Chapter 35. Poppy's Letter

5.9K 108 5
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

I WOKE up with the faint sound of rain tapping against the windowpane. My eyes flicked to the clock: 2:00 AM. Hanggang ngayon pala umuulan. Nagsimula 'yon kagabi pa habang nagkakasiyahan kami sa pagdiriwang ng advance birthday ni Poppy. Rinig ko rin ang pagpito ng hangin sa nakasara kong bintana dahil medyo malakas ang hangin sa labas.

So far, kahit bumabagyo naging sobrang saya pa rin ng birthday niya. Kahit walang videoke, nagawan pa rin ng paraan na makapagkantahan kami dahil may Smart TV naman at internet. Si Hope ang nag-set up ng mic, pinangunahan nila 'yon ni Tito Betlog at sila ang nag-s-showdown sa pagkanta.

Kapag kumakanta si Hope, sumasayaw si Tito Betlog. Kapag si Tito Betlog naman ang kumakanta, si Hope ang nagpapakitang gilas, na akala mo bulateng inasinan. Pero ayos lang dahil nakadagdag 'yon sa saya ni Poppy. Ang totoo nga, pinapalakpakan niya pa 'yong dalawa kagabi.

Wala sana akong planong bumangon, but the dryness in my throat made it impossible to ignore my thirst, so I reluctantly slid out of bed and quietly padded downstairs.

The house was still and dark, only the occasional flash of lightning casting eerie shadows on the walls. I reached the kitchen and filled a glass with cold water, savoring each refreshing gulp. As I turned to head back upstairs, something on the dining table caught my eye.

A folded piece of paper lay there, conspicuous and out of place against the glass table. Curiosity tinged with a hint of dread compelled me to pick it up. The dim light from the kitchen lamp provided just enough illumination to recognize the handwriting. It was Poppy's.

My heart pounded as I unfolded the letter. Napalunok ako dahil hindi ako puwedeng magkamali. Halata pa sa sulat niya na nanginginig ang kamay niya dahil sa ayos ng mga letra. And the first six words, though simple, hit me like a punch to the gut.

Dear Kuya Faith at sa lahat,

Kuya Faith, maraming salamat sa 'yo. Simula noong nakilala kita, nagsimula na rin mangyari ang mga magagandang bagay sa buhay ko. Salamat sa pagkaing sinandok mo para sa 'kin noong party n'yo ni Ate Chloe. 'Yon ang unang masarap na pagkaing natikman ko simula noong lumipat ako sa annex noong five years old ako.

Salamat din sa pagdalaw mo noon kay Ate Chloe. Dahil sa pagdalaw mo, nagkaroon ako ng pagkakataong makasabay ang pamilya ko sa pagkain. 'Yon ang unang beses kong makasabay sila, pati na rin ikaw.

Salamat din sa mga pasalubong mo sa 'kin sa tuwing dumadalaw ka sa bahay. Salamat sa set ng hairclip. Five ako noong huling beses akong nakatanggap ng regalo, kaya sobrang saya ko noong natanggap ko sa 'yo 'yong hairclip na nakalagay sa magandang box. Salamat din sa mga chocolates na dinadala mo. Dahil sa 'yo, naalala ko ulit ang lasa ng chocolates. Maraming salamat, Kuya Faith.

Tita Keycee, maraming salamat din po sa 'yo. Salamat po sa pagtrato mo sa 'kin bilang anak. Salamat po sa masasarap na pagkaing ginagawa mo para sa 'kin. Salamat din po sa mga yakap na binibigay mo. Ang totoo po, hindi ko na maalala kung ano 'yong pakiramdam ng yakap ni Mommy noon sa 'kin dahil two pa lang po ako noong nawala siya. Pero dahil po sa yakap mo, naalala ko kung anong pakiramdam ng mayakap ng isang ina.

Tito Ace, salamat po sa pagtuturo mo sa 'kin sa math. Pasensya na po kung ikaw lang ang hindi ko nabilhan ng bracelet o kahit anong regalo. Kasi po, nahihiya ako sa 'yo. Minsan po kasi parang masungit kang tingnan. Baka po hindi mo magustuhan 'yong ibibigay ko.

Kuya Love, salamat din sa pagtuturo mo sa 'kin sa science. Wala kang katulad. Sobrang talino mo kaya naman wala akong naintindihan sa mga tinuro mo. Siguro hindi pa kaya ng utak ko ngayon ang science. Pero salamat pa rin dahil nagtiyaga ka sa 'kin kahit na mahirap akong makaintindi minsan.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon