Chapter 30. Poppy's First Buffet Experience

7K 190 8
                                    

✧FAITH ZEICAN LEE✧

LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil church day namin. Pero dahil masyado pang maaga, nanatili muna ako sa kama ko nang ilang sandali, habang nag-s-scroll sa phone ko. May mga messages sa akin si Chloe kagabi pa at ngayon ko lang 'yon nabasa dahil hindi ko hawak ang phone ko kagabi. Iniwan ko 'yon sa kuwarto kagabi habang nasa sala kaming lahat, nagkukuwentuhan, kasama si Poppy. At hanggang sa pumasok ako sa kuwarto kagabi para matulog ay hindi ko man lang naisipang buklatin ang phone ko para i-check dahil masyado akong nalibang.

Nangungumusta si Chloe kaya ni-reply-an ko siya. Kinumusta niya rin si Poppy. Mukhang alam na niyang narito sa amin si Poppy, siguro ay ipinaalam sa kaniya ng parents niya. At ang bukambibig niya sa mga message niya sa akin ay siya raw ang fiancé ko. Lagi niyang ipinaaalala 'yon, halatang matindi na ang selos niya kay Poppy.

Dahil ayoko siyang bigyan ng alalahanin, at ayoko rin na maging dahilan 'yon para magtanim siya ng inggit o sama ng loob sa kapatid niya, wala akong choice kun'di ang bigyan siya ng assurance na wala siyang dapat ipag-alala sa akin at sa kapatid niya. Para rin matahimik kami pare-pareho. Matapos kong mag-reply kay Chloe, nag-decide na akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.

Isang linggo na rito sa amin si Poppy, at noong ikaapat na araw niya rito, hindi namin inaasahan na bibisatahin siya ng parents niya. Mabuti na lamang at bago sila nakapasok sa loob ng bahay ay naitakbo na ni Ate Emy ang mga learning materials ni Poppy na nasa sala at dinala 'yon sa kuwarto ni Summer.

Kinumusta nila rito si Poppy at dinalhan ng ilang gamit dahil noong sinundo ito ni Summer sa mansyon nila ay isang backpack lang ang dala ni Poppy na mga damit. Dito sila nananghalian noon, sabay-sabay kami at bago sila umalis, kinausap nila nang sarilinan si Poppy. Hindi namin alam kung ano'ng pinag-usapan nila dahil nang tanungin namin si Poppy pag-alis ng parents niya ay ayaw naman nitong magsabi. Ang tanging sabi niya lang ay wala raw kaming dapat ipag-alala sa kaniya dahil okay lang daw siya.

Nakagayak na ako noong lumabas ako sa kuwarto. Khaki pants ang suot ko at kulay white na shirt, pinanatili kong nakababa ang manggas kaysa itupi. Then white sneakers. Pagbaba ko sa hagdan, natanaw ko ang mga kapatid ko sa sala, maging si Poppy, nakagayak na rin sila at nakapaikot na nakaupo sa sofa, nanonood ng TV. Parehong nakasuot ng sunday dress si Poppy at Summer. Black pants naman si Love at Hope at naka-shirt din sila. Black kay Love, Red naman kay Hope.

"Sila Mom at Dad?" tanong ko, nanatili ako sa paanan ng hagdan. Maging si Poppy ay napalingon sa akin at napangiti nang makita niya ako. Nakasipit sa gilid ng buhok niya 'yong isa sa mga pearl na hairclip na binigay ko noon sa kaniya.

"Nasa kitchen." Si Summer ang sumagot sa 'kin. Agad akong tumungo sa kitchen at naabutan ko roon si mommy at daddy. Nakagayak na rin sila, pero nagpe-prepare si mommy ng pancake sa tray. Si Daddy naman ay nakaupo, nagbabasa ng newspaper.

"Morning, Mom. Morning, Dad," bati ko sa kanila. "Akala ko ba sa labas na tayo kakain mamaya after church? Bakit gumawa pa kayo ng pancake?"

Nag-angat sa akin ng tingin si Mommy. "Pancakes lang naman 'to. Para lang may mailaman muna tayo sa sikmura natin dahil after church pa tayo kakain sa labas. Isa pa, nag-aalala ako kay Poppy. Baka gutumin s'ya sa church, lalo na at pagod s'ya."

Kumunot ang noo ko kaya nagpatuloy si Mommy. "Kanina kasi noong nagising kami, naabutan na namin s'yang gising. Ang dami n'yang nagawa sa bahay, anak. Mas nauna pa s'yang nagising kaysa kay Ate Ems. Naglinis s'ya sa kusina, nagpunas ng mga bintana, napakintab n'ya 'yong mga salaim at nilampaso n'ya rin 'yong sala. Nakapagdilig pa s'ya sa garden. Sa dami ng nagawa n'ya, siguradong mabilis s'yang magugutom."

Natahimik ako. 'Naglinis si Poppy sa bahay?'

"Halika na, Faith," yaya sa akin ni Daddy. Nilagpasan nila ako, bitbit ni mommy 'yong tray ng pancakes, siya naman ang may bitbit ng tray kung saan may mga baso at dalawang carton ng fresh milk.

THE PERFECT HUSBAND (LEE BROTHERS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon