako nang tanggapin niya ang kamay ko, pero hindi para i-shake. Tinanggap niya 'yon at mabilis siyang yumuko, kasunod ang pagme-meet ng noo niya at ng ibabaw ng kamay ko. He showed respect to me in the traditional way. Nagmano siya.

M-Mukha na ba akong lolo sa paningin n'ya?

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Chloe noong nakatayo na nang tuwid si Poppy. Natawa siya sa ginawa ng kapatid niya, pero si Poppy ay seryoso ang istura, na ngayon ay gumagala ang tingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakita ko ang paglunok niya na parang gusto niyang sunggaban ang mga nakahain. Gano'n na gano'n ang itsura niya noong nakita ko siyang palapit sa buffet noong party.

"Gusto mong kumain?" Hindi ko naiwasang magtanong, kaya napatingin siya sa 'kin. Saglit niya akong pinagmasdan bago niya ibinaling kay Chloe ang tingin niya, sunod sa parents nila.

"Sumabay ka na sa amin, Poppy," ani Mrs. Herald. Inakay ni Chloe si Poppy sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bale napapagitnaan na nila ako ngayon ni Chloe.

Nakaupo na kaming lahat at nabigyan na rin ng isang maid si Poppy ng plato. Pero hindi pa rin kumikilos si Poppy para sumandok ng pagkain niya. Nakatanaw lang siya sa mga pagkain at tila nahihiyang kumilos. Noong hindi ako nakatiis ay ako na ang umabot sa bowl ng kanin at inilapit ko 'yon sa kaniya. Saglit niya akong nilingon, pero hindi siya nagsalita. Marahan siyang kumilos para maglagay ng pagkain sa plato niya. Noong may kanin na siya, tahimik na naman siya at palinga-linga sa mga putaheng nakahain.

"Ano'ng gusto mo?" I asked her. Hindi siya kumibo, instead, itinuro niya ang isang putahe na malapit kay Chloe, 'yong seafood. Kinuha 'yon ni Chloe para maiabot sa akin at siya ko namang ipinasa kay Poppy. "Ano pa?" tanong ko ulit sa kaniya. Sa halip na ituloy ang pagkain ko, sa kaniya ko muna itinuon ang atensyon ko dahil ramdam kong parang hindi siya komportable sa paligid niya. I don't know why I feel this way.

Nang ituro niya ang beef broccoli ay 'yon naman ang iniabot ko sa kaniya. Muli ko siyang tinanong kung may gusto pa siya, pero umiling siya. Hindi ko muna inalis ang tingin ko sa kaniya. I watched as she took her first bite, and I heard her slight gasp and saw her eyes widen with the first taste, as if she had never experienced such food before. Dahil doon, naging sunud-sunod ang pagsubo niya, na para siyang may kakompetensya sa pabilisang kumain.

"Babe, your food." Nabaling ang tingin ko kay Chloe nang hawakan niya ako sa braso. Imbes kasi na pagkain ko ang pagtuunan ng atensyon ay na kay Poppy ang tingin ko.

Tumango ako at muling hinarap ang pagkain ko, pero nakikita ko pa rin si Poppy mula sa gilid ng mga mata ko. Apura pa rin ang pagsubo niya, na parang gutom na gutom.

"Ilang taon ka na, Poppy?" Dahil sa tanong ko, napahinto siya sa pagnguya. Hindi ko naiwasang muling ibaling sa kaniya ang tingin ko. Punung-puno ang bibig niya habang nakalingon din sa akin, pakurap-kurap.

"She's seventeen, Faith." Si Chloe ang sumagot dahil hindi makasalita si Poppy sa dami ng laman ng bibig nito.

Seventeen? Bata pa pala siya.

Matapos naming kumain, inalis na ng dalawang maid nila ang mga ginamit namin sa mesa. Ngunit nanatili pa rin kaming nakaupo at nagkukuwentuhan. Ang parents nila ang nagsasalita at about sa merger ng mga kompanya namin ang isinasaysay. Habang tahimik akong nakikinig, inihain naman ng isang maid sa amin ang chocolate chip cookies at butterscotch na bineyk ni Mommy para gawing dessert. Nakalagay iyon sa platito at lahat kami ay mayroon, maging si Poppy.

Dahil nasa tabi ko lang si Poppy, hindi na naman nakaligtas sa akin ang mahina niyang pagsinghap nang tikman niya ang sa kaniya. Nilingon ko siya at hindi ko naiwasang mapangiti. Para siyang may sariling mundo. Habang puro business ang lumalabas sa bibig ni Mrs. Herald, si Poppy naman ay doon lang sa cookies niya nakatuon ang atensyon at parang wala nang mahalaga pa sa kaniya kun'di 'yon.

Noong naubos niya ang nasa platito niya, lumingon siya sa maid na nag-serve niyon sa amin. Halatang gusto niya pa, pero parang hindi niya alam kung dapat ba siyang manghingi pa.

"Have mine." Saglit natigilan si Mrs. Herald sa pagsasalita nang makita niyang inilapit ko kay Poppy 'yong platito ko na may cookies at butterscotch. Maging si Poppy ay natigilan, pero mabilis kong ibinalik ang tingin ko kay Mrs. Herald. "Yes, Mrs. Herald, continue," sabi ko para muli nitong ituloy ang sinasabi niya kanina about sa merger.

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Alas-otso y media ng gabi nang magpaalam na ako kay Chloe at sa parents niya. Hinatid nila ako sa labas kung nasaan ang sasakyan ko.

"Pasyal ka ulit minsan, ha?" nakangiting sabi ni Mrs. Herald noong nakatayo na ako sa tabi ng sasakyan ko.

"Opo," nakangiti kong sagot, sunod ang pagbaling ko kay Chloe at Poppy. Nakakapit ulit si Poppy sa braso niya.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, okay?" Si Chloe. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya 'tsaka ako tumango.

Noong nakasakay na ako sa loob ng sasakyan, I rolled down the window ang glance at them, then at Poppy. "Bye, Poppy." Kumaway ako sa kaniya nang nakangiti, pero pagyuko ang naging tugon niya sa 'kin, halatang nahihiya pa rin.

To be continued...

Don't forget to vote po. Thank you! :)

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon