✧FAITH ZEICAN LEE✧
Friday.
6:03 P.M.
KARARATING ni Chloe sa company. Dito siya ulit dumiretso sa opisina ko. This time ay hindi pizza ang dala niya kun'di iced coffee at fries. Lagi na talaga siyang dumadaan dito after ng working hours niya sa Herald Enterprise.
"Good news?" Malapad ang ngiti niya nang ibaba niya sa harap ko ang para sa 'kin noong nakalipat na ako sa sofa na gitna ng office. Wala kasing space sa working desk ko dahil maraming nakapatong na mga documents, naroon pa ang laptop ko. "Naipagpaalam ko na si Poppy kay Mom at Dad." Nakaupo na siya ngayon sa tapat ko, magkaharap kami. Coffee table ang nakapagitan sa amin at naroon ang pagkain namin na dala niya. "Pumayag sila. 'Yon nga lang, kailangan ko talagang samahan si Poppy. Hindi kasi s'ya sanay na maiwang mag-isa tapos hindi n'ya kilala ang mga nasa paligid n'ya. Sa bagay na 'yon nag-wo-worry sila mommy."
"How 'bout Poppy? Pumayag ba s'ya na lumabas?" I asked, curious.
Tumango siya. "Hindi n'ya naman alam na sa inyo kami pupunta. Ang sabi ko sa kan'ya, lalabas lang kaming dalawa, kaya pumayag s'ya."
"Dapat sinabi mo na lang 'yong totoo sa kan'ya. Baka mamaya magalit pa sa 'yo ang kapatid mo?"
She chuckled. "Magalit? Hindi 'yon marunong magalit, babe. She's kind. S'ya ang pinakamahinahon at pinakamaamong tao na kilala ko. Kaya nga bagay sa kan'ya 'yong pangalan n'ya. Poppy. Para s'yang maamong tuta."
Natahimik ako sa sinabi niya, habang naroon sa fries niya ang kaniyang atensyon. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya, napaangat siya ng mukha sa 'kin at may panunukso akong nginisihan.
"Babe, why are you staring at me like that? Do you miss me that much?"
Maamong tuta? Bakit biglang gano'n siya magsalita sa kapatid niya?
I faked a smile and just nodded at her kahit na hindi 'yon ang dahilan. "Ano'ng oras ko kayo susunduin sa inyo bukas?"
"No need, babe. Gagamitin ko na lang 'yong sasakyan ko."
"Ano'ng oras kayong darating bukas?"
"Ano'ng oras n'yo ba preferred?"
"Anytime. Nasa bahay lang din naman family ko bukas dahil Saturday."
"Mm. Sige. Umaga kami pupunta para medyo mahaba-haba ang oras na maka-bonding nila Tita Keycee si Poppy."
"Ano'ng favorite food ni Poppy? Para 'yon ang ipaluluto ko."
Natahimik siya bigla at napatitig sa 'kin. She sighed. "Babe, why are you so concerned about my sister? I'm the one who's your fiancée. Instead of asking about my favorite food, you're asking about Poppy's." She put down her iced coffee and grabbed a tissue from the box in front of us, clearly upset. Pinunasan niya ang kamay niya gamit ang tissue.
"I'm so sorry, Chloe." Magkakrus na sa harap niya ang mga braso niya at nakaiwas sa akin ang tingin. Gusto kong sabihin sa kaniya na naaawa ako kay Poppy kaya gusto kong gawing espesyal ang pag-welcome rito sa bahay namin. Pero hindi ko 'yon masabi sa kaniya. If she was already upset about me asking Poppy's favorite food, how could I bring up anything more? Baka 'yon pa ang unang bagay na pag-awayan namin kung sakali. "Babe." Tumayo ako sa upuan ako at lumipat sa tabi niya. Kinabig ko ang mukha niya paharap sa 'kin. "I'm sorry, okay? When we get married, you'll become part of our family. Of course, I also want your sister to feel like she's part of our family too. Kung paano mo naramdaman na welcome ka sa bahay namin, I want Poppy to feel the same way because she's your sister. Isn't that the right thing?"
BINABASA MO ANG
THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)
Romance•COMPLETED• Arranged marriage is a longstanding tradition in the Lee family, and as Professor Lee's triplets come of age, they must marry the women chosen by their formidable late great-grandfather, Don Adolfo. Faith Zeican Lee, the kindest and gen...