Chapter 2. Engagement Has Been Decided

1.3K 57 26
                                    

✧THIRD PERSON's POV✧

"Hi, darling!" Sunud-sunod na bumeso si Stephanie sa kaniyang mga guwapong apo, sa triplets, habang malapad ang ngiti. Ganoon din kay Summer. "Kumusta kayo?" Nasa likuran nito ang mister na si Carlo Vivar, kilala ring businessman, at ang bunso nilang anak na si Amethyst, na kung tawagin ng triplets at ni Summer ay Tita Baby. Twenty-three na ngayon si Amethyst dahil isang taon lang naman ang age gap nito sa triplets.

"We're fine, Mommyla. Pero si Faith, not so fine." Bumungisngis pa si Hope kaya napukol ito nang masamang tingin ng kanilang Daddy na si Ace.

Pisting yawa kasi itong si Hope. Kinakabahan na nga ang kapatid na si Faith, lalo pa itong hindi mapanuto dahil sa kaniyang panunukso. Alam na kasi nila ang rason ng pagpunta ngayon dito ng kanilang Mommyla.

Ipinagpatuloy nila ang kumustahan habang patungo sila sa dining area. Nauuna ang dalawang mag-asawa, habang nasa likuran naman ng mga ito ang kanilang mga bagets. Si Summer naman at Amethyst ay magkaukyabit na ang braso at nagbubungisngisan dahil sa pagiging close nito.

"Hindi mo raw sinasagot 'yong tawag n'ya," mahinang sabi ni Amethyst sa pamangking si Summer. Ngunit dinig ng triplets ang kanilang usapan.

"Tita Baby, sira 'yong speaker ng phone ko. Kapag may tumatawag, kahit sagutin ko, hindi ako maririnig ng nasa kabilang line. Kaya hindi ko na lang sinasagot."

"I have an extra iphone at home. 15 promax. It's sealed. Hindi ko pa nagagamit. Ibibigay ko na lang sa 'yo next time na magkita tayo."

"Omg! Really?!"

Hindi naiwasang bumaling ni Hope sa dalawa, lalo na sa bunso nilang si Summer para buwisitin ito. "Pa-iphone-iphone ka pa! Samantalang noon, masayang-masaya ka na sa telepono mong Chinese. Tililit tililit wayayu! Tililit tililit arf, arf! Ay ay ay ang galing kong sumayaw! Ay ay ay—"

Naputol ang paggaya ni Hope sa ringtone dahil sa halakhak ni Amethyst. "You're so funny, Hope! But your lyrics is crazy. It's, 'ay ay ay I'm your little butterfly'. Hindi 'ang galing kong sumayaw'. Ano 'yon? Totoy Bibo?"

Hindi naiwasang mapalingon ni Ace at Keycee sa mga bata, lalo na kay Amethyst nang marinig nila ang sinabi nito.

Pagdating sa dining room at lahat ay nakaayos na sa kani-kaniyang upuan ay sinimulan na nila ang pagkain. Magkakatabi ang triplets, ang kanilang parents, ganoon din ang kanilang Lolo at Lola, maging si Amethyst at Summer. Gayon pa man, habang kumakain ay sinimulan na ng kanilang Mommyla ang diskusyon.

"Kids," Stephanie started, her eyes moving over all of them. "I have an announcement to make." Ukol iyon sa nakatakdang engagement ni Faith sa panganay na anak ni Lucio at Jody Herald. "Alam kong may idea na kayo sa sasabihin ko dahil galing sa bahay si Hope kaninang umaga."

"Mommyla naman," reklamo agad ni Hope. "Sa salita mo, parang ginagawa mo 'kong tsismoso. Sinasaktan mo damdamin ko."

"Oh. Are you not?" natatawang biro naman ng kaniyang Mommyla. "Anyways," kay Faith muli nito ibinaling ang tingin. "Faith, your engagement has been decided."

Biglang tumahimik ang kanilang paligid, lahat ng tingin ng magkakapatid ay nakatuon na kay Faith, ganoon din ang kanilang magulang na si Keycee at Ace.

Faith Zeican sighed in resignation to his fate. He always knew they'd end up in arranged marriage anyway. "Who is it, Mommyla?" he asked.

"Chloe Herald, daughter of Jody and Lucio Herald and heiress to an oil empire. As you may know, oil is an industry we have yet to enter, and this will be our chance. Chloe is twenty-two. I haven't met her yet. Mommy at Daddy pa lang n'ya ang na-meet ko kaninang umaga dahil sumadya ito sa bahay."

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon